Pandaigdigang kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 101,669 total reads

Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa.

Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang bansa at mga international groups para sa New Year vin d’honneur. Sa kanyang talumpati, inanyayahan ni PBBM ang kanyang mga bisitang suportahan ang nais ng Pilipinas na mapabilang muli sa United Nations Security Council at makuha ang isa sa sampung nonpermanent seats sa mga taong 2027 hanggang 2028. Ang UN Security Council ay binubuo ng France, Russia, United Kingdom, China, Estados Unidos, at sampung bansang nonpermanent members. Layunin ng UN Security Council na panatilihin ang kapayapaan at seguridad sa mundo.

Ayon sa pangulo, handa ang bansang mamuno at makiisa sa pandaigdigang nibel lalo na sa mga isyung katulad ng seguridad at kapayapaan. Bagamat ang huling termino ng Pilipinas sa UN Security Council ay noong mga taong 2004 at 2005 pa, ibinida niya ang ambag ng Pilipinas sa kapayapaan sa pagkilala ng 14,000 na UN troops at 21 UN peacekeeping operations sa loob ng 60 na taon.

Hindi maitatangging ang pamamaraan natin ng diplomasya sa sigalot sa West Philippine Sea ay halimbawa ng ating ambag sa pandaigdigang kapayapaan. Marami tayong mga hakbang na nagpapakita ng ating diplomatikong paggigiit sa ating soberanya at kapayapaan. Dumudulog tayo sa arbitral tribunal ng UN Convention on the Law of the Seas. Pumapasok tayo sa mga multilateral agreements sa ibang bansa para protektahan ang ating exclusive economic zone. Kamakailang, nagkaroon ng trilateral talks sina Pangulong BBM, Prime Minister Shigeru Ishiba ng Japan, at President Joe Biden ng Amerika para mapanatili ang kasaganaan at seguridad sa Indo-Pacific Region.

Sa vin d’honneur, tumugon si Archbishop Charles Brown, Papal Nuncio sa Pilipinas at dekano ng diplomatic corps, sa kung paano nakatutulong ang mga kawani ng pamahalaan at ang diplomasya sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa ng iba’t ibang bansa. Aniya, “All of us, men and women serving in government and in the diplomacy, our mission is to help guide the course of human events in a path that leads to peace, prosperity, and security for all. That is only possible when there’s communication, the authentic and respectful exchange of ideas and proposals, in continuous dialogue.”

Naaayon sa panlipunang turo ng Simbahan ang tugon ni Archbishop Brown sa pangulo at sa diplomatic corps. Ayon kay Saint Pope John XXIII, sa pakikilahok sa pandaigdigang komunidad, dapat kilalanin ang mga prinsipyo ng katotohanan, katarungan, aktibong pakikiisa, at kalayaan. Ipinahahayag din ng panlipunang turo ng Simbahan na ang mga pandaigdigang batas ay mahalaga sa pagpapanatili ng kabutihang panlahat at kapayapaan sa mundo.

Kaya naman, kalugod-lugod ang hangarin ng Pilipinas na makilahok muli sa pandaigdigang nibel para sa kapayapaan. Ang pagtataya natin sa kapayapaan ay sinasalamin sa mga hakbang natin sa larangan ng diplomasya at ugnayang panlabas. 

Mga Kapanalig, tayo rin ay hinahamon ng ating pananampalataya at ng ating bansa na makibahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan ‘di lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Sa nalalapit na eleksyon, isa ba ang pagkiling sa kapayapaan sa mga hinahanap natin sa mga kandidato? Piliin natin ang mga kandidatong may adbokasiya sa pagpapanatili ng batas, pakikipagtulungan, at diplomatikong ugnayan ng ating bayan sa pandaigdigang komunidad upang tayo ay mamuhay sa kapayapaan.

Nawa’y maisakatuparan natin, sa pamamagitan ng aktibong pananampalataya at responsableng pagboto ang pangako ng Diyos sa sa Awit 29:11: “Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kanyang bayan, at pinagpapala sila ng mapayapang buhay.”

Sumainyo ang katotohanan.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 1,728 total reads

 1,728 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 59,301 total reads

 59,301 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 119,798 total reads

 119,798 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 138,899 total reads

 138,899 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 219,552 total reads

 219,552 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 318,584 total reads

 318,584 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 59,302 total reads

 59,302 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 119,799 total reads

 119,799 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 138,900 total reads

 138,900 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 219,553 total reads

 219,553 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top