Biyernes, Pebrero 28, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,320 total views

Biyernes ng Ika-7 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Sirak 6, 5-17
Salmo 118, 12. 16. 18. 27. 34. 35

Sa pagsunod sa utos mo, Poon, pangunahan mo ‘ko

Marcos 10, 1-12

Friday of the Seventh Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 6, 5-17

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Ang magiliw na pangungusap ay nakaaakit ng maraming kaibigan,
at ang matamis na pananalita’y susuklian ng magandang sagot.
Makipagbatian ka sa maraming tao,
ngunit isa lamang sa sanlibo ang hihingan mo ng payo.

Bago ka makipagkaibigan kaninuman, subukin mo muna siya,
at huwag mo siyang pagtitiwalaan agad.
Sapagkat may mga kaibigang mapagsamantala
na di mo maaasahan sa oras ng pangangailangan.

May kaibigang hindi nagtatagal at nagiging kaaway mo,
at ibubunyag pa niya ang pagkakagalit ninyo,
Anupat lalabas kang kahiya-hiya.
Mayroon ding kaibigang kasalu-salo mo sa pagkain,
ngunit pababayaan ka sa oras ng kagipitan.
Sa kasaganaan, didikit siya sa iyo na parang anino,
uutusan niya pati ang mga katulong mo;
ngunit sa kasawia’y pababayaan ka niya,
pagtataguan ka, at di mo na siya makikita.

Lumayo ka sa kaaway,
at mag-ingat ka sa kaibigan.
Ang matapat na kaibiga’y parang matibay na kuta,
pag nakatagpo ka ng tulad niya’y para kang nakahukay ng malaking kayamanan.
Walang kasinghalaga ang matapat na kaibigan
hindi siya matutumbasan ng gaano mang salapi.
Ang matapat na kaibiga’y parang gamot na nagbibigay-buhay,
at siya’y matatagpuan lamang ng mga may takot sa Panginoon.
Ang may takot sa Panginoo’y makatatagpo ng tapat na kaibigan
at ang mga kaibigan niya’y tulad niyang may takot sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 12. 16. 18. 27. 34. 35

Sa pagsunod sa utos mo, Poon, pangunahan mo ‘ko

Pupurihin kita, Poon, ika’y aking pupurihin,
ang lahat ng tuntunin mo ay ituro mo sa akin.

Sa pagsunod sa utos mo, Poon, pangunahan mo ‘ko

Sa bigay mong kautusa’y lubos akong nalulugod,
iingatan sa puso ko upang iyo’y di malimot.

Sa pagsunod sa utos mo, Poon, pangunahan mo ‘ko

Buksan mo ang paningin ko pagkat nananabik masdan,
yaong buting idudulot sa akin ng iyong aral.

Sa pagsunod sa utos mo, Poon, pangunahan mo ‘ko

Ang lingkod mo ay turuang masunod ang kautusan,
sa utos mong mapang-akit, ako nama’y mag-aaral.

Sa pagsunod sa utos mo, Poon, pangunahan mo ‘ko

Ituro mo ang batas mo’t sisikapin kong masunod,
buong pusong iingata’t susundin nang buong lugod.

Sa pagsunod sa utos mo, Poon, pangunahan mo ‘ko

Sa pagsunod sa utos mo, ako’y iyong pangunahan,
sa utos mo’y naroon ang ligayang inaasam.

Sa pagsunod sa utos mo, Poon, pangunahan mo ‘ko

ALELUYA
Juan 17, 17b

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo,
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, si Hesus ay nagtungo sa lupain ng Judea, at nagtuloy sa ibayo ng Ilog Jordan. Muli siyang pinagkalipumpunan ng mga tao, at tulad ng dati’y nagturo sa kanila.

May mga Pariseong lumapit kay Hesus. Ibig nilang masilo siya kaya’t kanilang tinanong, “Naaayon ba sa Kautusan na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?” Tugon niya, “Ano ang utos sa inyo ni Moises?” Sumagot naman sila, “Ipinahintulot ni Moises na hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa matapos bigyan ng kasulatan sa paghihiwalay.” Ngunit sinabi ni Hesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya niya inilagda ang utos na ito. Subalit sa pasimula pa, nang likhain ng Diyos ang sanlibutan: ‘Nilalang niya silang lalaki at babae. Dahil dito’y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y magiging isa.’ Kaya’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.”

Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Hesus tungkol sa bagay na ito. Sinabi niya sa kanila, “Ang sinumang lalaking humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay gumagawa ng masama sa kanyang asawa – siya’y nangangalunya. At ang babaing humiwalay sa kanyang asawa at mag-asawa sa iba ay nangangalunya rin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Nakikibahagi sa paglikha ng Diyos ng bagong buhay ang mga asawa at mga maybahay. Para sa mga pangangailangan ng mga magulang at mga anak ang ating kahilingan ngayon.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basbasan Mo ang aming mga mag-anak.

Ang ating Simbahan nawa’y maging totoo sa kanyang pagtatanggol sa integridad ng sakramento ng kasal at ng pamilya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng gobyerno at mga mambabatas nawa’y magpasa ng mga batas at panuntunan na nagtatatag ng pamilya at hindi sumisira nito, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga pamilya na nasira ng diborsyo o kaya ng paghihiwalay nawa’y makatagpo sila ng suporta at pang-unawa mula sa mga komunidad na kanilang kinabibilangan, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga pamilya nawa’y magbigay ng inspirasyon sa kanilang pamumuhay bilang komunidad ang mga ehemplo nina Maria at Jose, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating yumaong mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y makakita ng kasiyahan sa kapayapaan ng walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos ng pag-ibig, nilikha mo kaming lalaki at babae upang ipagpatuloy ang iyong paglikha. Ang pag-ibig namin sa isa’t isa nawa’y sumalamin sa iyong pananatili sa amin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 21,321 total views

 21,321 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 195,255 total views

 195,255 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 172,888 total views

 172,888 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 236,264 total views

 236,264 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 254,511 total views

 254,511 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Mayo 28, 2026

 111 total views

 111 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 1,775 total views

 1,775 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 3,432 total views

 3,432 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 3,380 total views

 3,380 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 2,658 total views

 2,658 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top