Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 85,773 total views

Mga Kapanalig, aabot sa halos 76 milyong Pilipino ang bumubuo sa tinatawag na voting population o mga nasa tamang edad na para makaboto. Sa bilang na ito, kulang-kulang 70 milyon ang registered voters. Pinakamarami ang mula sa mga batang henerasyon gaya ng mga Millennials at Generation Z; 63% o anim sa bawat sampung rehistradong botante ay kabilang sa mga henerasyong ito.

Ang mga Millennials ay tumutukoy sa mga ipinanganak sa pagitan ng 1981 at 1996. Binubuo nila ang 34% ng ating voting-age population. Ang mga Gen Z naman ay ang mga isinilang noong 1997 hanggang 2007. Sila ay 29% ng voting-age population. Sila ang mga Pilipinong hindi naabutan ang EDSA People Power Revolution, ang mapayapang pag-aalsa ng taumbayan para alisin sa puwesto ang pamilya Marcos. Sila ang mga Pilipino na maaaring kulang ang nalalaman tungkol sa yugtong iyon sa ating kasaysayan kung saan nanindigan tayo laban sa diktadurya. Sila ang mga Pilipinong maaaring hindi nakikita ang kahalagahan ng araw na ito tatlumpu’t siyam na taon na ang nakararaan—ang araw kung kailan bumalik ang demokrasya sa ating bayan. 

Hindi naman natin sinasabing sila lamang ang walang nalalaman tungkol sa makasaysayang araw na ito. Kahit ang mga nakatatanda—kahit pa nga ang mga nakasaksi sa karahasang bumalot sa ating bayan sa ilalim ng batas militar noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos—ay tila walang nabitbit na leksyon mula sa mga pangyayaring humantong sa EDSA People Power Revolution. Lantaran bagamat dahan-dahang nakabalik sa poder ang pamilyang ginawang sariling bangko ang kaban ng bayan. Malakas pa rin ang kapangyarihan at malawak ang impluwensya ng pamilyang nakinabang sa pamumunong nagpalaganap ng takot. Samantala, ang mga biktima ng gobyernong diktador—gamit ang pagto-torture at sapilitang pagdakip—ay hindi pa rin nakakamit ang katarungan.

Itinuturing natin sa Simbahan ang EDSA People Power Revolution bilang isang himala. Sa harap ng mga tangke at puwersa ng militar na handang saktan ang mga nagtipun-tipon para ipanawagan ang pag-alis ng pamilya Marcos, walang dugong dumanak. May mga karahasang naganap bago ang araw na iyon, pero sa huli, kapayapaan ang namayani. Mapayapang pagbabago ang ating nakamtan. Kaya mainam na paalala sa atin ang nasasaad sa Mikas 6:5: “Alalahanin ninyo ang mga ito at malalaman ninyo ang ginawa ni Yahweh upang iligtas kayo.”

Mahalagang patuloy nating inaalala ang EDSA People Power Revolution, lalo pa’t gaya ng inaasahan, hindi na ito pista-opisyal sa ating bansa. (Bakit naman ito gugunitain ng gobyernong pinatatakbo na ngayon ng mga taong pinatalsik ng taumbayan?) 

Mahalagang maipaunawa sa ating lahat, lalo na sa kabataan, na ang diwa ng EDSA People Power Revolution ay hindi lamang tungkol sa tunggalian ng mga pulitiko o mga nagbabanggaang puwersa sa pulitika. Hindi lamang ito tungkol sa pagpapababa sa puwesto ng mga pinunong hindi gusto ng mga tao. Hindi lamang ito karaniwang kilos-protesta ng mga galit sa gobyerno. 

Ang diwa ng EDSA ay nakaugat sa mga dapat na pinahahalagahan natin bilang isang bayan—isang lipunang malaya, isang gobyernong naglilingkod sa tao, isang bansang naninindigan para sa katotohanan, katarungan, at karapatan—mga bagay na pinahahalagahan din ng ating Simbahan.

Mga Kapanalig, maaaring sabihin ng ibang hindi na pinag-aaksayahan ng panahon ng mga tao ang EDSA People Power Revolution, lalo na’t mas mahalaga para sa kanila ang makapagtrabaho at mapakain ang kanilang pamilya. Hindi natin masisisi ang mga nagsasabi ng ganitong sentimiyento. Pero ito nga ang bunga ng paglimot natin sa diwa ng EDSA, at nanganganib itong magpatuloy sa mga nakababatang henerasyong hindi ito nauunawaan at hindi na ito pinahahalagahan. Maaari itong magpatuloy kung sa darating na eleksyon, hahayaan nating manalo ang mga pulitikong salungat ang isinusulong sa diwa ng EDSA. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 59,991 total views

 59,991 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 93,073 total views

 93,073 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 121,424 total views

 121,424 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 189,156 total views

 189,156 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 208,131 total views

 208,131 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Upper-middle income na ang Pilipinas

 59,992 total views

 59,992 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 93,074 total views

 93,074 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 121,425 total views

 121,425 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 189,157 total views

 189,157 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »
Scroll to Top