Lunes, Marso 3, 2025

SHARE THE TRUTH

 6,140 total reads

Lunes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Sirak 17, 20-28
Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7

Sambayanang tapat sa D’yos
ay magpupuring malugod.

Marcos 10, 17-27

Monday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Sirak 17, 20-28

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Laging tinatanggap ng Diyos ang nagbabalik-loob,
at inaaliw ang nawawalan ng pag-asa.
Iwan mo na ang kasalana’t lumapit ka sa Panginoon,
magmakaamo ka sa kanya at mapapawi ang iyong sala.
Manumbalik ka na sa Kataas-taasaan;
talikuran mo na ang gawang masama,
at kamuhian mo ang kanyang kinasusuklaman.
Sino ang magpupuri sa Panginoon sa daigdig ng mga patay?
Ang mga buhay lamang ang maaaring magpuri sa kanya.
Ang mga patay, sapagkat sila’y wala na, ay di maaaring magpuri sa Panginoon;
mga buhay lamang at malulusog ang maaaring magpuri sa kanya.
Kay laki ng pagkahabag ng Panginoong;
anong dali niyang magpatawad sa nagbabalik-loob sa kanya!

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 31, 1-2. 5. 6. 7

Sambayanang tapat sa D’yos
ay magpupuring malugod.

Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan,
at nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalansang;
mapalad ang taong sa harap ng Poon ay di naparatangan
dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi nanlinlang.

Sambayanang tapat sa D’yos
ay magpupuring malugod.

Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala’y inamin,
ang aking ginawang mga pagsalansang di ko inilihim;
pinagpasiyahan kong ang lahat ng ito sa iyo’y idaing,
at aking natamo ang iyong patawad sa sala kong angkin.

Sambayanang tapat sa D’yos
ay magpupuring malugod.

Ang lahat ng tapat, sa panahong gipit dapat manalangin,
upang bumugso man ang malaking baha’y di sila abutin.

Sambayanang tapat sa D’yos
ay magpupuring malugod.

Kublihan ko’y ikaw, ikaw ang sasagip kung nababagabag,
aking aawitin ang pagkakalinga at ‘yong pagliligtas.

Sambayanang tapat sa D’yos
ay magpupuring malugod.

ALELUYA
2 Corinto 8, 9

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay naging dukha
upang tayo’y managana
sa bigay n’yang pagpapala.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 17-27

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nang paalis na si Hesus ay may isang lalaking patakbong lumapit, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos. Alam mo ang mga utos: ‘Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong pagsaksi; huwag kang magdadaya; igalang mo ang iyong ama’t ina,’” “Guro,” sabi ng lalaki, “ang lahat po ng iya’y tinutupad ko na mula pa sa aking pagkabata.” Magiliw siyang tinitigan ni Hesus, at sinabi sa kanya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamigay sa mga dukha ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin.” Namanglaw ang lalaki nang marinig ito, at malungkot na umalis, sapagkat siya’y napakayaman.

Tiningnan ni Hesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa kanyang mga alagad, “Napakahirap mapabilang ang mayayaman sa mga pinaghaharian ng Diyos.” Nagtaka ang mga alagad sa pananalitang ito. Muling sinabi ni Hesus, “Mga anak, talagang napakahirap mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos! Madali pang makaraan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa pasakop sa paghahari ng Diyos ang isang mayaman.” Lalong nagtaka ang mga alagad, kaya’t sila ‘y nagtanungan. “Kung gayo’y sino ang maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi sa kanya, “Hindi ito magagawa ng tao, ngunit hindi ito mahirap sa Diyos. Magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo ngayon sa ating Diyos Ama para sa katatagan na mapaglabanan natin ang mga tukso ng kayamanan at kasiguruhan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, mapasaamin nawa ang kaharian mo.

Ang Simbahan nawa’y patuloy na magbigay ng kalinga at suporta sa mga napapabayaan at mga naghihirap ng ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tinatawag na tagasunod ni Kristo nawa’y kanilang mapagtanto na mas mahalaga sa buhay ang pagkalinga sa iba at pangangalaga sa mga kapuspalad kaysa sa sarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tao nawa’y matagpuan ang karunungan na unahin ang paghahanap sa Kaharian ng Diyos at ialay ang kanilang buhay sa paglilingkod sa Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y mabigyang kasiyahan at kalakasan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga yumaong kamag-anak at kaibigan nawa’y makasalo sa kasiyahan ng tagumpay ni Kristo sa Kaharian ng Langit, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, bigyan mo kami ng kalakasan ng loob na mamuhay sa karukhaan sa Espiritu at sumunod sa halimbawa ni Kristo na naging dukha upang kami ay umunlad. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

MODERN-DAY PHARISEES

 18,274 total reads

Gospel Reading for October 16, 2026 – Luke 12: 1-7

MODERN-DAY PHARISEES

At that time: So many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven–that is, the hypocrisy–of the Pharisees. “There is nothing concealed that will not be revealed, nor secret that will not be known. Therefore whatever you have said in the darkness will be heard in the light, and what you have whispered behind closed doors will be proclaimed on the housetops. I tell you, my friends, do not be afraid of those who kill the body but after that can do no more. I shall show you whom to fear. Be afraid of the one who after killing has the power to cast into Gehenna; yes, I tell you, be afraid of that one. Are not five sparrows sold for two small coins? Yet not one of them has escaped the notice of God. Even the hairs of your head have all been counted. Do not be afraid. You are worth more than many sparrows.”

————

Perhaps there are very few people in the world who would not fear murderers or members of groups operating in the underworld or engaged in criminal activities. For Jesus, however, this fear is secondary to the fear of those who can lead us astray—those who have managed to convince others that what has always been morally right is wrong, and what is wrong is now morally right.

Jesus is not merely speaking about the Pharisees. We have MODERN-DAY PHARISEES who manipulate the Word of God to serve their personal interests or promote their advocacies that run counter to the teachings of Jesus and Sacred Scripture.

If we are to be true Christians who wish to enjoy eternal life with God someday, we have to be wary of these people. They are the ones we must avoid because, although they cannot kill us physically, they can kill us spiritually.

Lord Jesus, help us to always seek the truth in Sacred Scripture and in the teachings of Jesus in the New Testament.

Sealed with the Holy Spirit

 20,257 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Friday, Twenty-Eighth Week in Ordinary Time, Year II, 16 October 2026
Ephesians 1:11-14     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 12:1-7
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
What's happening in the world,
Lord where everyone seems to thrive 
in chaos?
Trash talks like cussings,
making fun of other people's
disabilities, smart shaming and
body shaming are so glorified and
imitated especially in social media;
many have no more sense of shame at all,
stretching their rights without any regard
for their responsibilities nor rights of others
that we are like in that gospel scene today:

At that time, so many people were crowding together that they were trampling one another underfoot. Jesus began to speak, first to his disciples, “Beware of the leaven – that is, hypocrisy – of the Pharisees (Luke 12:1).

Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Are we not like those
people crowding together,
already trampling just to hear you
speak, Jesus?
Give us the wisdom,
awaken us from our glorification of
everything that is crass and low,
giving only emphasis on the body
forgetting about the soul,
its dignity and value
along with virtues:
"I tell you,
 my friends,
do not be afraid of those
who kill the body
but after that can do no more"
(Luke 12:4).
Photo by author, Bella Rosa Gardens, Silang, Cavite, 07 October 2026.
Let us see St. Paul's
alternative vision for the world
in which God's plan is to restore
all things in you, Christ;
let us see more the love and 
mercy you have lavished upon us
when you suffered and died 
on the Cross to save us,
rising from the dead on the third day
to reconcile us to the Father 
and with everyone;
how consoling that we are
not our own,
that despite the chaos 
and darkness all over us these days,
"In Christ we were also chosen,
destined in accord with purpose of
the one who accomplishes all things
according to the intention of his will...
were sealed with the Holy Spirit"
(Ephesians 1:11, 13).
How lovely are
these words, Lord!
May we be like St. Paul
in proclaiming to this sick and dark world
that there is an alternative, 
better vision of the world 
from the Father
in Christ Jesus.
Give us the courage to work on this,
to cooperate with your grace in
showing the world 
life is so beautiful!
Amen.

WALANG KAHIHIYAN

 178,114 total reads

Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan.

Sinasabi sa Philippians 2: 6-7, “Who, being in very nature[a] God, did not consider equality with God something to be used to his own advantage; rather, he made himself nothing by taking the very nature of a servant, being made in human likeness.

Iginiit din ng yumaong Pope Francis na ang “Compassion is the language of God. Let us learn to live with kindness, to love everyone, even when they do not love us.”

Sinususugan naman ni dating South African President Nelson Mandela na “Our human compassion binds us the one to the other — not in pity or patronizingly, but as human beings who have learnt how to turn our common suffering into hope for the future.”

Mayroong kasabihan na “A leader chooses compassion without weakness, correct without cruelty, build people up”.

Pero Kapanalig, tila wala ang katangiang ito sa mga kasalukuyang lider ng bansa, walang natututo sa mga ating pulitiko, walang accountability sa ating mga lider, walang malasakit sa ating bayan.,walang malasakit sa ating mga Pilipino.

Sa ating bansa, ang pera ng bayan…ang pondo ng taumbayan mula sa kanilang pinaghihirapang pagbabayad ng buwis, ay mistulang pag-aari na ng ating mga hinalal na lider o pulitiko. Sila na ang nagsisilbing “opera conductor”, sa bawat kumpas nila, sa bawat naiisin nila sa pera ng taumbayan ay kanilang magagawa. Ang masakit, ang mga politiko na mismo ang nagiging “account holder” ng pondo ng mamamayang Pilipino.

Sa report ng People’s Budget Coalition, “hindi na sila nahiya”, tinukoy dito ang mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso matapos walang kaabog-abog na ipasa ang 7.2-trilyong pisong national budget para sa taong 2027.

Ipinagbabawal na ng korte suprema ang pork barrel, gayunman nakagawa pa rin ang mga mambabatas ng eskima, natuklasan ang parking scheme., pinalitan ito ng unprogrammed appropriations. Matapos mabunyag ang unprogrammed appropriations sa multi-bilyong pisong budget insertions sa flood control projects ng DPWH, pinalitan naman ang eskima ng “leadership fund”.

Ang tindi ng apog ng mga walanghiya sa Kongreso! Kapanalig, sa inaprubahang 7.2 trilyong pisong national budget ng House of the Representatives., na red-flag o kuwestiyunable ang 1.2-trilyong pisong unprogrammed appropriations na maaring magamit sa political patronage at korapsyon. Natukoy ang 120-bilyong pisong pondo na pang-ayuda o doleouts ng mga pulitiko., 695-bilyong pisong lump sum infrastructure na walang tinukoy na proyekto, 43-bilyong piso sa Office of the President, House of the Representatives at Senado., 112-bilyong pisong unprogrammed appropriations, at merong pang idinagdag na 84-bilyong pisong budget insertions ang House Committee on Appropriations na blangko kung saan gagamitin. Isa itong malalang paglapastangan sa pondo ng bayan.

Kapanalig, ang 1.06-trilyong pisong red-flagged budget allocations ay 15-percent ng kabuuang 7.2-trilyong pisong 2027 national budget. Nasaan ang malasakit ng mga congressman sa taumnbayan? Ang bansa ay nahaharap sa mataas na inflation, laylay na ang balikat ng taumbayan sa mataas na presyo ng langis, mataas na bayarin sa pamasahe, mahal na halaga ng mga bilihin, mahal na serbisyo publiko. Pero Kapanalig, pagdating sa pera ng taumbayan, magagaling sa pagpa-plano., magagaling sa pagkuwenta ang ating mga congressman., magagaling sila gumawa ng paraan kung paano magkapera, magaling guwama ng eskima para manakaw ang pondo ng bayan ng hindi napapawisan.

Ang mga mambabatas natin, magagaling sa kawalanghiyaan!

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 178,115 total reads

 178,115 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 249,335 total reads

 249,335 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 282,782 total reads

 282,782 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 318,082 total reads

 318,082 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 537,517 total reads

 537,517 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Oktubre 21, 2026

 2,475 total reads

 2,475 total reads Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Martir Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8) Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8 Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay

Read More »

Martes, Oktubre 20, 2026

 4,226 total reads

 4,226 total reads Martes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 2, 12-22 Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14 Ang Poo’y nagsasalita na bayan n’ya’y

Read More »

Lunes, Oktubre 19, 2026

 5,835 total reads

 5,835 total reads Lunes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Juan de Brebeuf at San Isaac Jogues, mga pari

Read More »

Linggo, Oktubre 18, 2026

 7,032 total reads

 7,032 total reads Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 45, 1. 4-6 Salmo 95, 1 at 3, 4-5. 7-8. 9-10a at k Dakilang kapangyarihan

Read More »

Sabado, Oktubre 17, 2026

 8,383 total reads

 8,383 total reads Paggunita kay San Ignacio ng Antioquia, obispo at martir Efeso 1, 15-23 Salmo 8, 2-3a. 4-5. 6-7 Pinamahala sa tao ang lahat ng

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top