Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Martes, Marso 4, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,553 total views

Martes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay San Casimiro

Sirak 35, 1-15
Salmo 49, 5-6. 7-8. 14 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Marcos 10, 28-31

Tuesday of the Eighth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Casimir, Holy Man (White)

UNANG PAGBASA
Sirak 35, 1-15

Pagbasa mula sa aklat ni Sirak

Parang nang nag-alay ng maraming handog ang sumusunod sa Kautusan:
Sapagkat ang tumatalima sa mga utos ay para nang nag-alay ng mga handog na pinagsasaluhan;
ang tumatanaw ng utang-na-loob ay para nang naghandog ng mainam na harina,
at ang nagkakawanggawa ay para nang nag-alay ng handog ng pasasalamat.
Umiwas ka sa masama at kalulugdan ka ng Panginoon,
mag-ingat kang huwag makaapi at para ka nang nagbayad-puri para sa iyong sala.
Huwag kang haharap sa Panginoon ng walang dalang anuman,
sapagkat ang lahat ng handog na ito ay itinatagubilin ng Kautusan.
Kapag ang taong matuwid ay nag-alay ng kanyang handog,
ang bango ng taba na sinusunog sa dambana ay pumapailanlang hanggang sa luklukan ng Kataas-taasan.
Kinalulugdan ng Panginoon ang handog ng taong matuwid sa kanya,
ito’y isang alaala na hindi niya malilimutan.
Parangalan mo ang Panginoon nang buong katapatan,
at huwag mong panghinayangan ang mga unang bungang inihahandog mo sa kanya.
Ialay mo ang iyong handog nang may ngiti sa mga labi,
at magbigay ka ng ikapu nang may galak sa puso.
Maghandog ka sa Panginoon nang ubos-kaya,
maging bukas-palad ka sa kanya, gaya ng ginawa niya sa iyo.
Ang Panginoon ay masaganang gumanti,
gagantihan ka niya nang pitong ibayo.
Huwag mong susuhulan ang Panginoon, sapagkat di siya tumatanggap ng suhol,
huwag kang aasa sa handog na galing sa masamang paraan.
Ang Panginoon ay Diyos ng katarungan,
wala siyang itinatanging sinuman.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 49, 5-6. 7-8. 14 at 23

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Ang lahat ng matatapat na lingkod ko ay tipunin,
silang tapat sa tipan ko’t naghahandog niyong hain.
Ang buong kalangita’y naghahayag na ang Diyos,
isang hukom na matuwid, kung humatol ay maayos.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Kayong aking mga lingkod, makinig sa sasabihin;
ako ay Diyos, ang inyong Diyos, salita ko’y unawain;
ako’y mayroong patotoo’t saksi laban sa Israel.
Hindi ako nagagalit dahilan sa inyong handog,
ni sa inyong mga haing sa dambana’y sinusunog.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat;
ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.
Ang parangal na nais ko na sa aki’y ihahain
ay handog ng pasalamat, pagpupuring walang maliw;
akin namang ililigtas ang lahat na masunurin.

Ang masunurin sa Diyos
ay sasagipin n’yang lubos.

ALELUYA
Mateo 11, 25

Aleluya! Aleluya!
Papuri sa Diyos Ama
pagkat ipinahayag n’ya
Hari s’ya ng mga aba.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 10, 28-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoong ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, nagsalita si Pedro kay Hesus, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Sinabi ni Hesus, “Tandaan ninyo ito: ang sinumang mag-iwan ng bahay, o mga kapatid, ina, ama, mga anak, mga lupa, dahil sa akin at sa Mabuting Balita, ay tatanggap ng makasandaang ibayo sa buhay na ito – mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupa – ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa kabilang buhay ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan. Ngunit maraming nauuna na magiging huli, at maraming nahuhuli na magiging una.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Martes

Mulat sa panganib ng ating pagtitiwala sa mga layaw ng mundong ito, itinataas natin ang ating mga puso sa maalab na pananalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, ikaw ang lahat-lahat sa amin.

Ang Simbahan sa buong sandaigdigan nawa’y maging matibay at tunay na tanda ng daan tungo sa walang katapusang kaligayahan at buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayong lahat nawa’y matutong magtiwala sa mga espiritwal na pinahahalagahan na siyang nagpapayaman ng buo nating katauhan at hindi sa mga materyal na kayamanan na nagbibigay ng kawalang kasiyahan sa ating mga kaluluwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga puso nawa’y hindi natin isara sa mga nangangailangan, at sa halip maging mulat tayo sa pakiisa sa mga gawain ni Kristo na nagpapagaling at nakapagbabalik-loob, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit at mga may kapansanan nawa’y madama nila ang kalinga ng Panginoon sa pamamagitan ng pag-ibig ng kanilang mga kapitbahay at mga kaibigan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pumanaw nating mga kamag-anak at mga kaibigan nawa’y humimlay sa makalangit na kapayapaan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, tingnan mo nang may habag ang mga nangangailangan. Liwanagan mo ng iyong katotohanan ang aming buhay at bigyan kami ng biyaya na mamuhay ayon sa mataas na pagpapahalaga sa amin ng iyong Anak na si Jesu-Kristo, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 78,385 total views

 78,385 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 86,160 total views

 86,160 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 94,340 total views

 94,340 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 109,900 total views

 109,900 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 113,843 total views

 113,843 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow
DONATE NOW
Shadow

Related Post

Lunes, Abril 21, 2025

 92 total views

 92 total views Lunes sa Walong Araw na Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay Mga Gawa 2, 14. 22-33 Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10.

Read More »

Sabado, Abril 19, 2025

 994 total views

 994 total views Ang Magdamagang Pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay Genesis 1, 1-2, 2 o kaya Genesis 1, 1. 26-31a Salmo 103, 1-2a. 5-6. 10 at

Read More »

Biyernes, Abril 18, 2025

 1,291 total views

 1,291 total views Biyernes Santo sa Pagpapakasakit ng Panginoon Isaias 52, 13-53, 12 Salmo 30, 2 at 6. 12-13. 15-16. 17 at 25 Ama, sa mga

Read More »

Huwebes, Abril 17, 2025

 1,582 total views

 1,582 total views Huwebes Santo sa Paghahapunan ng Panginoon Exodo 12, 1-8. 11-14 Salmo 115, 12-13. 15-16bk. 17-18 Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Read More »

Miyerkules, Abril 16, 2025

 1,855 total views

 1,855 total views Miyerkules Santo Isaias 50, 4-9a Salmo 68, 8-10. 21bkd-22. 31 at 33-34 Poon, ako’y iyong dinggin sa panahong ‘yong ibigin. Mateo 26, 14-25

Read More »

Martes, Abril 15, 2025

 2,278 total views

 2,278 total views Martes Santo Isaias 49, 1-6 Salmo 70, 1-2. 3-4a. 5-6ab. 15ab at 17 Patuloy kong isasaysay ang dulot mong kaligtasan. Juan 13, 21-33.

Read More »

Lunes, Abril 14, 2025

 2,308 total views

 2,308 total views Lunes Santo Isaias 42, 1-7 Salmo 26, 1. 2. 3. 13-14 Panginoo’y aking tanglaw, siya’y aking kaligtasan. Juan 12, 1-11 Monday of Holy

Read More »

Linggo, Abril 13, 2025

 2,534 total views

 2,534 total views Linggo ng Palaspas ng Pagpapakasakit ng Panginoon (K) Lucas 19, 28-40 Isaias 50, 4-7 Salmo 21, 8-9. 17-18a. 19-20. 23-24 D’yos ko! D’yos

Read More »

Sabado, Abril 12, 2025

 2,772 total views

 2,772 total views Sabado sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Ezekiel 37, 21-28 Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na

Read More »

Biyernes, Abril 11, 2025

 3,304 total views

 3,304 total views Biyernes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Jeremias 20, 10-13 Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 5-6. 7 Sa kahirapa’y humibik, at ako’y

Read More »

Huwebes, Abril 10, 2025

 3,361 total views

 3,361 total views Huwebes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Genesis 17, 3-9 Salmo 104, 4-5. 6-7. 8-9 Nasa isip ng Maykapal ang tipan

Read More »

Miyerkules, Abril 9, 2025

 3,588 total views

 3,588 total views Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 3, 14-20. 91-92. 95 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at

Read More »

Martes, Abril 8, 2025

 3,737 total views

 3,737 total views Martes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Bilang 21, 4-9 Salmo 101, 2-3. 16-18. 19-21 Dinggin mo ang aking dasal, pagsamo

Read More »

Lunes, Abril 7, 2025

 4,111 total views

 4,111 total views Lunes sa Ika-5 Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda Daniel 13, 1-9. 15-17. 19-30. 33-62 o kaya Daniel 13, 41k-62 Salmo 22, 1-3a. 3b-4.

Read More »

Linggo, Abril 6, 2025

 4,065 total views

 4,065 total views Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (K) Isaias 43, 16-21 Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6 Gawa ng D’yos ay dakila kaya

Read More »
Scroll to Top