Lunes, Marso 10, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,978 total reads

Lunes sa Unang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda

Levitico 19, 1-2. 11-18
Salmo 18. 8. 9. 10. 15

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Mateo 25, 31-46

Monday of the First Week of Lent (Violet)

UNANG PAGBASA
Levitico 19, 1-2. 11-18

Pagbasa mula sa aklat ng Levitico

Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Sabihin mo sa buong kapulungan ng Israel, ‘Magpakabanal kayo, sapagkat akong Panginoon ay banal.’

“Huwag kayong magnanakaw, manlilinlang o magsisinungaling. Huwag din kayong manunumpa sa aking pangalan nang walang katotohanan pagkat iyon ay paglapastangan sa ngalan ko. Ako ang Panginoon.

“Huwag ninyong dadayain o pagnanakawan ang inyong kapwa. Huwag ninyong ipagpapaliban ang pagbabayad sa inyong pinapagtrabaho. Huwag ninyong aapihin ang mga bingi at lalagyan ng katitisuran ang daraanan ng mga bulag. Matakot kayo sa Diyos. Ako ang Panginoon.

“Huwag kayong hahatol nang walang katarungan upang pagbigyan ang mahirap o suyuin ang mayayaman. Huwag ninyong ipamamalita ang kasiraang-puri ng inyong kapwa ni sasaksi laban sa inyong kapwa upang ipahamak lamang siya. Ako ang Panginoon.

“Huwag kang magtatanim ng galit sa iyong kapwa. Sa halip, pangangaralan mo siya. Sa gayon, hindi ka magkakasala dahil sa kanya. Huwag kang maghihiganti o magtatanim ng galit sa iyong mga kasamahan. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Ako ang Panginoon.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 18, 8. 9. 10. 15

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang,
ito’y utos na ang dulot sa tao ay bagong buhay;
yaong kanyang mga batas ay mapagtitiwalaan,
nagbibigay ng talino sa pahat ng kaisipan.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Ang tuntuning ibinigay ng Poon ay wastong utos,
liligaya ang sinuman kapag ito ang sinunod;
ito’y wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos,
pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Yaong paggalang sa Poon ay marapat at mabuti,
isang banal na tungkulin na iiral na parati;
pati mga hatol niya’y matuwid na kahatulan,
kapag siya ang humatol, ang pasya ay pantay-pantay.

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

Nawa’y itong salita ko at ang aking kaisipan,
sa iyo ay makalugod, Panginoon ko’t kanlungan,
O ikaw na kublihan kong ang dulot ay kaligtasan!

Espiritung bumubuhay
ang salita ng Maykapal.

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA
2 Corinto 6, 2b

Ngayo’y panahong marapat,
panahon ng pagliligtas,
Araw ngayon ng pagtawag
upang makamit ang habag
ng Panginoong matapat.

MABUTING BALITA
Mateo 25, 31-46

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Darating ang Anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Sila’y pagbubukud-bukurin niya, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa, at sa kaliwa ang mga kambing. At sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, ‘Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan. Sapagkat ako’y nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Ako’y isang dayuhan at inyong pinatuloy. Ako’y walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; ako’y nabilanggo at inyong pinuntahan.’ Sasagot ang mga matuwid, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kaya’y walang maisuot at aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw?’ Sasabihin ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.’

“At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, ‘Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! Kayo’y pasaapoy na di mamamatay, na inihanda para sa diyablo at sa kanyang mga kampon. Sapagkat ako’y nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Ako’y naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; ako’y nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Ako’y may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw.’ At sasagot din sila, ‘Panginoon, kailan po namin kayo nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran?’ At sasabihin sa kanila ng Hari, ‘Sinasabi ko sa inyo: nang pagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan.’ Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Kuwaresma
Lunes

Inihahayag ng Panginoon ang misteryo ng Kaharian ng Diyos sa mga taong buong pagmamahal na kumakalinga sa mga dukha at nagugutom. Idalangin natin na ang Kaharian ng Diyos ay maging tunay sa ating buhay.

Panginoon, dinggin Mo kami.
o kaya
Panginoon, loobin Mong mahalin
at paglingkuran ka namin sa aming kapwa.

Ang Simbahan nawa’y maging isang tahanan para sa mga naliligaw ng landas, ulila, mahihina, at bigo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga mayayamang bansa nawa’y taimtim na magsagawa ng mga hakbang upang makatulong sa pag-unlad ng mahihirap na bansa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga napariwara at mga itinakwil ng lipunan nawa’y maakit sa Kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng ating pagkakawanggawa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa ating mga tahanan, lugar ng hanapbuhay, at sa pamayanang ating kinabibilangan nawa’y maipalaganap natin ang paghahari ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y makapasok sa Kahariang inihanda para sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, nababatid namin ang iyong walang hanggang pag-ibig para sa lahat ng tao, kaya may pagtitiwalang inilalapit namin sa iyo ang aming mga kahilingan sa ngalan ni Jesu-Kristong aming Panginoon. Amen.

LUNDAG-LINYA

 1,658 total reads

Homiliya para sa Martes sa Ika-25 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Setyembre 2026, Lucas 8:19–21

Naranasan na ba ninyo na nakapila kayo, tapos biglang may sumingit? Sa English, ang tawag diyan ay jumping the line. Lalo pang sasama ang loob ninyo kung ang sumingit ay iyong taong feeling entitled, dahil malakas daw siya sa taong pinipilahan. Walang pakundangan sa mga nagpasensya at nagtiyagang pumila.

Parang ganiyan ang sitwasyon sa ating Ebanghelyo ngayon. Dumating ang nanay at mga kapatid ni Hesus habang abala siya sa pagtuturo sa maraming tao. Hindi sila makalapit dahil sa dami ng tao. Kaya may nagsabi sa kanya, “Nasa labas po ang inyong ina at mga kapatid. Gusto po nilang makipagkita sa inyo.”

Medyo kakaiba ang Ebanghelyong ito dahil parang hindi gaanong positibo ang paglalarawan sa pamilya ni Hesus.

Pero linawin muna natin: kapag sinabi ng Ebanghelyo na mga kapatid ni Hesus, hindi ito nangangahulugang may iba pang anak si Mama Mary. Ang salitang Griyego na adelphos ay maaaring tumukoy sa mas malawak na ugnayang pampamilya. Maaaring mga pinsan o iba pang malapit na kamag-anak. May tradisyon din na maaaring mga anak sila ni Jose sa una niyang asawa, kung siya ay nabiyudo bago naging asawa ni Maria. (May tradisyon pero walang matibay na batayan sa kasaysayan.)

Pero ang punto ng Ebanghelyo ay ito: dahil kamag-anak sila ni Hesus, parang inaasahan nilang bibigyan sila ng espesyal na pagtrato. Hindi lang sila sumisingit sa pila. Parang sinasabi pa nila, “Sabihin ninyo kay Hesus na lumabas siya at puntahan kami. Kamag-anak niya kami!”

Kaya maintindihan natin ang naging sagot ni Hesus: “Ang aking ina at mga kapatid ay yaong mga nakikinig sa salita ng Diyos at tumutupad nito.”

Hindi naman niya itinatakwil ang kanyang ina at mga kamag-anak. Ang ipinakikilala niya ay isang bagong uri ng pagkakamag-anak, isang bagong pamilya na ang pundasyon ay hindi lamang dugo kundi ang pagiging magkakapatid bilang mga anak ng Diyos.

At dito, walang puwedeng mag-claim ng special privilege dahil lamang sa relasyon niya sa Panginoon.

Hindi sapat na sabihin nating, “Katoliko ako. Binyagan ako. Nagsisimba ako. Malapit ako sa mga pari at obispo.” Hindi rin sapat na sabihing, “Marami akong kilalang madre at pari. May kamag-anak pa nga akong obispo!”

Ang tanong ng Panginoon ay hindi kung gaano karami ang kakilala mo sa Simbahan, kundi kung gaano mo isinasabuhay ang kanyang salita.

Kaya ang tunay na pagiging kapamilya ni Hesus ay hindi lamang nakasalig sa binyag, kundi sa pakikinig at pagtupad sa salita ng Diyos.

At sino ang pinakamagandang halimbawa nito? Walang iba kundi ang kanyang sariling ina, si Maria. Siya ang unang nakinig, naniwala, at tumupad sa salita ng Diyos nang sabihin niya, “Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.”

Ito lang ang punto: sa pamilya ng Diyos, hindi kailangang sumingit sa pila. Walang palakasan. Walang special treatment. Bukas ang kanyang puso sa lahat ng handang makinig at tumupad sa kanyang salita.

At ang magandang balita: tayong lahat ay inaanyayahan niyang maging tunay na mga kapatid at kapamilya niya.

When is enough really enough?

 1,973 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Wednesday, Twenty-Fifth Week in Ordinary Time, Year II
Feast of St. Padre Pio of Pietrelcina, 23 September 2026
Proverbs 30:5-9     <*((((><  +  ><))))*>     Luke 9:1-6
Photo by Pixabay on Pexels.com
Your words today,
dear God our Father
are so comforting and 
reassuring of your loving
presence; however, 
you teach us also too
to completely trust you
so that we may be comforted
and reassured,
thereby learn
when enough is
really enough.

Two things I ask of you, deny them not to me before I die: Put falsehood and lying far from me, give me neither poverty nor riches; provide me only with the food I need; lest, being full, I deny you, saying, “Who is the Lord?” Or, being in want, I steal, and profane the name of my God (Proverbs 30:7-9).

Teach me to be content
with whatever there is for me,
not desiring more than I need
so that I remain open for you
and your work,
for you O Lord is more than enough; 
teach me to learn to stop
in pursuing whatever
I set my eyes or heart on when 
it is causing more harm than 
joy and wellness for it is only
in following you enough is enough; 
teach me, Lord, 
to be like St. Padre Pio
in leading a simple life, 
just praying, 
hoping and not worrying
for you O Lord is more than
enough.
Amen.

PAR EXCELLENCE

 1,806 total reads

Gospel Reading for September 23, 2026 – Luke 9: 1-6

PAR EXCELLENCE

Jesus summoned the Twelve and gave them power and authority over all demons and to cure diseases, and he sent them to proclaim the Kingdom of God and to heal the sick. He said to them, “Take nothing for the journey, neither walking stick, nor sack, nor food, nor money, and let no one take a second tunic. Whatever house you enter, stay there and leave from there. And as for those who do not welcome you, when you leave that town, shake the dust from your feet in testimony against them.”

Then they set out and went from village to village proclaiming the Good News and curing diseases everywhere.

————

Jesus was truly a teacher PAR EXCELLENCE. He did not just teach the disciples in theory; he sent them on practicum. But even more than that, he had already given them the gift and the authority to do what he himself was doing for the people.

For some teachers, theory may be enough. When the school year ends, the students can practice what they have learned. But what Jesus was doing was far more than teaching a lesson. He was entrusting the disciples with a mission. That is why he was so hands-on in preparing them.

Imagine if we were among the disciples of Jesus. How privileged they were to have the Son of God as their professor! Every “nook and cranny” was covered. He made sure they were fully prepared. He made sure that what the Father had planned for them would be accomplished.

As baptized Christians, we are all called to share our gifts in Christ’s salvific mission. It did not end with the apostles. It continues to this very day through us.

Lord Jesus, may the way we live our lives according to your teachings be our best teaching tool ever. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 15,863 total reads

 15,863 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 49,197 total reads

 49,197 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 81,343 total reads

 81,343 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 147,399 total reads

 147,399 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 165,731 total reads

 165,731 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Setyembre 25, 2026

 1,099 total reads

 1,099 total reads Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 3, 1-11 Salmo 143, 1a at 2abk. 3-4 Ang Poon ay papurihan, siya ang

Read More »

Huwebes, Setyembre 24, 2026

 2,807 total reads

 2,807 total reads Huwebes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Mangangaral 1, 2-11 Salmo 89, 3-4. 5-6. 12-13. 14 at 17 Poon, amin kang tahanan

Read More »

Miyerkules, Setyembre 23, 2026

 4,493 total reads

 4,493 total reads Paggunita kay San Pio ng Pietrelcina, pari Kawikaan 30, 5-9 Salmo 118. 29. 72. 89. 101. 104. 163 Salita mo’y aking tanglaw, patnubay

Read More »

Martes, Setyembre 22, 2026

 5,751 total reads

 5,751 total reads Martes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Kawikaan 21, 1-6. 10-13 Salmo 118, 1. 27. 30. 34. 35. 44 Sa pagsunod sa

Read More »

Lunes, Setyembre 21, 2026

 6,721 total reads

 6,721 total reads Kapistahan ni Apostol San Mateo, manunulat ng Mabuting Balita Efeso 4, 1-7. 11-13 Salmo 18, 2-3. 4-5 Laganap na sa daigdig ang kanilang

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top