Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 78,819 total reads

Lagot tayo Kapanalig… Para sa kaalaman ng lahat na Pilipino, naitala sa record high ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas nito lamang Enero 2025… Umabot na sa 16.31-trilyong piso ang foreign at domestic debt (utang) ng Philippine government makaraang umutang ang pamahalaan ng Pilipinas ng 261.5-bilyong noong January 2025.

Batay sa worldometer data ng United Nations nitong March 3, 2025… ang populasyon ng Pilipinas ay nasa 118,040,074…Ibig sabihin Kapanalig sa kabuuang 16.31-trilyong pisong utang ng gobyerno ., ang bawat Pilipino ay mayroong utang na 1.4-milyong piso. Ito ay babayaran ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng tax (buwis) at government services.

Ipinaliwanag ng Bureau of Treasury na ang panibagong utang ng administrasyong Marcos ay gagamitin daw sa pagpapaunlad ng ekonomiya at tiyakin ang “fiscal sustainability”ng bansa…Sa nakaraang buwan ng Enero 2025, umabot sa 11.08-trilyong piso ang domestic debt kung saan tumaas ito sa 153.7-bilyong piso o 1.4-porsiyento mula December 2024… Kapanalig, ang foreign debt naman ng pamahalaang Pilipinas ay pumalo sa 5.23-trilyong piso na tumaas ng 107.8-bilyong piso mula December 2024. Ang pagtaas ay dahil sa 59.3-bilyong piso net foreign loan barrowings at karagdagang 48.5-bilyong piso bunsod naman ng mababang halaga ng piso kontra dolyar.. Saan kaya mapupunta ang inutang na pera?

Napag-alaman sa data ng Bureau of Treasury na ang 13.79-trilyong piso ay mula sa debt securities o commercial barrowings at ang 2.52-trilyong piso ay sa pamamagitan ng loans..Hindi pa natatapos ang pangungutang Kapanalig, base sa mga dokumento ng kinukuwestiyong General Appropriations Act of 2025 o 2025 national budget, ang outstanding debt(utang) ay papalo o aabot pa ng 17.35-trilyong piso bago matapos ang taong 2025…11.98-trilyong piso ay uutangin sa locally at natitirang 5.38-trilyong piso ay manggagaling sa external sources o sa mga dayuhang mamumuhunan.

Kapanalig, sa halos tatlong taong panunungkulan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may nakikita, may nararamdaman ba kayong makabuluhan at kapaki-pakinabang na proyekto at programa?Sa kasalukuyan, lahat ng pangunahing pangangailangan ng mga mahihirap ay napakamahal ang presyo..Dumarami ang mga Pilipinong nagdadarahop sa buhay habang nagtatamasa naman ang mga nasa kapangyarihan.

Bago magsimulang manungkulan si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay foreign at domestic debt ng Pilipinas ay 6.6-trilyong piso lamang.. Ngunit matapos ang 6-taong termino ni Duterte, ang utang ng Pilipinas ay umabot sa 13.8-trilyong piso..Sa anim na taong panunungkulan, 7.2-trilyong piso ang napangutang ng dating pangulong duterte..Ang pangulong Marcos, mahigit 3-trilyong piso na ang utang sa loob ng tatlong taon. Makakaahon at makakabangon pa ba tayo Kapanalig? Napakalaki na ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas, sabihin nating 30-percent dito ay napunta lamang sa corruption. Kaya tayong 99-percent ay lalong lubog na sa kahirapan, baon na sa utang.

Sa Pilipinas kakaiba ang paligsahan Kapanalig,… Ito ay paligsahan sa pagkamal ng salapi.

Pinapaalalahanan tayo sa Timothy 6:17-19 “Command those who are rich in this present world not to be arrogant nor to put their hope in wealth, which is so uncertain, but to put their hope in God, who richly provides us with everything for our enjoyment.”

Sana Kapanalig maging babala sa ating mga opisyal sa pamahalaan ang “Luke 12:15 –Then he said to them, “Watch out! Be on your guard against all kinds of greed; life does not consist in an abundance of possessions.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 83,884 total reads

 83,884 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 185,611 total reads

 185,611 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 222,399 total reads

 222,399 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 252,974 total reads

 252,974 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 297,882 total reads

 297,882 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 83,885 total reads

 83,885 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 185,612 total reads

 185,612 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 222,400 total reads

 222,400 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 252,975 total reads

 252,975 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top