Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Statement of Archbishop Soc Villegas WALK FOR LIFE 2017

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 460 total views

Message of Archbishop Socrates B Villegas
February 18, 2017
430am

Salamat sa Council of the Laity ng Pilipinas na siyang nanawagan para sa Walk for Life. Kaming mga pari at obispo ay kasama ninyong laykong lingkod sa bawat hakbang. Hindi kami mauuna baka hindi kayo makasunod. Hindi kami maglalakad sa likod baka maiwanan ninyo kami. Maglalakad kaming ng mga obispo at pari katabi ninyo, Kaagapay, Kaibigan, Kasama sa paglalakad. Sa Luneta pantay pantay tayo. Sabay sabay.

Narito tayo para sa Walk for Life alang alang sa mga hindi na makalakad dahil sa kasalanan natin sa kanila.
Hindi sila makalakad dahil pinatay at tayo ay natakot makisangkot. Hindi sila makalakad dahil natatakot na baka
sila ang isunod na barilin. Hindi makalakad dahil lulong sa droga. Hindi makalakad na pinatay ng mga addict nabulagan ng isip. Hindi makalakad dahil sa ating mga kasalanan dahil sa buhay.

Ang Walk for Life ay para sa kanila. Lalakad tayo at tatayo para sa kanila.

Ang Walk for Life ay hindi para ipagtanggol ang drug addict o ang mga mamamatay tao. Ang kriminal ay dapat arestuhin, kasuhan, hatulan at ikulong upang iwasto ang pagkakamali. Dapat patunayan ang pagkakasala sa korte ng batas hindi sa batas ng bala.

Ang Walk for Life ay hindi protesta kundi paninindigan para sa kabanalan ng buhay ng bawat tao na galing sa Diyos.

Ang Walk for Life ay Walk for God.

Bakit madaling araw? Sapagkat sa mga oras na ito natin natutuklasan ang bangkay sa bangketa o malapit sa basurahan. Ang madaling araw na sana ay oras ng bagong simula ay nagiging oras ng luha at takot dahil sa mga pinatay sa magdamag.

Sa mga ganitong oras noong Disyembre 30, 1896 nagsimula maglakad si Dr Jose Rizal simula Fort Santiago patungong Luneta para bitayin ng firing squad. Ang parusang bitay ay saliwa sa kabanalan ng buhay ng tao. Sa halip na
bitay, linisin natin ang kapulisan, ayusin ang husgado at higpitan palakad sa bilangguan. No to death penalty. Yes to the reform of the criminal justice. Nananawgan po kami sa Congress na hayaang bumoto ang Kongresista ayon sa konsensiya. Ang partido politika ay pansamantala. Ang konsensiya ang tinig ng Diyos na nakatanim sa ating kalooban. Igalang ang konsensiya.

Marami pa pong kasalanan sa buhay na dapat natin labanan. ABCDE…

*A*bortion ay kasalanan sa buhay ng sanggol. Ang sanggol ay taong anak
natin. Ang mahinang sanggol ay biyaya ng Diyos. Ang bawat sanggol
ipagtanggol! Kapag hindi natin nilabanan ang aborsyon, aabot tayo sa
pagpatay sa mga yagit ng lipunan. Ang taong yagit sa tingin ng iba ay taong
iniligtas at mahal ng Diyos. Mahal ng Diyos ang mga mahihina at mistulang
yagit. Kapatid natin sila.

*B*lasphemy ay paglapastangan sa ngalan ng Diyos. Kung ang Diyos ay hindi
na ginagalang susunod na hindi igagalang ang mga nilikha ng Diyos. Ang
lahat ng kasalanan sa Diyos ay nagsisimula sa blasphemy o pagyurak sa
karangalan ng Diyos. Kapag lapastangan sa Diyos, sigurado lapastangan din
sa Inang Kalikasan, lapastangan sa magulang, lapastangan sa kapwa,
lapastangan sa buhay.

*C*orruption ay nakakamatay ng tao. Ang corruption ay pagnanakaw lalo na sa
mga mahihirap. Perang dapat ipampagamot, perang pambili ng bigas, perang
pamasahe sa bus, perang pantapal sa bubong na tumutulo, kinukupit ng
mandarambong! Ang luha ng mahihirap na pinagnanakawan ng corrupt ay alam ng
Diyos. Hindi kayo pwedeng magnakaw habampanahon. Alam ng Diyos ang lahat.

*D*roga ay laban sa buhay. Pinapatay ng droga ang taong gumagamit pati na
ang mga inosenteng biktima nila. Rape dahil sa droga. Nakaw dahil sa droga.
Patayan dahil sa droga. Marami ng buhay na winasak ang droga. Ang Walk for
Life ay kontra droga. Ang Walk for Life ay hindi pagtatanggol sa drug
addict at drug pusher. Masama ang droga. Nakakamatay ang droga.

*E*xecution ay pagpatay. Dating tawag ay bitay, naging salvaging, naging
summary execution, naging EJK. Ang pagpatay, ito naman ay gawin ng kriminal
o kaya ay ipataw ng gobyerno bilang death penalty, pagpatay pa rin yan. We
cannot teach that killing is wrong by killing those who kill. It also
increases the number of killers.

Malapit ng sumikat ang araw. May pag asa tayo. Huwag matakot sa dilim. Huwag mamuhay sa takot. Kumakalat ang takot at pananakot. Tinatakot tayong papatayin. Tinatakot tayo at nagpapatakot tayo. Walang mananakot kung hindi tayo magpapatakot.

Harapin natin ang nananakot at ipakita natin ang ating lakas ng loob. Humarap tayo sa nagbabanta at ipakita na kasama natin ang Diyos na ating lakas. Hindi nila tayo maaaring takutin dahil mas malakas ang tiwala natin sa Diyos.

Bayang may tiwala sa Diyos. Huwag matakot. Lakad na para sa BUHAY! Walk for Life!​

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 77,393 total views

 77,393 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 144,881 total views

 144,881 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 165,946 total views

 165,946 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 186,889 total views

 186,889 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 217,930 total views

 217,930 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 73,197 total views

 73,197 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 50,770 total views

 50,770 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 89,193 total views

 89,193 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top