Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,622 total reads

Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59

Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging sanhi daw ng pag-usbong ng damdaming anti-Semitismo (o kontra-Hudyo) ang ebanghelyo ni San Juan? Naging dahilan daw kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi noon ni Hitler at ng mga Aleman na sumuporta sa kanya laban sa mga Hudyo.

Katulad halimbawa ng binasa nating ebanghelyo ngayon. Ang pambungad na linya ay, “Sinabi ni Hesus sa mga Hudyo.” Pero teka, hindi ba Hudyo rin ang pananampalatayang nakagisnan ni Hesus? Di ba mga Hudyo sina Jose, Maria at mga apostol niya? Dapat siguro itanong muna, sino ba ang kausap ni Hesus sa binasa nating ebanghelyo? Kung paanong Ilonggo ang tawag sa mga taga-Iloilo, Judeo (Hudyo) ang tawag ni San Juan sa kanila dahil mga taga-roon sila sa probinsiya ng Judea. Ang problema ay nasanay na tayong gamitin ang katagang “Hudyo” para tukuyin ang pananampalatayang Hebreo o Israelita. Kung tutuusin, dahil sa probinsiya ng Galilea lumaki si Hesus, hindi talaga siya Judeo kundi kundi Galileo. Ang mga pinunong taga-Judea ang tinutukoy ni San Juan ang tinutukoy na mga Hudyo na nakikipagtalo kay Hesus. Sila rin sa kalaunan ang nagsampa ng kaso laban sa kanya.

Hindi ako nagtataka na sa may bandang dulo ng pagbasang ito, dahil sa galit sa maanghang na pananalita ni Hesus, pumulot daw ng mga bato ang mga nakarinig sa sinabi niya para ipukol sa kanya. Ibig sabihin nasaktan ang damdamin nila sa mga pananalita niya. Noong nakaraang Linggo narinig natin na may hawak ding mga bato ang mga taong ibig magsampa ng kaso laban sa babaeng nahuli diumanong nakikiapid. Pero sa narinig natin ngayon, para kay Hesus na ang mga bato, pero natakasan lang niya. Fast forward, ano ba ang parusang ikamamatay niya? Hindi pagbatong katulad ng ginawa kay San Esteban, at hindi rin pagpugot ng ulo na tulad ng ginawa kay San Juan Bautista, kundi pagpako sa krus.

Ibig sabihin hindi mga Judeo ang nagbitay sa kanya, kundi mga Romano. Ang krus ay ang parusang kamatayan na ipinapataw lamang sa mga nagrerebelde laban sa gobyerno ng Imperyo Romano.
Siguro dapat burahin na natin ang hindi tamang pagpaparatang sa pagbitay kay Hesus sa krus sa mga “Hudyo” para mabura na rin ang nakagisnan nating anti-Semitismo o diskriminasyon na dulot ng maling pag-unawa sa salitang “Hudyo”. Pansinin ninyo—sa tradisyunal nating mga katutubong Pabasa ng Pasyon pag Kuwaresma, paulit-ulit na binabanggit ang mga “Hudyo” para tukuyin ang mga nagpako kay Hesus sa krus. Hindi sila Hudyo kundi mga Romano—ibig sabihin, mga kinatawan ng gobyernong kolonyal ng sinaunang Imperyo ng Roma.

Ngayon heto tayo, di ba parang umikot ang gulong ng palad? Ang Roma na dating kapital ng imperyong sumakop noon sa mga Hudyo at nagpataw ng parusang kamatayan kay Hesus ang naging sentro ng Simbahang Katolika? At ang Santo Papa na simbolo ng pagkakaisa ng mga Kristiyanong Katoliko ang siya ngayong Obispo ng Roma, at ang tawag sa ating mga kabilang sa Simbahang Katolika ay mga Katolikong Romano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,384 total reads

 20,384 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,984 total reads

 57,984 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,195 total reads

 76,195 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,523 total reads

 160,523 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,929 total reads

 196,929 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BASBAS NI NANAY

 7,813 total reads

 7,813 total reads Homiliya para sa araw ng paggunita sa kapistahan ni Santa Monica, ina ni San Agustin, 27 ng Agosto 2026, 1 Cor 1,1-9; Mateo

Read More »

THE “SON OF MAN”

 12,813 total reads

 12,813 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 9,599 total reads

 9,599 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 21,548 total reads

 21,548 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »
Scroll to Top