Obispo ng Kalookan, umaapela sa HUDCC na huwag talikuran ang kanilang partnership

SHARE THE TRUTH

 108 total views

Umapela si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David sa pamahalaan partikular na sa Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC na ipagpatuloy ang kanilang naunsyaming proyekto na para sana sa mga mahihirap.

Ayon kay Bishop David, una na silang nakipagtulungan sa ahensya para mabigyan ng pabahay ang mga informal settlers sa lungsod ng Kalookan ngunit makalipas ang ilang pagpupulong ay hindi na ito umusad matapos magbitiw sa puwesto ang noo’y HUDCC chair na si Vice President Leni Robredo.

“Nakapag six meetings na kami ng Technical Working Group and we were closed in implementing it already and we would have build 2,500 units para sa mga urban poor families ng hindi kami mag-charge sa lupa. Kasi sabi ko let’s make it clear hindi ako humihingi ng pabor sa gobyerno nakikipag- partnership ako sa gobyerno na kung sila ay may puso para sa mga dukha count on us as partners. Nagbago ang takbo, sabi ko sana man lang i-honor ng HUDCC and partnership na to kasi we don’t go to HUDCC because of[VP] Leni Robredo we went there because of HUDCC, nung umalis siya parang wala na din yun aming project.” pahayag ni Bishop David.

Ang lupa na sinasabing pag-aari ng Simbahan ay nilalayong ipagkaloob sana sa mga informal settlers.

“Nanghihinayang ako na kasi nakipag-partner ako sa HUDCC, I was offering a piece of lot owned by the church na iniiskwatan ng 1,000 urban poor families. Wala naman kaming intensyon na itaboy sila pero sabi ko siguro sayang naman yung lugar we can maximum use of it.”giit ng Obispo ng Kalookan.

Nanindigan si Bishop David na ang Simbahang Katolika ay hindi kalaban ng gobyerno lalo na kung ang layunin ay para sa mga dukha at nangangailangan.

“Sino bang ayaw na mapabuti ang kalagayan ng mga dukha? kaya whenever the government is in the side of the common good especially for the alleviation of the poorest among the poor they can count on us hindi kami kalaban.”paglilinaw ng Obispo.

Sa datos ng SWS tinatayang nasa 10 milyong Pilipino ang itinuturing ang kanilang mga sarili na mahihirap.

Magugunitang ang Simbahang Katolika ang isa sa mga pinakamalaking charitable organization sa buong Mundo.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 39,877 total views

 39,877 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 45,295 total views

 45,295 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 52,002 total views

 52,002 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 66,796 total views

 66,796 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 72,952 total views

 72,952 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Rowel Garcia

Good Samaritans, hinihimok na makiisa sa PADAYON online concert

 5,887 total views

 5,887 total views Lubos na nagpapasalamat ang Diocese of Surigao sa suporta ng mga kapanalig para sa nalalapit na online concert ng Caritas Manila at Viva Live Inc. para mga nasirang simbahang ng bagyong Odette. Ayon kay Rev. Fr. Denish Ilogon, Social Action Director ng Diyosesis ng Surigao, kasama sa kanilang mga pagdarasal ang tagumpay ng

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Isapuso ang pagtulong sa mga nangangailangan-Caritas Philippines

 414 total views

 414 total views Umapela si NASSA/Caritas Philippines Chairman at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa mga mananampalataya na isama sa mga pagninilay ngayong Semana Santa ang kagustuhan na makatulong sa mga nangangailangan. Ayon kay Bishop Bagaforo, mahalaga na isapuso ang pagtutulungan at pagdarasal sa panahon na tayo ay nasa gitna ng pandemya at mga kalamidad na

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

Malawakang “act of charity”, isasagawa ng Archdiocese of Manila sa Maundy Thursday

 342 total views

 342 total views Kasabay ng paggunita ng ating mga kapanalig sa Semana Santa, ay ang panawagan na isabuhay ang pagtutulungan lalo sa gitna ng krisis na pinagdadaanan. Sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Broderick Pabillo, Administrator ng Archdiocese of Manila, nanawagan ito sa mga mananamplataya na magtulungan at magmalasakit sa kapwa sa kabila ng ating

Read More »
Economics
Rowel Garcia

Archdiocese of Nueva Segovia, tuloy-tuloy ang programa para sa mahihirap.

 325 total views

 325 total views Sa kabila ng pandemya ay nagpatuloy ang Archdiocese ng Nueva Segovia sa pagsasagawa ng mga programa na naglalayong makatulong sa mga mahihirap na mamamayan sa probinsya ng Ilocos Sur sa tulong ng Pondo ng Pinoy at Caritas Manila. Sa panayam ng programang Caritas in Action kay Rev. Fr. Danilo Martinez, Social Action Director

Read More »
Economics
Rowel Garcia

Apektado ng bagyo sa lalawigan ng Quezon, sinaklolohan ng Diocese of Gumaca

 342 total views

 342 total views Kumikilos na ang Diocese ng Gumaca sa lalawigan ng Quezon para magbigay ng tulong sa mga Parokya na mayroong mga residenteng nagsilikas at naapektuhan ng pagbaha. Ayon kay Rev. Fr. Dondi Sayson, Social Action Director ng Diocese of Gumaca, nagbukas ang kanilang Parokya para sa mga residente na naapektuhan ng bgyo kung saan

Read More »
Economics
Rowel Garcia

Caritas Germany, nagbigay ng 100K Euros sa Caritas Manila

 311 total views

 311 total views Nagsimula na ngayong araw ang proyektong Caritas Damayan Emergency Food and Non Food Assistance for COVID-19 Extreme Enhanced Community Quarantine Families ng Caritas Manila katuwang ang Caritas Germany. Layunin ng programa na magbigay ng tulong sa may 4,525 na residente sa Barangay 201 Zone 20 Pasay City na nasasakupan ng Our Lady of

Read More »
Economics
Rowel Garcia

Caritas Manila, bukas sa volunteers

 318 total views

 318 total views Bukas ang Caritas Manila sa mga gustong maglingkod sa gitna ng COVID-19 pandemic. Ayon kay Grace Devara, Program Head ng Caritas Manila Institute for Servant Leadership and Stewardship o ISLAS, patuloy silang tumatanggap ng mga nais mag-volunteer sa kanilang mga Simbahan. Ito ay bahagi ng paglilingkod ng nasabing social arm ng Archdiocese of

Read More »
Cultural
Rowel Garcia

ALAY KAPWA, GAWING PAGNINILAY NGAYONG KUWARESMA

 229 total views

 229 total views Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng Alay Kapwa Program sa tatlong iba’t-ibang Diyosesis sa Luzon, Visayas at Mindanao muling umapela ang NASSA/Caritas Philippines sa mga mananampalataya na gawin bahagi ng kanilang pagninilay ang misyon ng Alay Kapwa. Ayon kay NASSA/Caritas Philippines Executive secretary Rev. Fr. Edu Gargiuez, ang kuwaresma ay panahon upang lalo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top