Linggo, Hunyo 15, 2025

SHARE THE TRUTH

 12,091 total views

Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (K)

Kawikaan 8, 22-31
Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Roma 5, 1-5
Juan 16, 12-15

Solemnity of the Most Holy Trinity (White)
Basic Ecclesial Community Sunday

UNANG PAGBASA
Kawikaan 8, 22-31

Pagbasa mula sa aklat ng Mga Kawikaan

Ito ang sinasabi ng Karunungan ng Diyos:
“Sa lahat ng nilikha ng Poon, ako ang siyang una,
noong una pang panahon ako ay nilikha na.
Matagal nang panahon nang anyuan niya ako,
bago pa nilikha at naanyo itong mundo.
Wala pa ang mga dagat nang ako’y lumitaw,
wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw.
Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok,
nang ako ay isilang dito sa sansinukob.
Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid,
nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig.
Nang likhain ang mga langit, ako ay naroon na,
maging nang ang hangganan ng langit at lupa’y italaga.
Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay,
at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman.
Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat,
nang patibayin nitong mundo ay ilagay at itatag,
ako’y lagi niyang kasama at katulong sa gawain,
ako ay ligaya niya at sa akin siya’y aliw.
Ako ay nagdiwang nang daigdig ay matapos,
dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 8, 4-5. 6-7. 8-9

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Ang likha mong langit, kung aking pagmasdan,
pati mga tala, bituin at buwan;
ano nga ang tao upang ‘yong alalahanin?
Ay ano nga siya na sukat mong kalingain?

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Nilikha mo siya, na halos kapantay
ng iyong luningning at kadakilaan!
Pinamahala mo sa buong daigdig,
sa lahat ng bagay malaki’t maliit.

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

Mga baka’t tupa, hayop na mabangis
at lahat ng ibong nasa himpapawid,
at maging sa isda, sa ‘lalim ng tubig.

Maningning ang iyong ngalan,
Poon, sa sangkalupaan.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 5, 1-5

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid:
Yamang napawalang-sala na tayo dahil sa pananalig sa ating Panginoong Hesukristo, sa pamamagitan niya’y mayroon na tayong kapanatagan sa harapan ng Diyos. Sa pamamagitan nga niya’y tinatamasa natin ang kagandahang-loob ng Diyos, at lubos tayong nagagalak sa ating pag-asa na makakasama sa kanyang kaluwalhatian. Bukod dito, nagagalak tayo sa ating mga pagbabata sapagkat alam nating ito’y nagbubunga ng pagtitiyaga. At ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng katatagan, at ang katatagan ay nagbubunga ng pag-asa. Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espiritu Santo na ipinagkaloob na sa atin.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Pahayag 1, 8

Aleluya! Aleluya!
Dakila ang Amang mahal,
Anak, Espiritung Banal,
noon, ngayon, kailan pa man.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 16, 12-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Marami pa akong sasabihin sa inyo, ngunit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. Pagdating ng Espiritu ng katotohanan, tutulungan niya kayo upang maunawaan ninyo ang buong katotohanan. Sapagkat magsasalita siya hindi sa ganang kanyang sarili; sasabihin niya sa inyo ang kanyang narinig, at ipapahayag ang mga bagay na darating. Pararangalan niya ako sapagkat sa aking magmumula ang ipapahayag niya sa inyo. Ang lahat ng sa Ama ay akin; kaya ko sinabing sa akin magmumula ang ipapahayag niya sa inyo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN

Sumasampalataya tayo sa Banal na Santatlo at alam nating gayon na lang ang pag-ibig ng tatlong Banal na Persona para sa atin. Buong pananalig tayong dumulog sa kanila at manalangin:

Luwalhati sa Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo!

Para sa buong Simbahan, ang mag-anak ng Banal na Santatlo sa lupa: Nawa tupdin nito ang kautusan ni Kristong ipangaral ang Ebanghelyo sa lahat ng bansa nang walang hadlang at pangamba. Manalangin tayo!

Para sa ating Santo Papa at sa lahat ng mga obispo: Nawa lalo nilang palakasin ang ating pananampalataya at pagmamahal sa Banal na Persona. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng binyagan sa iba’ t ibang sektang Kristiyano: Nawa, sa kanilang magkaisang pananampalataya sa Banal na Santatlo, magbunga ang kanilang pagsisikap na pasiglahing muli ang naglahong pagkakaisa. Manalangin tayo!

Para sa lahat ng misyonerong nagpapahayag sa Ebanghelyo ng Pag-ibig at Buhay sa lahat ng tao: Nawa makita sa kanilang asal ang pag-ibig ng tatlong Banal na Persona. Manalangin tayo!

Para sa ating parokya: Nawa’y alalahaning lagi ng mga kaanib nito na sila’y inaasahang magpatunay sa kanilang buhay ng pag-iibigan at pagkakaisa ng Banal
na Santatlo. Manalangin tayo!

Para sa ating lahat: Nawa ‘y hindi tayo makalimot na kapiling natin ang Banal na Santatlo at tumanggap tayo ng kagalakan, tibay ng loob, at inspirasyon. Manalangin tayo!

Upang ang bawa’t isa sa atin ay makatagpo ng tunay na katiwasayan sa personal na pakikipagniig sa Panginoon, at sa gabay ng Banal na Puso ay matuto rin tayong magdalang-habag sa buong daigdig, manalangin tayo!

Makapangyarihang Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Iyo kami nagmula, nabubuhay, at uuwi. Tanggapin Mo kami sa kabila ng aming di pagiging karapat-dapat at loobin Mong kami’ y makibahagi sa Iyong buhay na walang hanggan. Amen!

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 6,292 total views

 6,292 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 180,226 total views

 180,226 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 157,859 total views

 157,859 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 221,807 total views

 221,807 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 241,159 total views

 241,159 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 422 total views

 422 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 2,079 total views

 2,079 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 2,079 total views

 2,079 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

Linggo, Mayo 24, 2026

 1,877 total views

 1,877 total views Linggo ng Pentekostes (A) Mga Gawa 2, 1-11 Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34 Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong

Read More »

Sabado, Mayo 23, 2026

 1,126 total views

 1,126 total views Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 28, 16-20. 30-31 Salmo 10, 4. 5. at 7 Poon, ang mga mabuti

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top