Sabado, Agosto 9, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,590 total views

Sabado ng Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

o kaya Paggunita kay Santa Teresa Benedicta dela Cruz, dalaga at martir
o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Deuteronomio 6, 4-13
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 47 at 51ab

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

Mateo 17, 14-20

Saturday of the Eighteenth Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of St. Teresa Benedicta of the Cross (White)
or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 6, 4-13

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao, “Dinggin ninyo mga Israelita: Ang Panginoon lamang ang Diyos. Ibigin ninyo siya nang buong puso, kaluluwa at lakas. Ang mga utos niya’y itanim ninyo sa inyong isip. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak; sa loob at labas ng inyong tahanan, sa oras ng paggawa at pamamahinga, sa lahat ng lugar at sa lahat ng panahon. Ipulupot ninyo ito sa inyong mga kamay bilang tanda, itali sa inyong noo, isulat sa mga hamba ng inyong pinto at mga tarangkahan.

“Kayo’y malapit nang dalhin ng Panginoon sa lupaing ipinangako niya sa inyong mga ninunong sina Abraham, Isaac at Jacob. Maninirahan kayo sa malalaki at magagandang lungsod na hindi ninyo itinayo. Titira kayo sa mga tahanang husto sa lahat ng bagay ngunit hindi ninyo pinaghirapan. Iinom kayo ng tubig na galing sa mga balong hindi ninyo hinukay. Mamimitas kayo sa mga ubusan at sa mga olibong hindi ninyo itinanim. Kung kayo’y naroon na at nananagana sa lahat ng bagay, huwag ninyong kalimutan ang Panginoon na nag-alis sa inyo sa bansang Egipto. Magkaroon kayo ng takot sa kanya, paglingkuran ninyo siya at mamuhay kayo nang tapat.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 17, 2-3a. 3bk-4. 47 at 51ab

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

O Panginoon kong aking kalakasan,
Minamahal kita nang tunay na tunay.
Panginoo’y batong hindi matitibag,
matibay kong muog at Tagapagligtas.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

D’yos ko ang sa akin ay s’yang nag-iingat,
Tagapagtanggol ko at aking kalasag.
Sa ‘yo, Panginoon, ako’y tumatawag,
Sa mga kaaway ako’y ‘yong iligtas.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

Panginoo’y buhay, s’ya’y Tagapagligtas,
matibay kong muog, purihin ng lahat!
Sa piniling hari, dakilang tagumpay,
ang kaloob ng D’yos sa kanyang hinirang.

Poong aking kalakasan,
iniibig kitang tunay.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 17, 14-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, lumapit ang isang lalaki, lumuhod sa harapan ni Hesus at ang sabi, “Ginoo, mahabag po kayo sa anak kong lalaki! Siya po’y himatayin at lubhang nahihirapan kung sinusumpong, sapagkat madalas siyang mabuwal sa apoy o kaya’y mahulog sa tubig. Dinala ko na siya sa inyong mga alagad, ngunit hindi nila mapagaling.” Sumagot si Hesus, “Lahing walang pananampalataya at matigas ang ulo! Hanggang kailan dapat akong manatiling kasama ninyo? Hanggang kailan ko kayo pagtitiisan? Dalhin ninyo rito ang bata!” Pinagwikaan ni Hesus ang demonyo at lumabas ito, at ang bata’y gumaling agad.

Pagkatapos ay lumapit ang mga alagad kay Hesus at nagtanong nang walang ibang nakaririnig, “Bakit hindi po namin mapalayas ang demonyo?” Sumagot siya, “Dahil sa kaliitan ng inyong pananalig. Sinasabi ko sa inyo: kung maging sinlaki man lamang ng butil ng mustasa ang inyong pananalig sa Diyos, masasabi ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon!’ at lilipat ito. Walang bagay na hindi ninyo mapangyayari.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa pananalangin, lumapit tayo sa Diyos Ama na nagbibigay sa atin ng kapangyarihan sa lahat ng sangnilikha.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang Ama, lumakad nawa kami sa gabay ng pananampalataya.

Ang Simbahan at ang kanyang sambayanan nawa’y mapatatag sa pananampalataya at gawing sandigan ang Panginoon sa kanilang mga pagsubok at pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga puso ng mga lider ng mga bansa nawa’y huwag maging bato at huwag maimpluwensiyahan ng kasamaan ng pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong naging manhid na sa pagkakasala nawa’y magbalik-loob sa Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga taong may dinadalang mabigat na pasanin sa buhay dahil sa kanilang karamdaman nawa’y maunawaan ang kahulugan ng kanilang mga pagsubok, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y ligtas na maihatid sa tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, inilalagay namin sa iyong paanan ang aming mga pangangailangan at nananalangin kami nang may pananalig sa iyong tulong at awa sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 14,168 total views

 14,168 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 88,782 total views

 88,782 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 168,861 total views

 168,861 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 212,000 total views

 212,000 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 212,212 total views

 212,212 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 1,142 total views

 1,142 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 2,682 total views

 2,682 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 4,135 total views

 4,135 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 4,965 total views

 4,965 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

Lunes, Hulyo 13, 2026

 5,615 total views

 5,615 total views Lunes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Enrico Isaias 1, 10-17 Salmo 49, 8-9. 16bk-17, 21 at 23

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top