Biyernes, Agosto 8, 2025

SHARE THE TRUTH

 4,675 total views

Paggunita kay Santo Domingo de Guzman, pari

Deuteronomio 4, 32-40
Salmo 76, 12-13. 14-15. 16 at 21

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

Mateo 16, 24-28

Memorial of St. Dominic, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Deuteronomio 4, 32-40

Pagbasa mula sa aklat ng Deuteronomio

Sinabi ni Moises sa mga tao: “Isipin ninyo kung may naganap nang tulad nito, nasaksihan o nabalitaan man lamang, mula nang likhain ng Diyos ang daigdig. Maliban sa inyo, sino pa ang nakarinig sa tinig ng Diyos mula sa haliging apoy, at nanatiling buhay? Sinong diyos ang naglabas ng isang buong lahi mula sa isang bansa upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipagsubukan ng kapangyarihan, ng kababalaghan, ng digmaan, at ng makapangyarihang mga gawa, tulad ng ginawa ng Panginoon sa Egipto? Ang mga pangyayaring ito’y ipinamalas niya sa inyo upang maniwala kayo na walang ibang Diyos maliban sa kanya. Mula sa langit, nagsalita siya sa inyo upang kayo’y turuan. At dito sa lupa nagsalita siya mula sa apoy. At dahil sa pag-ibig niya sa inyong mga ninuno, hinirang niya kayo, at sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan ay inilabas kayo sa Egipto. Pinuksa niya ang mga bansang mas malakas sa inyo upang maluwag kayong makapanirahan sa lupaing ibinigay niya sa inyo ngayon. Dahil dito, dapat ninyong malaman na sa langit at sa lupa’y walang ibang diyos liban sa Panginoon. Kaya nga, dapat ninyo sundin ang kanyang mga utos at tuntuning sinasabi ko sa inyo ngayon. Sa gayun, mapapanuto kayo at ang lahing susunod sa inyo; magtatagal kayo habang panahon sa lupaing ibinigay niya sa inyo.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 76, 12-13. 14-15. 16 at 21

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

Kaya aking babalikang gunitain ang ginawa,
ang maraming ginawa mong tunay na kahanga-hanga.
Sa lahat ng ginawa mo, ako’y magbubulay-bulay,
magbubulay-bulay ako, sa diwa ko at isipan.

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

Ang daan mo, Panginoon, ay tunay na daang banal,
at wala nang ibang diyos na sa iyo’y ipapantay.
Ikaw ang Diyos na ang gawa’y tunay na kahanga-hanga.
Iyang kadakilaan mo’y nahayag na sa nilikha;

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

Dahilan sa iyong lakas, mga hirang mo’y tinubos,
ang lahat ng mga angkan ni Jose at ni Jacob.
Ikaw, O Diyos, ang nanguna sa bayan mong parang kawan,
si Moises at Aaron yaong iyong naging kamay!

Sa lahat ng ginawa mo,
magbubulay-bulay ako.

ALELUYA
Mateo 5, 10

Aleluya! Aleluya!
Mapalad ang inuusig
sa gawang puspos ng bait,
pagkat may kakamting langit.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 16, 24-28

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, “Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit noon. Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito’y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sa kanya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama at kasama ang kanyang mga anghel. Sa panahong yao’y gagantihin niya ang bawat tao ayon sa kanyang ginawa. Sinasabi ko sa inyo: may ilan sa inyo rito na hindi mamamatay hangga’t di nila nakikita ang Anak ng Tao na pumaparito bilang Hari.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-18 Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Sa pamamagitan ng paglimot sa sarili, pinapasan natin ang ating krus sa araw-araw sa pagsunod sa yapak ng ating Panginoon. Manalangin tayo upang mapawi ang pagiging makasarili na naghihiwalay sa atin sa Diyos.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Makapangyarihang Diyos, bigyan Mo kami ng kapangyarihan.

Ang Santo Papa at mga obispo nawa’y pasanin ang kanilang krus ng pastoral na pagkalinga at tungkulin na walang makasariling sakripisyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng tumanggap ng bigat ng tungkuling publiko nawa’y lumago sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang responsable, totoo, at malinis na pagsasagawa ng kanilang tungkulin, manalangin tayo sa Panginoon.

Buong puso nawa nating suportahan ang pagsulong ng katotohanan at labanan ang patagong impluwensya ng kasamaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga biktima ng opresyon nawa’y magtamo ng katarungan, kalayaan, at kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdusa at namatay para sa pananampalataya nawa’y umani ng makalangit na gantimpala, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ng aming Panginoong Jesu-Kristo, tanggapin mo ang mga panalangin ng naglalakbay mong bayan na naghahangad na matagpuan ang iyong kalooban sa pagsunod sa mga yapak ng iyong Anak, siya na nabubuhay at naghahari kasama mo at ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 121,375 total views

 121,375 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 245,786 total views

 245,786 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 285,462 total views

 285,462 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 358,491 total views

 358,491 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 20, 2026

 8,548 total views

 8,548 total views Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari Mga Gawa 20, 28-38 Salmo 67, 29-30.

Read More »

Martes, Mayo 19, 2026

 8,548 total views

 8,548 total views Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong D’yos ay

Read More »

Lunes, Mayo 18, 2026

 8,548 total views

 8,548 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan I, papa at martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo 67,

Read More »

Linggo, Mayo 17, 2026

 4,604 total views

 4,604 total views Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A) Mga Gawa 1, 1-11 Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9 Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog. Efeso 1,

Read More »

Sabado, Mayo 16, 2026

 4,604 total views

 4,604 total views Sabado sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 23-28 Salmo 46, 2-3. 8-9. 10 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top