Miyerkules, Agosto 27, 2025

SHARE THE TRUTH

 5,326 total views

Paggunita kay Santa Monica

1 Tesalonica 2, 9-13
Salmo 138, 7-8. 9-10. 11-12ab

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Mateo 23, 27-32

Memorial of St. Monica, Married Woman (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Tesalonica 2, 9-13

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Tesalonica

Tiyak na natatandaan pa ninyo, mga kapatid, kung paano kami gumawa at nagpagal araw-gabi para hindi kami maging pasanin ninuman samantalang ipinahahayag namin sa inyo ang Mabuting Balita.

Saksi namin kayo at gayun din ang Diyos na kami ay tapat, mabuti, at ganap sa pakikitungo sa inyo na mga sumasampalataya. Tulad ng alam ninyo, kami’y naging parang ama ng bawat isa sa inyo. Pinalakas namin ang inyong loob, inaliw kayo at hinimok na mamuhay nang tapat sa paningin ng Diyos na humirang sa inyo upang makahati sa kanyang kaharian at kaluwalhatian.

Ito pa ang lagi naming ipinagpapasalamat sa Diyos: nang ipangaral namin sa inyo ang kanyang salita, tinanggap ninyo ito bilang tunay na salita ng Diyos, at hindi ng tao. Anupat ang bisa nito’y nakikita sa buhay ninyo mga sumasampalataya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 138, 7-8. 9-10. 11-12ab

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Saan ako magpupunta, upang ako’y makatakas?
Sa Banal mong Espiritu’y hindi ako makaiwas.
Kung langit ang puntahan ko, pihong ika’y naroroon,
sa Sheol ay naroon ka kung do’n ako manganganlong.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Kung ako ay makalipad, umiwas na pasilangan,
o kaya ang tirahan ko’y ang duluhan ng kanluran;
pihong ikaw ay naroon, upang ako’y pangunahan,
Matatagpo kita roon upang ako ay tulungan.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

Kung ang aking pagtaguan ay ang dilim na pusikit,
padiliming parang gabi ang liwanag sa paligid;
maging itong kadiliman sa iyo ay hindi dilim,
at sa iyo yaong gabi’y parang araw na maningning.

Ako’y iyong siniyasat,
kilala mo akong ganap.

ALELUYA
1 Juan 2, 5

Aleluya! Aleluya!
Lubos na magtatamasa
ng pag-ibig ng D’yos Ama
ang sumunod sa Anak n’ya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 23, 27-32

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus, “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ang katulad ninyo’y mga libingang pinaputi, magaganda sa labas, ngunit sa loob ay puno ng kabulukan at buto ng mga patay. Ganyang-ganyan kayo! Sa paningin ng tao’y mabubuti kayo, ngunit ang totoo, punung-puno kayo ng pagpapaimbabaw at kasamaan.

“Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Pariseo! Mga mapagpaimbabaw! Ipinagtatayo ninyo ng mga libingan ang mga propeta at ginagayakan ang mga puntod ng mga taong namuhay nang matuwid. At sinasabi ninyo, ‘Kung kami sana’y nabuhay sa kapanahunan ng aming mga ninuno, hindi namin ipapapatay ang mga propeta.’ Sa sinabi ninyong iyan, inaamin ninyong kayo’y mga anak ng mga nagpapatay sa mga propeta! Sige! Tapusin ninyo ang pinasimulan ng inyong mga ninuno!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Hilingin natin sa Panginoon na tulungan tayong maging tapat sa ating mga kilos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, basahin mo ang aming mga puso, at tugunin mo kami.

Sa ating buhay bilang Bayan ng Diyos, nawa’y matugunan natin ang mga hamon ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng ating tapat na pagsaksi, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang maiwasang gumawa ng mga bagay dahil lamang sa ating pagnanasang tumulad sa karamihan o dahil sa ating pagkukunwari, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nawalan ng pag-asa dahil sa ating masamang pakikitungo at pag-uugali nawa’y manumbalik sa pagsamba sa Diyos sa pamamagitan ng ating pagbabagumbuhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makita ang mapagpagaling na kamay ng Diyos sa kanilang mga dinaranas na mga pagsubok at paghihirap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao sa buhay na ito nawa’y tanggapin sa walang hanggang kaluwalhatian, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, tulungan mo kaming sambahin ka nang may katapatan sa aming puso at makalapit kami sa iyo sa Espiritu at sa katotohanan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 117,561 total views

 117,561 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 241,972 total views

 241,972 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 281,825 total views

 281,825 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 355,169 total views

 355,169 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Miyerkules, Mayo 20, 2026

 8,253 total views

 8,253 total views Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari Mga Gawa 20, 28-38 Salmo 67, 29-30.

Read More »

Martes, Mayo 19, 2026

 8,253 total views

 8,253 total views Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 10-11. 20-21 Tanang mga kaharian, ang Poong D’yos ay

Read More »

Lunes, Mayo 18, 2026

 8,253 total views

 8,253 total views Lunes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Juan I, papa at martir Mga Gawa 19, 1-8 Salmo 67,

Read More »

Linggo, Mayo 17, 2026

 4,486 total views

 4,486 total views Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat (A) Mga Gawa 1, 1-11 Salmo 46, 2-3. 6-7. 8-9 Habang umaakyat ang D’yos, ang tambuli’y tumutunog. Efeso 1,

Read More »

Sabado, Mayo 16, 2026

 4,486 total views

 4,486 total views Sabado sa Ika-6 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 18, 23-28 Salmo 46, 2-3. 8-9. 10 Hari ng sangkalupaan D’yos na

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top