Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 191,498 total reads

Si LT. General Nicolas Deloso Torre III, siya yung sinibak na ika-31 Philippine National Police Chief (PNP Chief). 85-araw lamang nanunungkulan bilang hepe ng pambansang pulisya si General Torre, pinakamaiksi sa kasaysayan ng PNP.

Kapanalig, si General Torre lamang daw ang masasabing matino sa mga opisyal ng administrasyon ng Pangulong Marcos Jr. na pinuri pa nito sa kanyang SONA na boxing champion. Tinalo ni Torre by default si acting Davao City Mayor Sebastian Duterte. Sumikat ang tinanggal na PNP Chief dahil sa mga high-profile na kaso at pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa kasong “crime against humanity” sa International Criminal Court, sa The Hague, Netherland.

Sa kasalukuyang administrasyon at kalagayang pulitika sa Pilipinas kahit hindi ka matinong opisyal, huwag na huwag ka lang makakaapak ng may mga malalakas ang padrino, OK ka magagalaw sa puwesto.

Paano ba naman hindi masisibak si Torre? Nire-assigned niya na Area Police Commander for Western Mindanao ang no.2-man sa PNP na si Gen. Nartatez. Ang opisyal na ipinatapon ni Torre sa Mindanao ang siya namang pumalit sa kanya na bagong PNP Chief.

Kapanalig, si Gen. Nartatez pala ay hindi lang malakas sa NAPOLCOM, manok ito ng DILG secretary at Justice secretary na nangangarap maging Ombudsman. Paano ba naman hindi sisibakin ni PBBM si Torre, malaki ang ambag mag-ama sa panalo ng pangulo sa lalawigan ng Cavite sa nakalipas na Presidential election. Wala talagang laban si Torre sa malaking utang na loob.

Hindi daw sumunod si Torre sa kautusan ng NAPOLCOM, pero malinaw sa Republic Act No. 6975 at RA 8551 na namamahala sa PNP na hindi maaaring baligtarin ng komisyon ang mga paggalaw ng tauhan na ginawa ng PNP chief. Sa pagre-shuffle ng PNP officers, ang PNP Chief lamang ang may mandato nito., hindi ang NAPOLCOM maging ang DILG.

Ang kasalanan lamang ni Torre ay kinanti niya ang “golden boy” ng pamilyang Nepotismo sa Cavite. Dahil sa palakasan at bata-bata system, hindi na umuunlad ang Pilipinas, mangilan-ngilan na lamang ang mga opisyal sa pamahalaan na walang bahid.

Kapanalig, dahil walang bangis at padrino si Torre na kauna-unahang PNPA graduate at hindi PMA graduate na nahirang na PNP Chief sa kasaysayan, nasibak ito sa puwesto., nag-on-leave na lamang ito at nanahimik. Meron namang pampalubag-loob kay Torre, inalok naman pala ng posisyon sa gobyerno!

Kung ikaw si Torre Kapanalig, tatanggapin mo pa ba ang alok ng presidente ng Pilipinas? Kung wala kang delicadeza, baka maaari.

Pero sa gitna ng napakaduming pulitika, hinimok ng namayapang Pope Francis tayong mga katoliko, ayon sa kanya, “Catholics must get involved in politics even if it may be “dirty,” frustrating and fraught with failure. Given today’s “throwaway” culture and so many problems unfolding in the world, “Do I as a Catholic watch from my balcony? No, you can’t watch from the balcony. Get right in there!”

Ipinapayo din ng Romans 13:1 na “Let everyone be subject to the governing authorities, for there is no authority except that which God has established. The authorities that exist have been established by God.”

Sumainyo ang katotohanan.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 5,832 total reads

 5,832 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 25,854 total reads

 25,854 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 86,352 total reads

 86,352 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 107,226 total reads

 107,226 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 187,881 total reads

 187,881 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 288,282 total reads

 288,282 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 25,855 total reads

 25,855 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 86,353 total reads

 86,353 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 107,227 total reads

 107,227 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 187,882 total reads

 187,882 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top