Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sabado, Setyembre 20, 2025

SHARE THE TRUTH

 1,799 total views

Paggunita kina San Andres Kim Taegon, pari at martir,
at San Pablo Chong Hasang, at mga Kasama, mga martir

1 Timoteo 6, 13-16
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Lucas 8, 4-15

Memorial of Sts. Andrew Kim Tae-gon, Priest, and Paul Chong Ha-sang, and Companions, Martyrs (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
1 Timoteo 6, 13-16

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, sa ngalan ng Diyos na nagbibigay-buhay sa lahat ng bagay, at sa ngalan ni Kristo Hesus na nagpatotoo sa harapan ni Poncio Pilato, iniuutos ko sa iyo: ang mga tagubiling ito’y panatilihin mong mabisa at walang kapintasan hanggang sa pagdating ng Panginoong Hesukristo. Sa takdang panahon, siya’y ihahayag ng mapagpalang Diyos, ang makapangyarihang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon. Siya lamang ang walang kamatayan, ang nananahan sa liwanag na di matitigan. Hindi siya nakita o makikita ninuman. Sa kanya ang karangalan at ang walang hanggang kapangyarihan. Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 99, 2. 3. 4. 5

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa!
Panginoo’y papurihan, paglingkuran siyang kusa;
lumapit sa harap niya at umawit na may tuwa!

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Ang Panginoo’y ating Diyos! Ito’y dapat malaman,
tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang;
lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan.

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Pumasok ka sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang,
umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal,
purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan!

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

Mabuti ang Panginoon, pag-ibig niya’y walang hanggan,
Siya’y Diyos na mabuti’t laging tapat kailanman.

Sa Panginoo’y dumulog
upang papuri’y ihandog.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Ang Salitang mula sa D’yos
kapag isinasaloob
ay mamumunga nang lubos.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 8, 4-15

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, dating nang dating ang mga taong nanggagaling sa mga bayan-bayan at lumalapit kay Hesus. Nang natitipon na ang napakaraming tao, isinalaysay niya ang talinghagang ito:

“May isang taong lumabas para maghasik ng binhi. Sa kanyang paghahasik, may binhing nalaglag sa daan at nayapakan, at ang mga ito’y tinuka ng mga ibon. May nalaglag sa kabatuhan, at pagtubo ay natuyo dahil sa kawalan ng halumigmig. May nalaglag naman sa dawagan. Lumago ang dawag at ininis ang mga binhing tumubo. Ang iba’y nalaglag sa matabang lupa, tumubo at namunga ng tig-iisandaang butil.” At malakas niyang idinugtong, “Makinig ang may pandinig!”

Itinanong ng mga alagad kung ano ang kahulugan ng talinhagang ito. Sumagot si Hesus, “Sa inyo’y ipinagkaloob na malaman ang mga lihim tungkol sa paghahari ng Diyos, ngunit sa iba’y sa pamamagitan ng mga talinghaga, upang:

‘Tumingin man sila’y hindi makakita;
At makinig man sila’y di makaunawa.’

Ito ang kahulugan ng talinghaga: ang binhi ay ang salita ng Diyos. Ang mga binhing nalaglag sa tabi ng daan ay ang mga nakinig, ngunit dumating ang diyablo at inalis sa kanilang puso ang salita upang hindi sila manalig at maligtas. Ang mga nalaglag sa kabatuhan ay ang mga nakinig ng salita at tumanggap nito nang may galak, ngunit hindi ito tumimo sa kanilang puso. Naniwala silang sandali, subalit sa panahon ng pagsubok ay tumitiwalag agad. Ang mga nahasik naman sa dawagan ay ang mga nakinig ngunit nang malaon ay nadaig ng mga alalahanin sa buhay at ng pagkahumaling sa kayamanan at kalayawan, kaya’t hindi nahinog ang kanilang mga bunga. Ang mga nahasik naman sa matabang lupa’y ang mga nakinig ng salita. Iniingatan nila ito sa kanilang pusong tapat at malinis at sila’y nagtitiyaga hanggang sa mamunga.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Tinuturuan tayo ni Kristo sa pamamagitan ng mga talinhaga. Si Kristo ang naghahasik ng mga butil ng Salita ng Diyos. Tumugon tayo sa kanyang gawain sa pamamagitan ng ating pananalangin sa Ama.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon ng ani, maging butihin kayo sa amin.

Ang Simbahan sa daigdig nawa’y maging katulad ng mayamang lupa na nagbubunga ng tig-iisandaang ani, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y maglingkod sa pamamaraang kalugud-lugod sa Diyos at sa sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang Salita ng Diyos sa ating buhay nawa’y huwag sakalin ng mga hindi naitatamang mga ambisyon at pagkamakasarili, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y madama nila ang mapagpagaling na kapangyarihan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y masiyahan sa liwanag, kaligayahan, at kapayapaan sa kalangitan at yaong mga nabibigatan sa pagdadalamhati nawa’y mapatatag ng Salita ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, tulungan mo kaming makilala ang butil ng iyong Salita at gawa sa aming buhay. Huwag nawa kaming magumon sa mga alalahanin ng mundong ito, bagkus, maging aktibo kami sa paglilingkod, at tuluyan nang magbunga ito ng masaganang ani. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 76,190 total views

 76,190 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 88,730 total views

 88,730 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 111,112 total views

 111,112 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 130,522 total views

 130,522 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Setyembre 30, 2025

 45,755 total views

 45,755 total views Paggunita kay San Jeronimo, pari at pantas ng Simbahan Zacarias 8, 20-23 Salmo 86, 1-3. 4-5. 6-7 Ang ating Panginoong D’yos ay kapiling

Read More »

Lunes, Setyembre 29, 2025

 45,986 total views

 45,986 total views Kapistahan nina Arkanghel San Miguel, San Gabriel at San Rafael Daniel 7, 9-10. 13-14 o kaya Pahayag 12, 7-12a Salmo 137, 1-2a, 2bk-3, 4-5

Read More »

Linggo, Setyembre 28, 2025

 46,496 total views

 46,496 total views Ika-26 na Linggo sa Karaniwang Panahon (K) Amos 6, 1a. 4-7 Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10 Kalul’wa ko, ‘yong purihin ang Panginoong butihin.

Read More »

Sabado, Setyembre 27, 2025

 33,844 total views

 33,844 total views Paggunita kay San Vicente de Paul, pari Zacarias 2, 5-9. 14-15a Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13 Pumapatnubay na Diyos ay Pastol na kumukupkop.

Read More »

Biyernes, Setyembre 26, 2025

 33,953 total views

 33,953 total views Biyernes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I) o kaya Paggunita kay San Cosme at San Damian, mga martir Ageo 1, 15b – 2,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top