Lunes, Setyembre 22, 2025

SHARE THE TRUTH

 1,504 total views

Lunes ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

Esdras 1, 1-6
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Lucas 8, 16-18

Monday of the Twenty-fifth Week in Ordinary Time (Green)

UNANG PAGBASA
Esdras 1, 1-6

Ang simula ng aklat ni Esdras

Nang unang taon ng pamamahala ni Haring Ciro ng Persia, nilukuban siya ng Espiritu ng Panginoon. Nangyari ito upang matupad ang kanyang salita sa pamamagitan ni Propeta Jeremias. Kaya, si Haring Ciro ay sumulat ng ganito:

“Niloob ng Panginoon, ng Diyos ng Kalangitan, na masakop ko ang lahat ng bansa sa daigdig. At sinabi niya sa aking ipagtayo ko siya ng isang templo sa Jerusalem, Juda. Kaya pinahihintulutan ko ang lahat ng Israelita na magpunta sa Jerusalem, ang bayan ng kanilang Diyos, upang itayong muli ang bahay ng Panginoon. Pagpalain nawa sila ng Diyos. Lahat ng mamamayan sa lugar na may Israelita ay tutulong sa kanila. Bigyan sila ng mga pilak, ginto at iba pang kailangan, tulad ng mga hayop at mamahaling kasangkapan, bukod sa kusang handog para sa templo ng Panginoon.”

Tumugon naman sa panawagang iyon ang mga puno ng sambahayan ng mga lipi nina Juda at Benjamin, ang mga saserdote at mga Levita, at lahat ng napukaw ang kalooban upang tumulong sa muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem. At sila’y tinulungan ng mga mamamayan sa lupaing tinitirhan nila. Binigyan sila ng mga pilak at ginto. Binigyan din sila ng hayop at mamahaling kasangkapan, bukod sa kusang handog nila.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 125, 1-2ab. 2kd-3. 4-5. 6

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Nang lingapin tayo ng Diyos at sa Sion ay ibalik,
ang nangyaring kasaysaya’y parang isang panaginip.
Lahat tayo ay natuwa, masasayang nagsiawit.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Ang sabi ng mga bansang nagmamasid sa paligid,
“Ang ginawa ng Diyos nila ay dakila, anong rikit!”
Dakila ngang masasasabi, pambihira ang ginawa,
kaya naman kami ngayon, kagalaka’y di kawasa!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Kung paanong inuulan yaong mga tuyong batis,
sa sariling bayan namin, kami, Poon, ay ibalik.
Silang mga nagbubukid na nagtanim na may luha,
bayaan mo na mag-aning masasaya’t natutuwa.

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

Yaong mga nagsihayong dala’y binhi’t nananangis,
ay aawit na may galak, dala’y ani pagbalik!

Gawa ng D’yos ay dakila
kaya tayo’y natutuwa.

ALELUYA
Mateo 5, 16

Aleluya! Aleluya!
Dapat kayong magliwanag
nang kabutiha’y mahayag
at D’yos ang s’yang matanyag.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 8, 16-18

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa mga tao, “Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakluban ng banga o ilalagay kaya sa ilalim ng higaan. Sa halip, inilalagay ito sa talagang patungan upang makita ng mga pumapasok ang liwanag. Walang natatago na di malalantad, at walang lihim na di malalaman at mabubunyag.

Kaya pagbutihin ninyo ang inyong pakikinig; sapagkat ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala ay aalisan pati ng inaakala niyang nasa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 na Linggo sa Karaniwang Panahon
Lunes

Manalangin tayo sa Diyos Ama upang magdulot sa lahat ng pag-asa at kapayapaan ang liwanag ng kanyang Anak na si Jesu-kristo.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Luwalhatian ka nawa ng aming buhay, O Panginoon.

Ang Bayan ng Diyos nawa’y maging isang tulad ng dakilang ilaw na nagliliwanag sa kadiliman sa pamamagitan ng kanilang pagtatatag ng isang higit na mabuting daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng ating bansa nawa’y makapagdala ng sinag ng pag-asa sa mga nagdurusa sa pamamagitan ng pagbibigay ng katarungan sa mga inaapi at dangal sa bawat tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga magulang nawa’y maging tulad ng liwanag sa taluktok ng bundok na gumagabay sa kanilang mga anak sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang huwarang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit, ang mga nalulumbay, at ang mga may pusong sawi nawa’y matagpuan ang liwanag ni Kristo sa gitna ng kanilang pagdurusa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y tumanggap ng walang hanggang liwanag, kaligayahan, at kapahingahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Diyos Ama, bigyan mo kami ng bagong kamulatan at kalakasan upang aming maitalaga ang paglilingkod namin sa kapwa at maging ilawan kaming nagliliwanag sa kanila. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 30,981 total views

 30,981 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 37,110 total views

 37,110 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 67,252 total views

 67,252 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 87,300 total views

 87,300 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 107,125 total views

 107,125 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Hunyo 1, 2026

 614 total views

 614 total views Paggunita kay San Justino, martir 2 Pedro 1, 2-7 Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16 D’yos kong tapat at totoo, ikaw lang ang pag-asa

Read More »

Linggo, Mayo 31, 2026

 1,742 total views

 1,742 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A) Exodo 34, 4b-6. 8-9 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at ipagdangal

Read More »

Sabado, Mayo 30, 2026

 2,997 total views

 2,997 total views Sabado ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Judas 17, 20b-25 Salmo 62, 2.

Read More »

Biyernes, Mayo 29, 2026

 4,325 total views

 4,325 total views Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pablo VI, papa 1 Pedro 4, 7-13 Salmo 95, 10. 11-12.

Read More »

Huwebes, Mayo 28, 2026

 5,388 total views

 5,388 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top