Sabado, Setyembre 27, 2025

SHARE THE TRUTH

 67,865 total views

Paggunita kay San Vicente de Paul, pari

Zacarias 2, 5-9. 14-15a
Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Lucas 9, 43b-45

Memorial of St. Vicente de Paul, Priest (White)

Mga Pagbasa mula sa
Sabado ng Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Zacarias 2, 5-9. 14-15a

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Zacarias

Muli akong tumingin at may nakita akong isang lalaking may dalang panukat. Tinanong ko ito, “Saan kayo pupunta?”

“Susukatin ko ang luwang at haba ng Jerusalem,” sagot niya.

Walang anu-ano, lumakad ang anghel na kausap ko at sinalubong siya ng isa pang anghel. Sinabi nito sa kanya, “Dali ka! Sabihin mo sa binatang may dalang panukat na ang Jerusalem ay titirhan ng maraming tao at hayop. Hindi na ito papaderan pagkat ang Panginoon ang magiging bakod na apoy ng Jerusalem, at ang kaningningan niya’y lulukob sa buong lungsod.”

Sinabi pa ng Panginoon, “Umawit ka sa kagalakan, bayan ng Sion, pagkat maninirahan na ako sa piling mo.”

Sa araw na yaon, maraming bansa ang sama-samang magpupuri sa Panginoon at pasasakop sa kanya.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Jeremias 31, 10. 11-12ab. 13

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Mga bansa, pakinggan ninyo ang sabi ng Poon,
at ipahayag ninyo sa malalayong lupain:
“Pinapangalat ko ang mga anak ni Israel, ngunit sila’y muli kong
titipunin at aalagaan,
gaya ng pagbabantay ng isang pastol
sa kanyang mga tupa.”

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Sapagkat tinubos ng Poon si Jacob,
at pinalaya sa kapangyarihan ng
kaaway na lubhang makapangyarihan at malakas.
Aakyat silang nagsisigawan sa tuwa
patungo sa Bundok ng Sion,
tigib ng kaligayahan dahil sa mga pagpapala ng Poon.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

Kung magkagayon, sasayaw sa katuwaan ang mga dalaga
makikigalak pati mga binata’t matatanda;
ang kanilang dalamhati ay magiging
tuwa, papalitan ko ng kagalakan
ang kanilang kalungkutan.

Pumapatnubay na Diyos
ay Pastol na kumukupkop.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 9, 43b-45

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, samantalang nanggigilalas ang mga tao sa lahat ng ginawa ni Hesus, sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Tandaan ninyo itong sasabihin ko: ipagkakanulo ang Anak ng Tao.” Ngunit hindi nila ito naunawaan, pagkat inilingid ito sa kanila. Nangangamba naman silang magtanong sa kanya kung ano ang ibig sabihin niyon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Ipinahayag ni Kristong ating Panginoon ang ating kaligtasan sa kanyang Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang Lingkod na Nagdurusa, dalhin ang ating mga panalangin sa Ama ng lahat ng awa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, maunawaan nawa namin ang iyong pamamaraan.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y magpakita ng maliwanag na pangarap na may masigasig at matatag sa gitna ng magulong mundong ating ginagalawan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang kapayapaan at pagkakasunduan nawa’y mamayani sa samahan ng mga bansa at lahat ng tao sa daigdig, manalangin tayo sa Panginoon.

Atin nawang mapagtanto na ang tunay na kadakilaan ay hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan at katayuan sa lipunan kundi matatagpuan ito sa paglilingkod natin sa ating kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y iugnay ang kanilang paghihirap sa mga pagdurusa ni Kristo sa krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao nawa’y mapalaya sa kanilang pagkakasala at magtamo ng walang hanggang kapayapaan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming nasa Langit, bigyan mo kami ng tapang na tanggapin ang anumang pagdurusa na darating sa aming buhay. Akayin mo kami sa kaganapan ng kaligayahan sa iyong presensya. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 32,914 total views

 32,914 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 54,919 total views

 54,919 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 79,261 total views

 79,261 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 102,808 total views

 102,808 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 136,147 total views

 136,147 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Mayo 3, 2026

 1,206 total views

 1,206 total views Ika-5 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) Mga Gawa 6, 1-7 Salmo 32, 1-2. 4-5. 18-19 Poon, pag-asa ka namin, pag-ibig mo’y

Read More »

Sabado, Mayo 2, 2026

 1,206 total views

 1,206 total views Sabado sa Ika-4 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 44-52 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Kahit saa’y namamalas tagumpay ng Nagliligtas.

Read More »

Biyernes, Mayo 1, 2026

 5,276 total views

 5,276 total views Biyernes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay Mga Gawa 13, 26-33 Salmo 2, 6-7. 8-9. 10-11 Anak ng Diyos kailanman sa

Read More »

Huwebes, Abril 30, 2026

 7,451 total views

 7,451 total views Huwebes sa Ika-4 na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o kaya Paggunita kay San Pio V, papa Mga Gawa 13, 13-25 Salmo 88, 2-3.

Read More »

Miyerkules, Abril 29, 2026

 8,857 total views

 8,857 total views Paggunita kay Santa Catalina de Siena, dalaga at pantas ng Simbahan Mga Gawa 12, 24 – 13, 5a Salmo 66, 2-3. 5. 6

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top