Pagsusuot ng puting kasuotan tuwing lingo, panawagan ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,121 total views

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa lahat ng mananampalatayang Pilipino na magbalik-loob sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin at pagsisisi, sa gitna ng sunod-sunod na kalamidad na tumama sa bansa gaya ng mga bagyo, lindol, sunog, at pagputok ng bulkan.

Sa inilabas na Circular No. 25-14, hinikayat ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, ang lahat ng simbahan at pamayanang Kristiyano na magmamakaawa sa awa ng Panginoon para sa ating bayan, at sabay-sabay manalangin para sa kapatawaran at panibagong pag-asa ng bansa.

Bahagi ng panawagan ng CBCP ang pagpapatupad ng National Call to Prayer and Public Repentance, na isasagawa tuwing Linggo—at kung maaari, araw-araw—hanggang sa November 23, ang Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari.

Bukod sa pananalangin, isasagawa rin ang pagpapatunog ng mga kampana bilang paalala ng pagkakaisa sa panalangin at paghingi ng awa ng Diyos.

Ayon kay Cardinal David, “Let it be our collective Miserere, our plea for mercy and renewal as a nation.”

Binigyang-tuon din ng cardinal ang mga salita mula sa Awit 51: “Create in me a clean heart, O God, and put a steadfast spirit within me.”

Bilang simbolo ng panibagong pag-asa at katapatan, iminungkahi naman ni Digos Bishop Guillermo Afable ang pagsusuot ng puting kasuotan tuwing Linggo ng Oktubre at Nobyembre, at ang paglalagay ng puting laso sa mga tahanan, simbahan, at pampublikong lugar.

Ipinaliwanag ng CBCP na ang puting kasuotan at laso ay tanda ng transparency, accountability, at mabuting pamamahala, gayundin ng panalangin na ang ating bayan ay mapanibago sa awa ng Diyos at maligtas sa karagdagang kalamidad.

“Let our white garments be a symbol of the purity we seek for our land and our hearts,” ayon kay Cardinal David.

Nanawagan ang CBCP sa lahat ng mananampalataya na gawing panahon ng pag-asa, paghihilom, at pagkakaisa ang panahong ito ng panalangin at pagsisisi, upang maibalik ang katotohanan, katarungan, at kapayapaan sa lipunan.

“Let us beg the Lord to renew our nation, and make us instruments of justice and peace,” ayon pa sa Cardinal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 64,403 total views

 64,403 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 139,017 total views

 139,017 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 219,096 total views

 219,096 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 262,235 total views

 262,235 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 259,454 total views

 259,454 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top