Public apology ng MPIO, tinanggap ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,894 total views

Tinanggap na ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Santa Ana, Maynila ang paghingi ng paumanhin at paglilinaw na inilabas ng Manila Public Information Office (MPIO) kaugnay ng usaping hinggil sa heritage site ng Simbahan.

Sa opisyal na pahayag ng Dambana, sinabi nitong malugod na tinatanggap ng Simbahan ang paghingi ng paumanhin ng tanggapan ng pampublikong impormasyon ng Lungsod ng Maynila, subalit hinikayat ang tanggapan na maging higit na maingat sa mga susunod nitong pahayag upang hindi magdulot ng kalituhan sa publiko.

Ayon sa dambana may pananagutan ang nasabing tanggapan sa mga mamamayan ng Maynila bilang kumakatawan sa Alkalde kaya naman mahalagang maging makatotoohan ang mga isinasapubliko nitong impormasyon.

“We welcome the apology and clarification issued by the Manila Public Information Office. To move forward, we urge the Manila Public Information Office to exercise greater care in its future communications. The office is accountable to the people of Manila and represents the Mayor, making accuracy paramount.” Bahagi ng pahayag ng pamunuan ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Santa Ana, Maynila.

Nilinaw din ng dambana na bagamat hindi bahagi ng church complex ang Plaza Calderon na planong isaayos ng lokal na pamahalaan ay suportado naman ito ng Simbahan bilang pagpapaunlad sa nasabing lugar at bilang bahagi ng mas malawak na hakbang sa pagpapanatili ng makasaysayang katangian ng lugar ng Santa Ana.

“While Plaza Calderon is not part of the church complex, we look forward to its future development. This will enhance the historicity of the Santa Ana district, especially since the area was declared a Histo-Cultural Heritage Overlay Zone by the City Government of Manila in 2011.” Dagdag pa ng pamunuan ng dambana.

Sa kabila naman ng suporta ng dambana sa mga plano ng Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso para sa lungsod ng Maynila ay muling nanawagan ang pamunuan ng National Shrine of Our Lady of the Abandoned na pangalagaan ang mga pamanang kultural sa Santa Ana, kabilang na ang pagtugon sa usaping inihain ng mga parishioners at pamunuan ng Simbahan hinggil sa isyu ng Suntrust Ascentia sa lugar.

“Furthermore, we support the Mayor’s commitment to heritage preservation in Santa Ana and look forward to the resolution of the concerns raised by the parishioners and church administration regarding the Suntrust Ascentia issue,” Ayon pa sa dambana.

Samantala muli namang nanawagan ang pamunuan ng dambana sa publiko na maging taga-pangalaga ng pamana at samantalahin ang pagkakataon upang patatagin pa ang sama-samang paninindigan para sa pangangalaga ng kasaysayan at pananampalataya ng komunidad ng Santa Ana.

“Let this be a humbling moment for us all to renew our commitment to preserve and conserve our heritage, particularly our church which stood for more than 300 years,” pagtatapos ng pahayag.

Ang National Shrine of Our Lady of the Abandoned ay isa sa pinakamatandang Simbahan sa Maynila na nagsilbing saksi sa mahigit tatlong siglong kasaysayan ng pananampalataya ng mga taga-Santa Ana at ng buong lungsod ng Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 69,212 total views

 69,212 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 143,826 total views

 143,826 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 223,905 total views

 223,905 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 267,044 total views

 267,044 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 263,919 total views

 263,919 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top