SOAP project, inilunsad ng PJPS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,385 total reads

Muling inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ang taunang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty o S.O.A.P Project bilang bahagi ng paggunita sa 38th Prison Awareness Sunday sa darating na Oktubre 26, 2025.

Layuning maipamahagi ang higit 34,000 piraso ng sabon at pain relief ointment para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL) ng New Bilibid Prison at Correctional Institution for Women.

Nasaaad sa official Facebook page at website ng Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) na pinamumunuan ni executive director ni Rev. Fr. Firmo “Jun-G” Bargayo, SJ sng mga simpleng handog ay nagsisilbing tanda ng pag-aaruga at malasakit na nagbibigay saysay at pag-asa sa mga PDLs na kadalasang naisasantabi sa lipunan.

Ayon sa PJPS, ang proyekto ay isang kongkretong paraan ng pagpapakita ng awa ng Diyos sa mga PDLs na isa ring paalala na sila ay hindi nalilimutan at patuloy na bahagi ng komunidad ng pananampalataya.

Hinihikayat ng organisasyon ang mga mananampalataya na makibahagi sa inisyatibo ito sa pamamagitan ng tulong pinansyal o donasyon.

“One way to live out this mission is through S.O.A.P. – Simple Offering of Affection to PDLs, a project of the Philippine Jesuit Prison Service Foundation. SOAP aims to provide over 34,000 Persons Deprived of Liberty in the New Bilibid Prison and the Correctional Institution for Women with a bar of bath soap and pain relief ointment—small tokens of care that carry great meaning.” Bahagi ng paanyaya ng PJPS.

Nananawagan rin ang PJPS sa mga mananampalataya na makiisa sa paglalakbay ng awa, pag-ibig, at pag-asa para sa mga PDL.

Sa temang “Our Merciful God Proclaims Hope for Us Sinners and Restores the Dignity of Persons Deprived of Liberty!”, binibigyang-diin ng PJPS ang panawagan ng Simbahan na maging kasangkapan ng awa at pagpapanumbalik ng dangal ng bawat taong nakakulong.

“As we prepare to celebrate the 38th Prison Awareness Sunday on October 26, 2025, we are invited to walk with our brothers and sisters deprived of liberty with compassion and love. This year’s theme, “Our Merciful God Proclaims Hope for Us Sinners and Restores the Dignity of Persons Deprived of Liberty!”, calls us to be instruments of mercy and restoration.” Dagdag pa ng PJPS.

Ang taon-taong paggunita ng Prison Awareness Week ay naglalayong pukawin ang damdamin ng mga mamamayan na bigyang pansin ang kalagayan ng mga PDLs sa buong bansa, at isang pagkakataon din upang maipaalala ng Simbahan sa bawat isa na ipanalangin ang kapakanan, pagbabago at pagbabalik-loob ng mga PDLs sa buong bansa.

Ang Philippine Jesuit Prison Service (PJPS) ay ang socio-pastoral apostolate ng Society of Jesus (Philippine Province) na nagkakaloob ng iba’t ibang mga serbisyo at programa tulad ng holistic rehabilitation sa mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 14,219 total reads

 14,219 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 48,944 total reads

 48,944 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 85,426 total reads

 85,426 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 103,638 total reads

 103,638 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 187,231 total reads

 187,231 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top