Pandaraya sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 86,395 total views

Mga Kapanalig, lahat tayo’y nagulantang at nadismaya sa eskandalong bumabalot sa flood control projects ng DPWH. Ang pera kasing galing sa taumbayan—perang dapat ginamit para sa proteksyon laban sa baha—ay mistulang inanod ng korapsyon. Kaya nakagugulat pa ba kung may matuklasan pang anomalya sa ibang proyekto ng DPWH? 

Lumutang sa budget hearing para sa panukalang pondo ng Department of Agriculture (o DA) na overpriced ang 1,653 farm-to-market roads na itinayo ng DPWH noong 2023 at 2024. Nagkakahalaga ang mga ito ng 10.3 bilyong piso. Paano naging overpriced ang mga ito? Sa halip na kinse mil lamang ang presyo ng bawat metro kuwadrado ng lupa, pinresyuhan ito ng trenta mil.

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chair ng kumite na sumusuri sa DA budget, pwede nang makapagpatayo ng halos 700 kilometrong kalsada gamit ang labis na halagang ito. Sapat na ito para sa isang road network na mag-uugnay sa buong Luzon. May 80 overpriced farm-to-market roads sa Bicol na nagkakahalaga ng 1.7 bilyong piso, at 33 naman sa Eastern Visayas na umabot sa 791 milyong piso. Sa Tacloban City, halimbawa, 100 milyong piso ang budget para sa 287 metrong kalsada pero hindi naman matunton ang contractor na nakasungkit ng proyektong iyon.

Nadadawit sa isyung ito si Zaldy Co, dating Ako Bicol party-list representative. Isa kasi ang Hi-Tone Construction and Development Corporation, na pag-aari ng kapatid niyang si Christopher Co, sa top 3 contractors ng farm-to-market road projects. Noong 2024, ang Hi-Tone ay nakakuha ng mga kontratang nagkakahalaga ng 221.8 milyon piso. Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Bicol na natuklasang may pinakamaraming overpriced farm-to-market roads.

Pamilyar ba ang pangalan ng kongresista at ng contractor? Kung inyong matatandaan, isa ang Hi-Tone sa top 15 firms na nakakuha ng malalaking flood control projects ng DPWH. 

Dahil sa rebelasyong ito, nagdesisyon ang DA na akuin ang pamamahala ng mga farm-to-market road projects. Isasalang naman ang mga ito sa susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, ayon sa acting chairman nito na si Senador Erwin Tulfo.

Ang mga farm-to-market roads ay dapat mga tulay ng kabuhayan, mga daan upang mas madaling maihatid ang ani ng mga magsasaka sa mga pamilihan. Ngunit kung ang pondong nakalaan dito ay nilalamon ng korapsyon, sino ang talo? Talo ang mga magsasakang umaasa sa tulong ng gobyerno! Talo ang mga magsasakang hindi lang lubog sa putik ng kanilang sakahan, lubog din sila sa putik ng kahirapan.

Sabi nga sa Catholic social teaching na Laborem Exercens, ang pagtatrabaho ay pakikibahagi ng tao sa pag-unlad ng nilikha ng Diyos. Nagbibigay din ito ng tunay na kaganapan sa tao. Ngunit paano mararamdaman ng mga magsasaka ang kaganapang ito kung kinakamkam ng katiwalian ang bunga ng kanilang pawis? Kapag ang pondong para sa kanila ay napupunta sa bulsa ng mga tiwali, hindi lang pera at proyekto ang ninanakaw sa mga magsasaka. Ninanakawan din sila ng pag-asa.

Ang katiwalian ay hindi lamang isyung pampulitika. Isa itong isyung morál. Sabi nga sa Lucas 16:10, “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay.” Kung sa mga proyektong para sa mahihirap ay may pandaraya na, anong maasahan natin sa mas malalaking usapin ng katarungan? 

Kaya mga Kapanalig, dapat panagutin ang mga sangkot sa maanomalyang farm-to-market roads. Kung ang daan patungo sa mga pamilihan ay puno ng putik ng korapsyon, paano kaya tayo makakaahon? Kung magtatayo ng mga kalsada, dapat tumungo ang mga ito sa kaunlaran ng mga magsasaka, hindi sa bulsa ng mga kurakot. Ang daan patungo sa katarungan ay ang daang punô ng katapatan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 76,155 total views

 76,155 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 150,769 total views

 150,769 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 230,848 total views

 230,848 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 273,987 total views

 273,987 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 270,400 total views

 270,400 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 76,156 total views

 76,156 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 150,770 total views

 150,770 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 230,849 total views

 230,849 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 273,988 total views

 273,988 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top