Manggagawa, talo sa “the end” ng ENDO.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,258 total views

Hindi pa rin mapapaunlad ng nilagdaang Department Order 174 ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III ang buhay ng mga manggagawa.

Ito ang paninindigan ni Mr. Alan Tanusay – Advocacy and Policy Officer ng Associated Labor Union – Trade Union Congress Philippines at Spokesperson ng NAGKAISA Labor Coalition sa nilalaman ng nilagdaang DO-174 ng Kalihim na nagbabawal sa labor contracting at subcontracting o ENDO.

Giit ni Tanusay, tanging ang mga man-power service provider at man-power cooperative lamang ang makikinabang sa naturang polisiya na magpapahintulot sa patuloy na uri ng contractual walk ng mga manggagawa dahilan upang manatiling lugmok sa kahirapan ang mga manggagawa.

“Pinili ni Secretary Bello na i-interpret yung batas in favor of the capitalist, pabor sa mga man-power service providers at mga man-power cooperative, ito pong Department Order 174 ay magti-trigger po ito ng raise to the bottom para sa mga manggagawa, oo nga at ina-address nito yung ENDO, ina-address nito yung 555 ngunit ina-allow naman nito yung contractual walk sa pamamagitan ng man-power service provider at man-power cooperative na lalong magpapasadlak sa kahirapan ng contractual workers”.pahayag ni Tanusay sa panayam sa Radio Veritas.

Giit ni Tanusay, maituturing na Win-Win Solution ang naturang polisiya para sa mga employers at mga man-power service providers habang nananatiling talo at kaawa-awa ang sitwasyon ng mga manggagawa na tanging matatali lamang sa mga contractor na nagsisilbing middle-man ng mga employer at mga manggagawa.

“Win-Win Solution para sa mga employers at mga man-power service providers pero Lose-Lose po rito ang mga manggagawa dahil nakatali sila doon sa contractor, doon sa middle-man, doon sa mga kooperatiba…” Dagdag pa ni Mr. Alan Tanusay.

Paliwanag ni Tanusay, binibigyan laya lamang ng DO-174 ang mga kumpanya at employer na makatipid sa labor cost sa pamamagitan ng pagpapasa ng kanilang responsibilidad sa mga labor agency at mga kooperatiba.

Sa Social Doctrine of the Church bagamat pabor ang Simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, subalit kailangan ang kitang ito ay nakakamit nang hindi nabibigatan at ganap na naibabahagi sa mga kawani ang kanilang mga pinaghirapan.

Ayon nga kay Pope Francis, isa sa pangunahing karapatan ng isang tao sa lipunan ang pagkakaroon ng isang marangal na trabaho na may karampatan sahod at benepisyo para sa kanilang paggawa upang maitaguyod ang kanilang pamilaya.

Batay sa pinakahuling tala ng Philippine Association of Legitimate Service Contractors, Inc. o (PALSCON), nasa 850,000 na ang mga manggagawang kontraktwal sa buong bansa noong taong 2016.(Reyn Letran/Newsteam)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 22,007 total views

 22,007 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 45,159 total views

 45,159 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 115,273 total views

 115,273 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 189,887 total views

 189,887 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 268,387 total views

 268,387 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top