Teritoryo ng Pilipinas, isa-isang inaangkin dahil sa mahinang Maritime security.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total reads

Teritoryo ng Pilipinas, isa-isang inaangkin dahil sa mahinang Maritime security.

Napapanahon na upang palakasin ang kapasidad ng bansa sa Maritime security at Maritime domain awareness sa gitna ng umiinit na usaping pang-soberenya na kinahaharap ng bansa.

Ito ang apela ni Department of Foreign Affairs Spokesperson Charles Jose sa mga mambabatas kasunod ng panibagong tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng Benham Rise.

Ayon sa kalihim, mahalagang palakasin ng Pilipinas ang puwersa nito upang masusing mabantayan ang mga teritoryong pagmamay-ari ng bansa sa bahagi ng West Philippines Sea o South China Sea at maging sa bahagi ng Pacific Ocean.

“napakaimportante po na talagang palakasin natin ang ating capability for maritime security and maritime domain awareness para alam po natin kung ano ang nangyayari both side, sa South China Sea at doon din sa Pacific Ocean…”pahayag ni Jose sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Jose, isang mahalagang aspekto sa Soberenya ng bansa ang pagtiyak sa maritime defense and security lalo na sa isang arkipelagong bansa tulad ng Pilipinas.

“Siguro po dapat pong pagtuunan ng pansin yan ng ating mga legislators, ng ating executive branch para po sa ganun mabigyan ng corresponding attention itong napakahalagang aspekto ng ating national life, itong ating defense including yung maritime defense and security…” Ani USec. Jose.

Ang Benham Rise ay nasa Karagatang Pasipiko na may 200-kilometro ang layo mula sa lalawigan ng Aurora, table mountain o talampas sa ilalim ng karagatan na may lawak na 13-milyong ektarya.

Noong 2012 idineklara ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf na ang Benham Rise ay sakop ng Pilipinas.

Sa kabila nito, iginiit ng China na hindi maaaring angkinin ng Pilipinas ang Benham Rise at binigyang diin na kabilang rin sa 200-nautical mile exclusive economic zone ng Beijing ang Benham Rise.

Gayunpaman nanindigan na rin ang Malacañang na ang claim ng Pilipinas sa Benham Rise ay suportado ng Article 77 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kayat’ responsibilidad ng bansa na i-regulate ang mga bansang dumadaan sa nasabing lugar.

Nasasaad sa Catholic Social Teaching na kailangang pairalin sa anumang “foreign agreement” ang Principle of Moral Dignity, Economic Justice at pagrespeto sa kalayaan ng isang bansa.

Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco, una ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na hindi kailanman makakamit ang kapayapaan at pagkakaisa sa pamamagitan ng armas kundi sa isang payapang dayalogo sa pagitan ng magkabilang panig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 29,863 total reads

 29,863 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 67,901 total reads

 67,901 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 103,200 total reads

 103,200 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 329,470 total reads

 329,470 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 221,016 total reads

 221,016 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top