203 total views
Inilarawan ni University of the Philippines Political Science Professor Clarita Carlos na “broken” ang political party system ng mga partido sa Pilipinas.
Inihayag ni Prof. Carlos na ito ang dahilan kaya hindi nabibigyan ng kauukulang disiplina ang mga miyembro ng partido at madaling pagtalikod o paglipat ng kanilang miyembro sa ibang partido.
“The political parties are mainly just labels, patalun-talon, you change your color tomorrow, so what is happening right now, “defacto” meaning on the ground is that Alvarez is really invoking a particular party line, itong mga heads ng committees na ito, they got this committee chairmanship mainly because siguro they promised to Alvarez that they are going to adhere to the philosophy that govern the administration.”Pahayag ni Carlos
Ayon kay Carlos, ito rin marahil ang naging batayan ni House Speaker Pantaleon Alvarez upang tanggalan ng chairmanship, maging ang mga kaalyado nitong Kongresista.
Aniya, maaaring nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ni Alvarez at ng ibang kongresista na kung boboto ito ng “YES” sa Death Penalty ay mabibigyan ito ng pabor o posisyon sa loob ng kongreso.
“Siguro tama si Alvarez, I am not condoning what happened I’m simply saying that it’s speaker Alvarez doing real politics.” Dagdag pa ni Prof. Carlos.
Matatandaang itinuloy na ng liderato ng Kamara ang balasahan sa mga miyembro nito kung saan 10 kongresista ang tinanggalan ng committee chairmanship at si dating Pangulo at ngayo’y Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo ay sinibak naman bilang House Deputy Speaker.
Magugunitang tinawag na “angels of life” ni CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman Balanga Bishop Ruperto Santos ang 54-kongresista na bumoto ng NO sa parusang kamatayan.