Katarungan para sa mga biktima ni Quiboloy, panawagan ng CMSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,603 total views

Nagkaisa ang mga Mission Partners ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) sa pananawagan ng katarungan para sa mga biktima ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy.

Suportado ng CMSP Mission Partners ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa pangunguna ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ni Quiboloy.

“We the Mission Partners (MPs) of the Conference of Major Superiors in the Philippines declare our unequiivocal support to the ongoing investigation by the Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality chaired by Senator Risa Hontiveros into the alleged criminal acts of Pastor Apollo Quiboloy and his Kingdom Of Jesus Christ (KOJC).” Bahagi ng pahayag ng Mission Partners ng CMSP.

Nanindigan ang mission partners ng CMSP na hindi dapat maisantabi ang katotohanan at katarungan ng anumang koneksyon at relasyon sa mga nasa posisyon o katungkulan sa pamahalaan.

Iginiit ng organisasyon na hindi katanggap-tanggap ang pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga kababaihan at mga kabataan ng sinuman.

“Truth and justice must not fall victim to friendships and powerful connections. Violence against women and children cannot be cloaked by the mantle of ‘Appointed Son of God’.” Dagdag pa ng mga Mission Partners ng CMSP.

Kabilang sa mga Mission Partners ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang Franciscan Sisters of the Immaculate Conception, Missionary Society of St. Columban Philippines, Rural Missionaries of the Philippines, Task Force Detainees of the Philippines, Task Force on Urban Conscientization, Task Force for the Orientation of Church Personnel, Urban Missionaries, Office of Women & Gender Concerns, at Center for Migrant Concerns.

Unang nagpahayag ng pagkadismaya ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pagpanig at tila pagsuporta ng ilang mga senador kay Quiboloy na nahaharap sa iba’t ibang kaso ng pang-aabuso at kabilang din sa mga “wanted persons” ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa patung-patong na kaso ng human at sex trafficking ng mga kababaihan at menor de edad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 8,659 total views

 8,659 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 36,664 total views

 36,664 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 54,464 total views

 54,464 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 54,094 total views

 54,094 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 166,096 total views

 166,096 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 15,519 total views

 15,519 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top