Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 114,031 total reads

Ang kamusmusan ng tao ay panandalian lamang – maikling panahon lamang ito sa kabuuan ng buhay ng tao. Dapat, sa ganitong edad, ang bata ay inaalagaan, ginagabayan, at tinuturuan. Inihahanda para sa magandang kinabukasan.

Kaya lamang kapanalig, sa ating bansa, maraming mga bata, sa halip na na-eenjoy ang kanilang pagkabata, ay nae-expose na sa buhay mag-asawa, sa buhay bilang ina. Ang ating bayan ay isa na sa mga bansa sa ASEAN kung saan mataas ang bilang ng teenage pregnancy, partikular na sa mga batang edad 15 pababa. Ayon sa Commission on Population and Development, tumaas ng 35% ang pregnancy sa ganitong edad sa ating bayan mula 2021 hanggang 2022.

Nakaka-alarma ang trend na ito, kapanalig, at dapat lamang bigyan ng tutok na atensyon hindi lamang ng pamahalaan, kundi ng pamilyang Filipino. Ang age of consent sa ating bayan ay 16. Wala pang muwang ang mga bata sa ganitong edad. Pero bakit nangyayari ito sa ating mga kabataan? Bakit nga ba kahit na nadeklara na ng 2019 na isang national social emergency ang teenage pregnancy sa bayan ay patuloy pa ring nangyayari ito?

Kailangan nating maging vigilant sa pagtitiyak na ang ating mga kabataan ay nasa tamang daan. Ang laki ng epekto ng teenage pregnancy sa katawan at kinabukasan ng bata.

Unang una, napakaraming komplikasyon ng maagang pagbubuntis sa kalusugan ng ina at ng kanyang supling. Hindi pa fully developed ang katawan ng teenager, at dahil sa teenage pregnancy, malapit sila mga health risks gaya ng preeclampsia, anemia, premature delivery, malnutrition, pati mga STDs. Malaki rin ang epekto ng teenage pregnancy sa mental health. Ang kumpiyansa o self confidence ng ina ay naapektuhan, nababagabag sila ng pag-alala para sa kanilang kinabukasan pati ng kanilang isisilang na anak. Marami rin sa kanila ang nahihiya at nagu-guilty, o nagagalit sa kanilang sitwasyon, na nagdudulot ng kalungkutan, depresyon, at anxiety sa kanilang hanay.

Marami rin sa ating mga teenage parents ay hindi na nakakatapos ng pag-aaral. Marami kahit high school, hirap pa nilang matapos. Ang kakulangan sa edukasyon ay naglilimita ng kanilang oportunidad para sa mas maginhawang buhay. Nagsisimula ito o nagpapatuloy ng cycle of poverty sa kanilang henerasyon.

Kapanalig, kailangan matugunan ng ating lipunan ang problemang ito. Maraming mga factors  o salik kung bakit nangyayari ito gaya ng kakulangan sa kaalaman at edukasyon ukol sa reproductive health, at kakulangan ng gabay mula sa pamilya at iba pa. Isa sa mga first line of defense dito ay ang improved parental skills ng magulang – dapat sila ay magbigay ng oras at panahon sa pagtuturo at pag-gabay sa kanilang anak. Ang mga anak ang rason ng magulang sa pagtatrabaho at pag-kayod sa araw. Mawawalan ng halaga ang lahat ng pinagpaguran kung pababayaan din lamang ang bata na nag-iisa, at walang gabay sa mahahalagang desisyon sa kanilang buhay. At tayo, bilang kristiyanong lipunan, ay dapat suportahan ang mga pamilya. Sabi  nga sa Communities of  Salt and Light ng US Bishops: The most challenging work for justice is not done in church committees, but in the secular world of work, family life, and citizenship.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 50,096 total reads

 50,096 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,874 total reads

 146,874 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,143 total reads

 191,143 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,252 total reads

 214,252 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 287,189 total reads

 287,189 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 50,097 total reads

 50,097 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 146,875 total reads

 146,875 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 191,144 total reads

 191,144 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 214,253 total reads

 214,253 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top