Naiwang mahal sa buhay ng mga nasawi sa war on drugs, binigyang pagkilala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,818 total views

Binigyang pagkilala ni Arnold Janssen Kalinga Foundation Program Paghilom field coordinator Randy Delos Santos ang mga ina, asawa, at anak ng mga biktima ng marahas na War on Drugs noong nakalipas na administrasyong Duterte.

Kasabay ng paggunita sa Buwan ng mga Kababaihan ngayong Marso ay binigyan pagkilala ni Delos Santos ang mga kababaihan na patuloy sa paghahanap ng katarungan sa sinapit na karahasan ng mga mahal sa buhay.

Ayon kay Delos Santos na siya ring tiyuhin ni Kian Loyd Delos Santos na biktima ng pagpaslang sa ilalim ng War on Drugs noong 2017, mahalaga ang patuloy na pagtindig at paninindigan ng mga kaanak ng mga biktima ng karahasan upang makamit ang katarungan at mapanagot ang mga nasa likod ng malawakang pagpaslang sa mga hinihinalang sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.

Unang una nais ko silang bigyan ng komendasyon, yung mga nanay na mga naiwan ng mga naging biktima nitong EJK o yung nakaraang administrasyon na giyera kontra droga. Maraming salamat sa kanilang pagtindig at patuloy na pag-asam ng katarungan, nawa sa araw o buwan na ito ng pagkilala sa kanila ay magkaroon sana ng katarungan para sa kanila, para sa aming mga biktima partikular na dahil lahat naman kami ay naging biktima dito. Sana ay loobin ng Diyos na mangyari na sa hinaharap ang [pagkakaroon ng katarungan sa mga biktima].” Bahagi ng pahayag ni Delos Santos.

Ibinahagi naman ni Delos Santos ang pag-asang pinanghahawakan ng kapamilya ng mga biktima ng War on Drugs dahil sa patuloy na paninindigan ng International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang marahas na implementasyon ng laban kontra illegal na droga ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Tiwala si Delos Santos na hindi panghinaan ng loob ang mga kapamilya na naulila ng karahasan na isulong ang pagpapanagot sa lahat ng mga nasa likod ng marahas na War on Drugs sa bansa.

Natutuwa kami dahil ang ICC ay nagbigay ng kanilang pansin pa din upang tingnan ang bagay na ito dito sa atin sa Pilipinas, sana ay huwag silang panghinaan ng loob, patuloy na kumapit sa ating Panginoon at alam natin na darating ang panahon na maglalaan ang Diyos ng kanyang espiritu upang patuloy silang gabayan at yun nga yung pag-asa sa katarungan na sana ay makamit na ng mga pamilyang ito at salamat sa kanilang pagtindig, patuloy na pagtayo at pagpapakita ng mabuting halimbawa.” Dagdag pa ni Delos Santos.

Taong 2016 ng sinimulan ni Rev. Fr. Flavie Villanueva ang “Paghilom Program” ng Arnold Janssen Kalinga Foundation upang makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa War on Drugs ng administrasyong Duterte.

Tema ng Women’s Month Celebration ang “WE for gender equality and inclusive society,” na paksang inilunsad para sa buwan ng mga kababaihan noong 2023 na may partikular na tema ngayong taong 2024 na “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababaihan, Patutunayan!” na naglalayong higit na maisulong ang patas na pagtingin at pagtanggap sa mga kababaihan at kanilang mga pambihirang kakayahan sa lipunan na kadalasang naisasantabi at naipagsasawalang bahala dahil sa kanilang kasarian.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 52,478 total views

 52,478 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 48,347 total views

 48,347 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 84,549 total views

 84,549 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 93,112 total views

 93,112 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 118,015 total views

 118,015 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top