Linggo, Pebrero 1, 2026

SHARE THE TRUTH

 3,033 total reads

Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Sofonias 2, 3; 3, 12-13
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

1 Corinto 1, 26-31
Mateo 5, 1-12a

Fourth Sunday in Ordinary Time (Green)

Pro-Life Sunday
Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking

UNANG PAGBASA
Sofonias 2, 3; 3, 12-13

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Sofonias

Hanapin ninyo ang Poon, kayong mapagpakumbaba,
kayong gumaganap ng kanyang kautusan;
hanapin ninyo ang katwiran at iyon ang inyong gawin,
baka sakaling kayo’y patawarin at iligtas sa araw ng kanyang poot.
At ang iiwan ko roon ay mga taong mapagpakumbaba,
na lalapit sa akin upang pasaklolo.
Ang natira sa Israel ay hindi na gagawa ng kasamaan
at hindi magsisinungaling ni mandaraya man.
Uunlad ang kanilang buhay at magiging panatag
at wala silang katatakutan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 145, 7. 8-9a. 9bk-10

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

o kaya: Aleluya.

Ang maaasahang lagi’y Panginoon,
panig sa naaapi, ang Diyos na hukom,
may pagkaing handa, sa nangagugutom.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Pinalaya niya ang mga nabihag;
isinasauli, paningin ng bulag;
lahat ng inapo ay itinataas,
ang mga hinirang niya’y nililingap.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Isinasanggalang ang mga dayuhang
sa lupain nila’y doon tumatahan;
tumutulong siya sa balo’t ulila,
masamang balangkas pinipigil niya.

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

Walang hanggang Hari, ang Diyos na Poon!
Nabubuhay lagi ang Diyos mo, Sion!

Mga aba ay mapalad,
D’yos ang hari nilang lahat.

IKALAWANG PAGBASA
1 Corinto 1, 26-31

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, alalahanin ninyo ang inyong katayuan nang kayo’y tawagin ng Diyos. Iilan lamang sa inyo ang sa paningin ng sanlibutan ay marunong, makapangyarihan at maharlika. Subalit pinili ng Diyos ang sa palagay ng sanlibutan ay kahangalan upang hiyain ang marurunong, at ang mahihina sa turing ng sanlibutan upang hiyain ang malalakas. Pinili niya ang mga itinuturing na hamak, walang halaga, at walang kabuluhan sa sanlibutang ito upang pawalang-halaga ang itinuturing na dakila ng sanlibutan. Kaya’t walang maaaring magmalaki sa harapan ng Diyos. Sa kanya mula ang ating pakikipag-isa kay Kristo Hesus, na ginawang karunungan natin. Sa pamamagitan niya, tayo’y pinawalang-sala ng Diyos, pinapaging-banal at iniligtas. Kaya nga, tulad ng nasasabi sa Kasulatan, “Ang Panginoon ang dapat ipagmalaki ng may ibig magmalaki.”

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA
Mateo 5, 12a

Aleluya! Aleluya!
Magdiwang kayo’t magsaya,
sa langit ay liligaya,
gagantimpalaan t’wina.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 5, 1-12a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nang makita ni Hesus ang napakaraming tao, umahon siya sa bundok. Pagkaupo niya’y lumapit ang kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan niya ng ganito:
“Mapalad ang mga aba na wala nang inaasahan kundi ang Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad ang mga nahahapis, sapagkat aaliwin sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat tatamuhin nila ang ipinangako ng Diyos.”
“Mapalad ang mga nagmimithing makatupad sa kalooban ng Diyos, sapagkat ipagkakaloob sa kanila ang kanilang minimithi.”
“Mapalad ang mga mahabagin, sapagkat kahahabagan sila ng Diyos.”
“Mapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.”
“Mapalad ang mga gumagawa ng daan sa ikapagkakasundo, sapagkat sila’y ituturing ng Diyos na mga anak niya.”
“Mapalad ang mga pinag-uusig dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat makakasama sila sa kanyang kaharian.”
“Mapalad kayo kapag dahil sa aki’y inaalimura kayo ng mga tao, pinag-uusig at pinagwiwikaan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan. Magdiwang kayo at magalak, sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-4 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A)

Tinitiyak ni Hesus na inaalagaan ng Diyos ang mga mapagpakumbaba at kanyang pinaghaharian ang namumuhay ayon sa “Mapapalad.” Idalangin nating maging tapat tayo rito:

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa ang Simbahan, sa gabay ng kanyang mga pinuno, ay pahalagahan ang pagtatangi sa moral at espirituwal kaysa sa pagkahilig sa kayamanang materyal.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa ang mga nagdurusa para sa katarungan ay makatagpo ng lakas ng loob at kagalakan sa mga pamayanang Kristiyano.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa ang mga nagtataguyod ng kapayapaan ay huwag panghinaan ng loob kahit mahirap ang kanilang ginagawa.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Nawa pahalagahan nating lahat ang Salita ng Diyos sa pamamamagitan ng pagbabasa’t pagsasabuhay nito.

Panginoon, pakinggan Mo kami.

Panginoong Hesus, Ikaw ang huwaran ng mga “Mapapalad.” Gabayan Mo kami sa pagsasabuhay ng mga ito hanggang makarating kami sa iyong Kaharian magpakailanman. Amen.

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,763 total reads

Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure Program o national budget, nagbubunyi ang mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, at Mataas na Kapulungan o Senado. Bakit, dahil sa pork barrel funds na naunang idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema noong November 19, 2023 matapos mabunyag ang multi-bilyonng pisong Priority Development Assistance Fund na kinasasangkutan ng mga Senador at Kongresista.

Ang mga sangkot noon na mambabatas ay nakalaya at pinawalang sala. Matapos ang PDAF scam, tuloy ang ligaya ng mga mambabatas, pinapalitan lamang ito ng ibang pangalan kada taon kapag tinatalakay ang national budget sa Kamara at Senado bago lagdaang batas ng pangulo ng Pilipinas ang General Appropriations Act.

Noong nakaraang taon, nabunyag ang mahigit sa 500-bilyong pisong flood control projects scam na nakalagay bilang unprogrammed appropriations na pinalusot ng Kongreso. 5-Senador, maraming kongresista, kanilang mga kakutsaba sa DPWH, at mga kontraktor ang dawit sa katiwalian.

Bakit taon-taon, pinagpipiyestahan ng mga mambabatas, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan ang pondo ng bayan, ang pera ng taumbayan? Paano, walang napaparusahan, walang system of accountability sa gobyerno. Nagpapatuloy ang katakawan ng mga taong gobyerno at wala ni isa man sa kanila ang maipakukulong, kawawa ang bansa. Lalong maghihirap ang karamihann sa mga Pilipino. Wala nang aasahan sapagkat ang perang para sana sa pagpapaunlad ng bayan ay dinambong na.

Nakakalungkot, ipinahayag ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang dagdag na ₱449.5 bilyon sa unprogrammed appropriations sa 2024 national budget, gayundin ang ₱17.99 bilyong dagdag sa Special Road Fund ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa 2025 budget.

Ipinawalang-bisa rin ng Kataas-taasang Hukuman ang ilang probisyon tungkol sa unprogrammed appropriations sa 2026 national budget dahil sa hindi pagsunod ng mga mambabatas sa rekisito ng Konstitusyon at pananggalang sa wastong pamamahala sa pondo ng bayan.

Ngunit huli na Kapanalig, wala ding mapaparusahan sa mga mambabatas na itinago ang pagkakakitaan sa pamamagitan ng unprogrammed appropriations. Sino-sino ang hahabulin, sino-sino ang dapat managot sa katakawan sap era ng taumbayan?

Pagkatapos ng deklarasyon ng Korte Suprema? Ano ang kasunod? Balik na naman sa dating gawi ang ating mga mambabatas, magagaling sa pagnanakaw!

Kapanalig, mahalagang pagnilayan ang sinasabi ng Corinthians 5:10 “For we must all appear before the judgment seat of Christ, so that each of us may receive what is due for us, for the things done while in the body, whether good or bad.”

Ipinapayo din ng Luke 19:5 “Come down from your arrogance and greed. Choose conversion, make restitution, and repair the damage you have caused. There can be no true peace without justice, and no justice without repentance.

Ang problema, kung wala nang konsensiya ang mga opisyal ng bayan., dumidilim ang kinabukasan ng taumbayan at ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

A REFRESHING WIND OF CHANGE FROM SERBIA

 4,804 total reads

Amid the wave of student protests sweeping across Europe, some of which have unfortunately turned violent, I find this story from Serbia particularly refreshing.

In an October 21 opinion article in The New York Times, Serbian scholar Filip Balunović describes how a student protest movement that began almost two years ago has grown into a remarkable experiment in participatory democracy.

It began with a tragedy in November 2024, when the collapse of a railway station canopy in Novi Sad killed 16 people. The students demanded accountability for what they believed was a disaster caused by corruption and government negligence. Their protests grew into a nationwide movement challenging the government of President Aleksandar Vučić, whose party has dominated Serbian politics for 14 years.

But what is particularly inspiring is how these young people have moved beyond protesting against something to organizing themselves for something.

Instead of rallying behind a charismatic political personality, they developed a system of collective leadership and democratic decision-making. Through consultations, interviews, and deliberations involving thousands of students, they selected a slate of 250 parliamentary candidates—not merely politicians, but professors, scientists, doctors, workers, artists, and ordinary citizens.

And now, in the snap parliamentary elections this coming Sunday, October 25, this student-led movement will face the country’s entrenched political establishment.

What a fascinating David-and-Goliath story!

Of course, the outcome remains uncertain. The students themselves have suffered intimidation, arrests, and violence. But whatever happens on election day, they have already demonstrated something important: Democracy is not just about changing the people in power. It is also about changing the way power is exercised, shared, and held accountable.

I cannot help wondering what our young Filipinos might learn from this experience.

We have a generation of young people who are increasingly disillusioned with corruption, political dynasties, patronage politics, and the apparent inability of our democratic institutions to hold the powerful accountable.

But perhaps Serbia’s students are reminding us that indignation alone is not enough. Neither is merely replacing one set of political personalities with another.
What we need is a deeper renewal of our democratic culture—one that encourages participation rather than dependency, collective discernment rather than personality cults, public accountability rather than blind loyalty, and the common good rather than vested interests.

I find something profoundly hopeful in young people who refuse to surrender either to cynicism or to violence, and who are willing to undertake the patient and difficult work of building democratic institutions.

Perhaps this is the most refreshing lesson from Serbia: The young are not merely the future of democracy. They can already be among its most creative builders today.

And perhaps the real victory of David over Goliath begins long before election day—when ordinary people discover that they need not remain powerless before seemingly invincible political giants.

(Filip Balunović, ⁠The New York Times⁠, October 21, 2026⁠

INEVITABLE

 5,639 total reads

Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53

INEVITABLE

Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth on fire, and how I wish it were already blazing! There is a baptism with which I must be baptized, and how great is my anguish until it is accomplished! Do you think that I have come to establish peace on the earth? No, I tell you, but rather division. From now on a household of five will be divided, three against two and two against three; a father will be divided against his son and a son against his father, a mother against her daughter and a daughter against her mother, a mother-in-law against her daughter-in-law and a daughter-in-law against her mother-in-law.”

————

It is ironic to see religions dividing people in today’s world. Worse still, religion can cause division within a family, when it is supposed to bring love and peace to the family. But as Jesus said, he would cause division even within families. This happens when family members are baptized Christians but are merely nominal Christians. When family members do not embrace or live by the teachings of Jesus, division becomes INEVITABLE.

This is even more challenging in interfaith marriages, which, according to some studies, generally experience higher rates of divorce and lower marital satisfaction than marriages between people of the same faith. Issues such as where the children will be baptized, which schools they will attend, and other religious differences can cause unnecessary stress and friction between spouses.

How important it is for family members to be on the same page as Jesus so that the family may be healthy, united, and purposeful.

Lord Jesus, may our families be Christ-centered by listening attentively to your Word and putting it into practice, so that we may enjoy love and peace in our families. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,764 total reads

 41,764 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,926 total reads

 91,926 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,797 total reads

 139,797 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,746 total reads

 243,746 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,712 total reads

 327,712 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Linggo, Oktubre 25, 2026

 1,092 total reads

 1,092 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 2,854 total reads

 2,854 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 4,489 total reads

 4,489 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

Huwebes, Oktubre 22, 2026

 5,924 total reads

 5,924 total reads Huwebes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Pablo II, papa Efeso 3, 14-21 Salmo 32,

Read More »

Miyerkules, Oktubre 21, 2026

 7,993 total reads

 7,993 total reads Kapistahan ni San Pedro Calungsod, Martir Sirak 51, 1-12 (gr. 1-8) Salmo 123, 2-3. 4-5. 7b-8 Tayo’y ibong nakatakas nang ang bitag ay

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top