RLCNT, nagpahayag ng suporta kay evangelical Bishop Tendero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total reads

Nagpahayag ng suporta ang mga kasapi ng Religious Leaders Council for National Transformation (RLCNT) kay Evangelical Bishop Efraim Tendero sa kanyang pagiging saksi umano sa pagpirma ng isang affidavit ng 18 indibidwal na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines.

Sa nagkakaisang pahayag sinabi ng grupo na kinabibilangan ng mga lider mula sa Roman Catholic, Protestant, at Muslim faith communities na kanilang kinikilala ang mabuting hangarin ni Bishop Tendero sa ginawang pagtestigo sa boluntaryong pagpirma ng mga indibidwal sa dokumento sa harap at proseso ng notaryo.

Ayon sa RLCNT, ang ginawang hakbang ng obispo ay isang patunay lamang na kusang-loob na lumagda ang mga indibidwal sa nasabing affidavit at hindi nangangahulugan na pinatutunayan niya ang katotohanan ng mga nilalaman nito.

“We affirm Bishop Efraim Tendero, a respected servant of the Gospel, for his willingness to serve as a witness to the signing of an affidavit by 18 individuals who presented themselves as former members of the Philippine Marines. We recognize that Bishop Tendero acted in good conscience to attest only to the voluntary nature of their act of signing before a notary public, without vouching for the veracity,” Bahagi ng pahayag ng RLCNT.

Ipinahayag din ng mga lider mula sa iba’t ibang pananampalataya ang kanilang mataas na paggalang kay Bishop Tendero, na matagal nang kilala sa kanyang integridad at paglilingkod sa mas malawak na komunidad ng mga Kristiyano sa loob at labas ng bansa.

“We hold Bishop Tendero in high regard for his longstanding integrity, his commitment to truth, and his service to the broader Christian community both here and abroad. We stand with him as he faces scrutiny in this matter, trusting that his motives were pure and guided by a desire to uphold due process,” Dagdag pa ng grupo.
Kasabay nito, nanawagan din ang RLCNT sa Office of the Ombudsman na magsagawa ng patas at komprehensibong pagsusuri sa nasabing usapin upang matiyak na maisiwalat ang lahat ng konteksto at mga ebidensya kaugnay sa usapin.

“We humbly yet firmly appeal to the Honorable Office of the Ombudsman to examine this case with comprehensive fairness and impartiality,” ayon sa pahayag.

Nanawagan din ang Religious Leaders Council for National Transformation (RLCNT) sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng masusing, at pampublikong imbestigasyon hinggil sa mga pahayag ng 18 indibidwal upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na marinig ang kanilang testimonya at matukoy ang katotohanan.
Ayon sa grupo, ang mga alegasyon ay may kinalaman sa napakalaking halaga ng pondo na sinasabing umaabot sa daan-daang bilyong piso na dapat sana’y para sa kapakanan ng bansa kaya naman nararapat lamang na magkaroon ng ganap na paglilinaw at pananagutan sa nasabing usapin.

Samantala, muli namang ipinagkatiwala ng mga lider ng iba’t ibang pananampalataya sa katarungan at karunungan ng Diyos ang kasalukuyang usapin habang nananalangin na manaig ang katotohanan at mailantad ang anumang uri ng katiwalian sa kaban ng bayan.

“Litisin lahat, mula taas hanggang baba, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa pagmamahal sa bayan at sa katotohanan,” Giit ng grupo.

Kabilang sa mga lumagda sa nasabing pahayag sina Diocese of Novaliches Bishop Roberto Gaa; Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; CBCP- Episcopal Commission on Inter Religious Dialogue Chairman, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo; PCEC National Director Bishop Noel Pantonja; NCCP General Secretary Ms. Minnie Ann Mata-Calub; Diocese of Novaliches Vicar General for Pastoral Affairs, Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr.; Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSSA) President, Fr. Albert Delvo, PHD; ICPI National President Imam Ebra Moxsir; RLCNT Head National Secretariat Rev. Fr. Wilmer Joseph Tria, PHD; at NCR Grand Mufti Imam Aleem Naguib Taher

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 24,381 total reads

 24,381 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 60,894 total reads

 60,894 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 114,729 total reads

 114,729 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 177,169 total reads

 177,169 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 244,919 total reads

 244,919 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 2,275 total reads

 2,275 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top