Military sector, malaki ang ambag sa krisis ng klima-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 372 total reads

Binigyang-diin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na hindi lamang mga tao ang nagiging biktima ng digmaan kundi maging ang kalikasan na patuloy na nasisira sa gitna ng armadong tunggalian.

Ayon kay Cardinal David, habang nakatuon ang pansin ng mundo sa malagim na epekto ng digmaan sa mga sibilyan at komunidad sa Middle East, madalas namang hindi napapansin ang pinsalang dulot nito sa kapaligiran.

“Beyond the suffering of people, war also wounds the Earth itself. Forests burn. Rivers are polluted. Soil is poisoned. Wildlife habitats collapse. The land that sustains life becomes a battlefield—and long after the guns fall silent, the environmental damage often remains,” ayon kay Cardinal David.

Ipinaliwanag niya na sa tuwing nagaganap ang digmaan ay nasusunog ang mga kagubatan, nalalason ang lupa at mga ilog, at nasisira ang mga ekosistemang sumusuporta sa buhay—mga pinsalang maaaring tumagal ng maraming henerasyon kahit matapos ang labanan.

Dagdag pa ni Cardinal David, malaki rin ang ambag ng sektor ng militar sa krisis sa klima dahil tinatayang umaabot sa 5.5 porsiyento ng pandaigdigang greenhouse gas emissions ang nagmumula sa mga operasyong militar.

Binanggit din ng kardinal na ang pinsalang dulot ng digmaan sa kalikasan ay tumatagal ng henerasyon, tulad ng naranasan sa mahigit 500 nuclear explosions noong 1945 hanggang 1996, at maaaring magdulot ng madilim na kalangitan, pagkasira ng sistema ng pagkain, at gutom sa bilyon-bilyong tao.

“War, in other words, is not only a humanitarian catastrophe. It is also ecological self-destruction,” giit ni Cardinal David.

Binigyang-diin din ni Cardinal David na makikita na ang mga bakas ng pinsala sa kapaligiran sa mga makabagong digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo, kung saan nasusunog ang mga kagubatan, nasisira ang sakahan, at nalalason ang mga ilog.

Iginiit niya ang panawagan ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ na ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay nangangailangan ng pagtalikod sa karahasan at pagsusulong ng kapayapaan.

“Peace is not only a humanitarian necessity. It is also a climate imperative. To protect creation, we must learn again the ancient wisdom that the prophets never stopped proclaiming: there can be no justice, no human dignity, and no future for the Earth without peace,” ayon kay Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 12,545 total reads

 12,545 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 73,043 total reads

 73,043 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 94,709 total reads

 94,709 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 175,364 total reads

 175,364 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 276,417 total reads

 276,417 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 62,707 total reads

 62,707 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top