RLCNT, nagpahayag ng suporta kay evangelical Bishop Tendero

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 520 total reads

Nagpahayag ng suporta ang mga kasapi ng Religious Leaders Council for National Transformation (RLCNT) kay Evangelical Bishop Efraim Tendero sa kanyang pagiging saksi umano sa pagpirma ng isang affidavit ng 18 indibidwal na nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines.

Sa nagkakaisang pahayag sinabi ng grupo na kinabibilangan ng mga lider mula sa Roman Catholic, Protestant, at Muslim faith communities na kanilang kinikilala ang mabuting hangarin ni Bishop Tendero sa ginawang pagtestigo sa boluntaryong pagpirma ng mga indibidwal sa dokumento sa harap at proseso ng notaryo.

Ayon sa RLCNT, ang ginawang hakbang ng obispo ay isang patunay lamang na kusang-loob na lumagda ang mga indibidwal sa nasabing affidavit at hindi nangangahulugan na pinatutunayan niya ang katotohanan ng mga nilalaman nito.

“We affirm Bishop Efraim Tendero, a respected servant of the Gospel, for his willingness to serve as a witness to the signing of an affidavit by 18 individuals who presented themselves as former members of the Philippine Marines. We recognize that Bishop Tendero acted in good conscience to attest only to the voluntary nature of their act of signing before a notary public, without vouching for the veracity,” Bahagi ng pahayag ng RLCNT.

Ipinahayag din ng mga lider mula sa iba’t ibang pananampalataya ang kanilang mataas na paggalang kay Bishop Tendero, na matagal nang kilala sa kanyang integridad at paglilingkod sa mas malawak na komunidad ng mga Kristiyano sa loob at labas ng bansa.

“We hold Bishop Tendero in high regard for his longstanding integrity, his commitment to truth, and his service to the broader Christian community both here and abroad. We stand with him as he faces scrutiny in this matter, trusting that his motives were pure and guided by a desire to uphold due process,” Dagdag pa ng grupo.
Kasabay nito, nanawagan din ang RLCNT sa Office of the Ombudsman na magsagawa ng patas at komprehensibong pagsusuri sa nasabing usapin upang matiyak na maisiwalat ang lahat ng konteksto at mga ebidensya kaugnay sa usapin.

“We humbly yet firmly appeal to the Honorable Office of the Ombudsman to examine this case with comprehensive fairness and impartiality,” ayon sa pahayag.

Nanawagan din ang Religious Leaders Council for National Transformation (RLCNT) sa Senate Blue Ribbon Committee na magsagawa ng masusing, at pampublikong imbestigasyon hinggil sa mga pahayag ng 18 indibidwal upang mabigyan ng pagkakataon ang publiko na marinig ang kanilang testimonya at matukoy ang katotohanan.
Ayon sa grupo, ang mga alegasyon ay may kinalaman sa napakalaking halaga ng pondo na sinasabing umaabot sa daan-daang bilyong piso na dapat sana’y para sa kapakanan ng bansa kaya naman nararapat lamang na magkaroon ng ganap na paglilinaw at pananagutan sa nasabing usapin.

Samantala, muli namang ipinagkatiwala ng mga lider ng iba’t ibang pananampalataya sa katarungan at karunungan ng Diyos ang kasalukuyang usapin habang nananalangin na manaig ang katotohanan at mailantad ang anumang uri ng katiwalian sa kaban ng bayan.

“Litisin lahat, mula taas hanggang baba, hindi dahil sa galit, kundi dahil sa pagmamahal sa bayan at sa katotohanan,” Giit ng grupo.

Kabilang sa mga lumagda sa nasabing pahayag sina Diocese of Novaliches Bishop Roberto Gaa; Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza; CBCP- Episcopal Commission on Inter Religious Dialogue Chairman, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo; PCEC National Director Bishop Noel Pantonja; NCCP General Secretary Ms. Minnie Ann Mata-Calub; Diocese of Novaliches Vicar General for Pastoral Affairs, Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr.; Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSSA) President, Fr. Albert Delvo, PHD; ICPI National President Imam Ebra Moxsir; RLCNT Head National Secretariat Rev. Fr. Wilmer Joseph Tria, PHD; at NCR Grand Mufti Imam Aleem Naguib Taher

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 27,931 total reads

 27,931 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 113,337 total reads

 113,337 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 177,179 total reads

 177,179 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 264,127 total reads

 264,127 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 345,784 total reads

 345,784 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top