Alay Kapwa telethon,isasagawa sa Radio Veritas sa lunes Santo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 678 total reads

Muling hinihikayat ng Caritas Manila ang mananampalataya na makiisa at suportahan ang taunang Alay Kapwa Telethon na isinagawa ng social arm ng Archdiocese of Manila katuwang ang himpilan ng Radyo Veritas kasabay ng pagsisimula ng Mahal na Araw.

Nakatakda ang Caritas Manila Alay Kapwa Telethon 2026 sa Lunes Santo ika-30 ng Marso, 2026 kung saan tampok ang iba’t-ibang mga inisyatibo at programa ng Caritas Manila para sa mga pinakanangangailangan sa lipunan.

“I-alay mo sa kapwa ang biyayang galing sa Kanya. Mga kapanalig, Alay Kapwa Telethon 2026 na sa Lunes Santo, Marso 30! Suportahan natin ang paglilikom-pondo ng Caritas Manila na nakalaan para sa mga biktima ng sakuna.” Bahagi ng paanyaya ng Caritas Manila.

Layunin ng Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na makalikom ng pondong ilalaan sa mga pro-poor program ng Simbahan partikular na sa pagtugon sa pangangailangan at rehabilitasyon ng mga nasalanta ng iba’t-ibang kalamidad at sakuna sa bansa.

Live na mapapakinggan ang Caritas Manila Alay Kapwa Telethon 2026 mula ala-siete ng umaga hanggang ala-sais ng gabi sa Radyo Veritas DZRV 846AM at matutunghayan via livestream sa DZRV846 at Caritas Manila Facebook page, Veritas PH sa YouTube channel, at sa Veritas TV Sky Cable Channel 211.

Ilan sa mga programa ng social arm ng Archdiocese of Manila ang Caritas Damayan, Feeding Program, Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP), at ilan pang mga programa na naglalayong mai-angat ang buhay ng mga pinakamahihirap sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Special treatment?

 111,451 total reads

 111,451 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 196,834 total reads

 196,834 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 260,672 total reads

 260,672 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 341,048 total reads

 341,048 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 418,740 total reads

 418,740 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top