Pagkamatay ni Hesus sa krus, patunay ng kanyang walang hanggang pagmamahal sa sangkatauhan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,143 total reads

Hinimok ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ang mga mananampalataya na magnilay sa walang hanggang pag-ibig ng Diyos sa gitna ng paggunita ng Semana Santa.

Sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Mahal na Araw ay binigyang-diin ng Obispo na ang Krus ay pinakamalinaw na tanda ng pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan.

“We look to Calvary as the ultimate testament of God’s love. The Cross is the definitive proof of how much we are valued,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ayon kay Bishop Bagaforo, sa pamamagitan ng pagtubos ni Hesukristo, ipinakita ng Diyos na ang Kanyang pag-ibig ay walang hanggan at higit sa anumang paghihirap na nararanasan ng tao.

Paliwanag ng Obispo, hindi dapat na mawalan ng pag-asa ang sangkatauhan sa biyayang hatid ng Panginoon sa buhay ng bawat isa.

“This is the hope we cling to when life feels heavy: His love is infinitely greater than our despair,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.

Ipinaalala rin ni Bishop Bagaforo na sa kabila ng mga sugat at pagkawasak na nararanasan ng tao, may bagong simula na inihahandog ang Diyos sa pamamagitan ng Muling Pagkabuhay ni Kristo.

“Where we see brokenness, God sees a masterpiece in the making. Where we see an end, God provides a new beginning through the Resurrection,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Samantala, hinikayat din ng Obispo ang lahat na buksan ang puso sa mapagbago at mapagpalayang pag-ibig ng Diyos.

“May we leave behind our burdens and walk forward, renewed by the mercy that flows from the Cross,” Panawagan ni Bishop Bagaforo.

Una nang binigyang diin ng Simbahan na ang Semana Santa ay hindi lamang isang pagkakataon upang makapagbalik loob ang lahat sa Panginoon sa halip ay isang pagkakataon din upang mapagnilayan ang landas ng serbisyo sa Diyos at maging sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 68,358 total reads

 68,358 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 100,631 total reads

 100,631 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 202,457 total reads

 202,457 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 243,015 total reads

 243,015 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 260,695 total reads

 260,695 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 52,582 total reads

 52,582 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top