Miyerkules, Mayo 6, 2026

SHARE THE TRUTH

 5,718 total reads

Miyerkules sa Ika-5 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 15, 1-6
Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Juan 15, 1-8

Wednesday of the Fifth Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 15, 1-6

Pagbasa mula sa Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, may ilang taong dumating sa Antioquia, mula sa Judea, at itinuro sa mga kapatid ang ganito: “Kapag hindi kayo nagpatuli ayon sa Kautusan ni Moises, hindi kayo maliligtas.” Tinutulan ito nina Pablo at Bernabe at naging mainitan ang kanilang pagtatalo tungkol dito. Kaya’t napagkaisahang papuntahin sa Jerusalem sina Pablo at Bernabe at ang ilan pang kapatid sa Antioquia, upang makipagkita sa mga apostol at sa matatanda tungkol sa suliraning ito.

Sinugo nga sila ng simbahan, at pagdaan nila sa Fenicia at Samaria, ibinalita nila ang pagkahikayat sa mga Hentil. Ito’y labis na ikinagalak ng mga kapatid. Pagdating sa Jerusalem, malugod silang tinanggap ng mga apostol, ng matatanda, at ng buong simbahan, at isinalaysay nila ang lahat ng isinagawa ng Diyos, sa pamamagitan nila. Ngunit tumindig ang ilang mananampalatayang kabilang sa pangkat ng mga Pariseo, at ang sabi nila, “Kailangang tuliin ang mga Hentil na sumasampalataya, at utusang tumupad sa Kautusan ni Moises.”

Nagpulong ang mga apostol at ang matatanda upang pag-aralan ang suliraning ito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 122, 1-2. 3-4a. 4b-5

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

o kaya: Aleluya.

Ako ay nagalak, sa sabing ganito:
“Sa bahay ng Poon ay pumasok tayo!”
Sama-sama kami matapos sapitin,
ang pintuang-lungsod nitong Jerusalem.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Yaong Jerusalem, kay ganda ng anyo,
maganda ang ayos nang muling matayo.
Dito umaahon ang lahat ng angkan,
lipi ng Israel upang magsambahan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

Ang hangad, ang Poon ay pasalamatan,
pagkat ito’y utos na dapat gampanan.
Doon din naroon ang mga hukuman
at trono ng haring hahatol sa tanan.

Masaya tayong papasok
sa tahanan ng Poong D’yos.

ALELUYA
Juan 15, 4a. 5b

Aleluya! Aleluya!
Sa Poon ay manatili
siya’y sa atin lalagi
mamungang maluwalhati.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 15, 1-8

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang tagapag-alaga. Pinuputol niya ang bawat sangang hindi namumunga; at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga. Nalinis na kayo sa pamamagitan ng salitang sinabi ko sa inyo. Manatili kayo sa akin at mananatili ako sa inyo. Hindi makapamumunga ang sangang hindi nananatiling nakakabit sa puno. Gayun din naman, hindi kayo makapamumunga kung hindi kayo mananatili sa akin.

“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin. Ang hindi nananatili sa akin ay itatapon at matutuyo, gaya ng sanga. Ang gayong mga sanga ay titipunin at susunugin. Kung nananatili kayo sa akin at nananatili sa inyo ang salita ko, hingin ninyo ang inyong maibigan, at ipagkakaloob sa inyo. Napararangalan ang Ama kung kayo’y namumunga nang sagana at sa gayo’y napatutunayang mga alagad ko kayo.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Miyerkules

Habang nagkakatipon tayo bilang isang bayang sumasamba sa Panginoon, ilapit natin sa Diyos na ating Ama ang ating mga pangangailangan nang may pagtitiwala.

Panginoon, dinggin Mo ang aming panalangin.
o kaya
Walang hanggang tagapagtanim ng ubas, gawin Mo kaming mabunga.

Ang pagkakaisang nagmumula kay Kristo, ang tunay na puno ng ubas, nawa’y makahikayat sa lahat ng Kristiyano sa kanyang Simbahan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pari, relihiyoso, at mga misyonero nawa’y maging tapat sa kanilang bokasyon sa Simbahan at manatiling kaisa ni Kristo sa kanilang gawain, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdaranas ng mga pagsubok at kahirapan sa buhay nawa’y manatiling tapat kay Kristo at sa kanyang Ebanghelyo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y tingnan si Kristo bilang bukal ng lakas at kagalingan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat sa Panginoon na namayapa nawa’y manatili kay Kristo magpasawalang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Panginoon, wala kaming magagawang anuman kung wala ka sa aming piling. Dinggin mo ang aming mga panalangin at panatilihin mo kami sa iyong pag-ibig. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Ilawan ang katotohanan

 116,419 total reads

Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte. Sa unang session, binalikan ang kuwento ni Raymart Siapo, 19 na taóng gulang mula sa Navotas. Pinatay si Raymart noong 2017 dahil sa pagbebenta umano ng marijuana. 

Binuo ang komisyon noong Mayo para bigyang-espasyo ang paggunita sa buhay ng mga biktimang kagaya ni Raymart. Layunin ng komisyong kilalanin ang kanilang dignidad bilang tao at tulungan ang kanilang mga pamilya na maghilom. Mahalaga ang hangarin ng komisyon “dahil ang katotohanan ay hindi lang para sa kasaysayan, kundi [para din] sa dignidad ng tao at pananagutan ng mga institusyon.”

Adviser ng komisyon si Cardinal Pablo Virgilio “Ambo” David ng Diyosesis ng Kalookan. Panawagan niya sa komisyon: “Bigyan ng boses, ng tinig, ang mga nawalan. Gunitain natin ang kanilang buhay. Ilawan natin ang katotohanan.” Ang chairperson naman na si dating International Criminal Court (o ICC) Judge Raul Pangalangan ay nagsabing itatalâ ng Truth Commission ang mga kuwento ng mga biktima ng war on drugs para maging bahagi sila ng kasaysayan. Ang mga miyembro ng komisyon ay sina Carlos Conde, mamamahayag at senior researcher ng Human Rights Asia; Dr Raquel Fortun, isang forensic pathologist; Al Furtes, eksperto sa usaping pangkapayapaan; at Fr Danny Pilario, pangulo ng Adamson University. Ibibigay ng komisyon ang final report nito sa publiko, sa pamahalaan, at sa mga local at international NGOs.

Para kay Atty Salvador Panelo, legal counsel ni dating Pangulong Duterte, hindi kailangan ng ganitong komisyon. Propoganda lamang daw ito, bagay na pinabulaanan ni Chairperson Pangalangan. Aniya, hindi maling ilabas ang katotohanan. Kung malungkot ang ilalabas na katotohanan, iyon pa rin ang katotohanan. 

Kasalukuyang nakapiit si dating Pangulong Duterte sa ICC sa The Hague. Humaharap siya sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng war on drugs, na sa tala ng kapulisan ay bumawi sa buhay ng 6,000 na katao. Malayo ito sa 30,000 kasong na-monitor ng mga civil society organizations, kabilang ang Simbahan. Sa ICC, maaari lamang suriin ang mga kaso noong miyembro pa ang Pilipinas ng Rome Statute o mula taóng 2000 hanggang 2019. Matatandaang kumalas ang bansa sa Rome Statute, ang kasunduang nagtatag sa ICC, sa ilalim ng administrasyong Duterte. Sa Truth Commission, pakikinggan ang kuwento ng lahat ng biktima ng war on drugs, kasama ang mga hindi diringgin sa ICC. 

Sinasabi sa Juan 3:21, “ang namumuhay sa katotohanan ay lumalapit sa liwanag.” Hinahamon tayo ng mga panlipunang turo ng Simbahan na pumanig sa katotohanan. Hindi ito optional sa ating mga Kristiyano. Tungkulin nating laging hanapin ang katotohanan at ang panindigan ito. 

Sa isa niyang libro, sinabi ng yumaong Pope Benedict XVI na “the truth comes to rule, not violence, but rather through its power.” May kapangyarihan ang katotohanan na hindi magagapi ng karahasan. Sa mabuting balita ayon kay San Juan, maaalala nating sinabi ni Hesus kay Pilato sa harap ng nagbabadyang karahasan sa kanyang pagpapakasakit, “Ako ang Katotohanan.” Si Hesus, ang katotohanan, ay humarap sa karahasan nang may buong paninidigan at ganap na pag-ibig para sa atin. Ang Kanyang muling pagkabuhay ay patunay na laging mananaig ang katotohanan.

Mga Kapanalig, sa gitna ng truth-telling sessions ng Truth Commission, sundan natin ang yapák ni Hesus at dalhin ang katotohanan. Nawa’y mapakinggan natin at maibahagi ang kuwento ng mga biktima ng war on drugs. Sa pakikinig at pagsisiwalat sa katotohanan, nagiging kabahagi tayo sa pagbibigay ng liwanag sa madilim na yugto ng ating kasaysayan, kung saan libu-libo ang pinatay at naulila. Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa liwanag at ilawan ang katotohanan. 

Sumainyo ang katotohanan.  

Dagat ng basura

 176,913 total reads

Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa krisis ng basura.

Noong nakaraang linggo, tone-toneladang basura ang bumará sa Redemptorist Water Channel sa Parañaque City matapos ang sunud-sunod na araw ng pag-ulan dala ng habagat. Umabot ng higit sa 200 trak ng basura ang nahakot mula sa naturang daluyan ng tubig malapit sa simbahan ng Baclaran. Ayon sa lokal na pamahalaan ng Parañaque, inagos ang basura mula sa mga nakapalibot na lugar sa Manila Bay. Sa ginawang clearing operations, buwis-buhay na lumusong sa dagat ng basura ang mga kawani ng LGU, Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), at Department of Public Works and Highways (o DPWH) para hakutin ang basura gamit ang backhoe.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na kailangan na raw ng “drastic solutions” sa problema sa basura. Binanggit niyang halimbawa ang waste-to-energy technologies na ibinida ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa kanyang SONA. Suportado rin ng kalihim pati ni MMDA General Manager Nicolas Torre ang mga panukalang magpataw ng mabigat na multa para sa maling pagtatapon ng basura. Pero para kay PBBM, hindi raw mabisang pagmultahin ang maling pagtatapon ng basura kung walang maayos na basurahan. Anong say ninyo, mga Kapanalig?

Lahat ng mga ibinibidang solusyon ng administrasyon ay nakatuon lang sa maayos na waste management system. Sang-ayon tayong mahalaga ito. Pero paano masosolusyunan ang krisis sa basura kung hindi natin puputulin ang ugat ng sobra-sobrang paglikha ng basura? Kumbaga, nagbibigay lang tayo ng bandaid solution kung saan nireremedyohan lang natin ang mga sintomas ng sakit pero hindi naman natin ginagamot ang pinagmumulan nito.

Ayon sa grupong Oceana, habang nakatuon ang administrasyon sa waste-to-energy at pagsisi sa publiko sa pagkakalát, hindi nabibigyang-pansin ang ugat ng krisis—ang plastic pollution at walang habas na paggamit ng single-use plastics na sinusuplay ng mga dambuhalang korporasyon. Dagdag ng grupo, mayroon na tayong Ecological Solid Waste Management Act of 2000 na nagsasabing dapat bawasan ang paglikha ng basura sa pinagmumulan nito at ipagbawal ang mga produktong nakapipinsala sa kapaligiran. Gaya ng maraming batas, hindi ito buong ipinatutupad ng gobyerno.

Sa Catholic social teaching na Laudato Si’, sinusuportahan ng Simbahan ang circular o paikot na modelo ng produksyon kung saan nililimitahan ang pagkuha ng mga nauubos na likas-yaman para mapakinabangan ito ng mga susunod na henerasyon. Sa nakasanayang linear o tuwid na sistema natin, kukunin ang likas-yaman, gagawing produkto, panandaliang gagamitin, at itatapon na. Sa circular na sistema, binibigyang-diin ang pag-reduce, reuse, repair, at recycle ng mga produkto. Idinidisenyo ang mga produkto para magamit nang matagal, madaling ayusin kapag nasira, at maaaring i-recycle para mabawasan ang pagkonsumo at paglikha ng basura.

Ilang trahedya sa basura na ang naibalita ngayong taon, kaya alam na dapat natin ito: hindi sapat ang disiplina ng publiko at maayos na waste management system. Nakaugat ang krisis na ito sa modelo ng ekonomiyang kumikita sa paglikha ng basura. Malalim, malawak, at nakabaón sa kultura at mga istruktura ng lipunan ang problemang ito. Pero maaari tayong magsimula sa pagpapatupad ng mga solusyon sa ating tahanan at komunidad, gaya ng pagsusulong at pagsasabuhay ng “sapat lifestyle”. Kasabay nito, ipanawagan natin sa gobyerno ang pagpapatupad ng mga patakarang tinutugunan ang labis na paglikha ng basura. Panagutin din dapat ang mga korporasyong patuloy na yumayaman habang ipinapasa sa publiko ang gastos at epekto ng polusyon.

Mga Kapanalig, tandaan natin ang wika sa Genesis 2:15: inilagay tayong mga tao sa halamanan ng Eden para pagyamanin at pangalagaan ito, hindi para gawin itong dagat ng basura.

Sumainyo ang katotohanan.

What do I still lack?

 22,208 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Monday, Twentieth Week in Ordinary Time, Year II, 17 August 2026
Ezekiel 24:15-23     ><]]]]'> + ><]]]]'> + ><]]]]'>     Matthew 19:16-22
Photo by author, Malagos Garden Resort, Davao City, August 2018.
Your words today,
O Lord are so touching
that reaches deep down my
inmost being;
both readings speak
about losing: Ezekiel's wife
died while the young man
in the gospel asked
"what do I still lack?"
Both readings are 
so timely for us these days
when we have so much of 
every thing except of you,
O Lord; we rarely ask
"what do I still lack" in its
truest sense - of learning to let
go of what we have in order to have
the most essential.

Often, 
we think of having what
we still lack in order to have
more of every thing;
but you teach us today,
Jesus, what we really lack
is you through others;
what we really lack are
the poor and the sick,
those who have less in life;
what we really lack still
is life eternal,
of having you O Lord
as basis and foundation
of our relationships.
In this time when rains
continue to pour 
for the third straight week,
the more we are concerned 
of what material things we still
lack and forget about the warmth
and smiles of others so disadvantaged
due to floods and lack of work;
teach us, Jesus,
to be like Ezekiel in the first
reading to see and realize
that the most painful loss
in this life is not losing a loved one
nor wealth and things
but in losing our souls to
sin and evil.
Amen.
Jesus and the rich young man.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 116,420 total reads

 116,420 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 176,914 total reads

 176,914 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 191,742 total reads

 191,742 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 272,400 total reads

 272,400 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 369,117 total reads

 369,117 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Lunes, Agosto 24, 2026

 418 total reads

 418 total reads Kapistahan ni Apostol San Bartolome Pahayag 21, 9b-14 Salmo 144, 10-11. 12-13ab. 17-18 Talastas ng mga tao dakilang paghahari mo. Juan 1, 45-51

Read More »

Linggo, Agosto 23, 2026

 2,005 total reads

 2,005 total reads Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Isaias 22, 19-23 Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk Pag-ibig mo’y di kukupas, gawain mo’y magaganap.

Read More »

Sabado, Agosto 22, 2026

 3,544 total reads

 3,544 total reads Paggunita sa Pagka-reyna ng Mahal na Birheng Maria Isaias 9, 1-6 Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8 Ngalan ng D’yos ay idangal ngayon

Read More »

Biyernes, Agosto 21, 2026

 4,849 total reads

 4,849 total reads Paggunita kay San Pio X, papa Ezekiel 37, 1-14 Salmo 106, 2-3. 4-5. 6-7. 8-9 Panginoo’y papurihan sa pag-ibig n’ya kailanman. Mateo 22,

Read More »

Huwebes, Agosto 20, 2026

 5,798 total reads

 5,798 total reads Paggunita kay San Bernardo, abad at pantas ng Simbahan Ezekiel 36, 23-28 Salmo 50, 12-13. 14-15. 18-19 Kayo’y aking wiwisikan upang sala’y mahugasan.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top