Operasyon ng DILG, hindi apektado sa pagsibak kay Sueno.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 558 total reads

Nilinaw ni Department of Interior and Local Government Under Secretary for Operations John Castriciones na makakahanap agad ang Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong DILG secretary matapos sibakin sa puesto si Ismael Sueno.

Natitiyak ni USec. Castriciones na hindi pababayaan ng Pangulo ang D-I-L-G dahil ang nangunguna at nangangasiwa sa operasyon laban sa iligal na droga at sa mga rehabilitation centers ng pamahalaan.

“Yung mga ahensya natin sa departamento ay merong mga guidelines, namumuno ang bureau head. Definitely mag a-asign siya [President Duterte] kahit na officer-in-charge muna or later on permanent secretary of the interior and local government.” Paglilinaw ni USec. Castriciones sa panayam sa programang Veritas Pilipinas.

Ibinahagi naman ni USec. Castriciones ang postibong pagsulong ng Drug Rehabilitation Programs para sa mga nalulong sa masamang bisyo.

Aminado si Castriciones na bagamat hanggang sa kasalukuyan ay kulang na kulang pa rin ang kagamitan at pinansyal na kakayahan ng pamahalaan upang suportahan ang mga drug surenderrers ay hindi naman nauubos ang mga dumadating na donasyon para sa kanilang mga proyekto.

“Ngayon po sa kasalukuyan meron tayong 44 Drug rehabilitation centers and out of this mga 15 lang po ang government owned and if we are going to total the number of the accommodation this 15 government rehabilitation centers mga 10,000 lang po ang kanyang kaya [i-accommodate] this is before the Fort Magsaysay [rehabilitation center], at dahil may Fort Magsaysay na tayo an additional 10,000 accommodation so 20,000 na po yan, but just the same kulang parin po yan dahil as of now meron po tayong 1.2M drug surrenderers. But now marami tayong donors at may nakalaan po tayong budget for this purpose, if I’m not mistaken 3.2B pesos intended for the construction of rehabilitation centers and for its operation,” pahayag ni USec. Castriciones

Samantala, patuloy naman ang Simbahang Katolika sa pagpapalawig ng mga programa para sa mga Drug surrenderers.

Matapos ilunsad ang Sanlakbay sa Pagbabagong buhay Program ng Archdiocese of Manila, ay nagsagawa naman ng Interagency consultation meeting ang Anti Drug Dependency o ADD for Life Ministry ng Most Holy Trinity Parish upang mapalakas ang ugnayan ng simbahan at pamahalaan sa pagsugpo sa iligal na droga.

Ang Diocese ng Novaliches at Kalookan ay tinutugunan din ang pangangailangan ng mga naulilang mahal sa buhay ng mga biktima ng EJK.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 22,824 total reads

 22,824 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 61,520 total reads

 61,520 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 96,820 total reads

 96,820 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 323,089 total reads

 323,089 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 215,008 total reads

 215,008 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,797 total reads

 35,797 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,689 total reads

 28,689 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top