Sabado, Mayo 23, 2026

SHARE THE TRUTH

 2,174 total reads

Sabado sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 28, 16-20. 30-31
Salmo 10, 4. 5. at 7

Poon, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

Juan 21, 20-25

Saturday of the Seventh Week of Easter (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 28, 16-20. 30-31

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Pagdating namin sa Roma, si Pablo’y pinahintulutang umupa ng sariling tirahan kasama ang isang kawal na pinakatanod niya.

Makaraan ang tatlong araw, inanyayahan ni Pablo sa isang pulong ng mga pangunahing Judio sa lungsod. Nang magkatipon na sila, sinabi niya, “Mga kapatid, bagamat wala akong ginawa laban sa ating bansa o sa mga kaugalian ng ating mga ninuno, hinuli ako sa Jerusalem at isinakdal sa kinatawan ng pamahalaang Romano. Matapos akong litisin, ako sana’y palalayain na sapagkat wala naman akong ginawa na dapat parusahan ng kamatayan. Ngunit tumutol ang mga Judio, kaya’t napilitan akong dumulog sa Emperador, bagamat wala akong sakdal laban sa ating mga kababayan. Nagagapos ako ng tanikalang ito dahil kay Hesus, ang pag-asa ng Israel. Iyan ang dahilan kung bakit hiniling kong makausap kayo.”

Humigit-kumulang sa dalawang taong nanirahan si Pablo sa Roma, sa bahay na kanyang inuupahan, at tinanggap niya ang lahat ng nagsadya sa kanya. Hayagan at walang sagabal na nangangaral siya tungkol sa paghahari ng Diyos at sa Panginoong Hesukristo.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 10, 4. 5 at 7

Poon, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

o kaya: Aleluya!

Ang Panginoong Diyos ay matatagpuan sa banal na templo,
at doon naman sa mataas na langit, naroon ang trono;
at magbuhat doon ay pinagmamasdan ang lahat ng tao,
walang maliligid anuman ang gawin ng lahat ng ito.

Poon, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

Lahat ng mabuti pati ang masama ay sinisiyasat,
namumuhing lubos siya sa suwail na wala nang batas.
Ang Poon ay tapat, sa gawang mabuti siya’y nalulugod
at sa piling niya, mabubuhay silang sa kanya’y sumunod.

Poon, ang mga mabuti
ay kapiling mo parati.

ALELUYA
Juan 16, 7. 13

Aleluya! Aleluya!
Espiritung isusugo
totoo ang ituturo,
pangako ni Kristong Guro.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 21, 20-25

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, lumingon si Pedro at nakita niyang sumusunod ang alagad na minamahal ni Hesus – yaong humilig sa dibdib ni Hesus nang sila’y naghahapunan at nagtanong, “Panginoon, sino po ang magkakanulo sa inyo?” Nang makita siya ni Pedro, tinanong nito si Hesus, “Panginoon, ano po naman ang mangyayari sa taong ito?” Sumagot si Hesus, Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo? Sumunod ka sa akin!” Kumalat sa mga kapatid ang balitang hindi mamamatay ang alagad na ito, bagamat hindi sinabi ni Hesus na hindi siya mamamatay, kundi, “Kung ibig kong mabuhay siya hanggang sa pagbabalik ko, ano sa iyo?”

Ito nga ang alagad na nagpapatotoo tungkol sa mga bagay na ito; siya rin ang sumulat ng mga ito, at alam naming tunay ang kanyang patotoo.

At marami pang ginawa si Hesus na kung susulating lahat, inaakala kong hindi magkakasya kahit sa buong daigdig ang mga aklat na masusulat.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Sabado

Si Jesus, na nakipamuhay sa mga tao upang maglingkod bilang pagsunod sa kanyang Ama, ay nagnanais na unahin natin nang higit sa lahat ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, ikaw ang lahat sa amin.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y maging mga tunay na lingkod na kumikilos nang may pagmamalasakit na katulad ng ipinakita ni Kristo sa kanyang mga apostol, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y maging tapat sa kanilang mga pananagutan at makatupad sa kanilang mga tungkulin ayon sa diwa ng pag-ibig at paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdaranas ng kahirapan nawa’y tumanggap ng lakas mula sa Banal na Espiritu, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga may karamdaman nawa’y maunawaan na ang kanilang pagdurusa, kung titiisin bilang pakikiisa kay Kristo, ay maaaring maging biyaya, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga namayapang kamag-anak at mga kaibigan nawa’y magtamasa ng kapanatagan sa walang hanggang tahanan ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, binigyan ng iyong Anak ng higit na pagpapahalaga sa lahat ang mga bagay na makalulugod sa iyo, kahit humantong pa sa kanyang pagpapakasakit para sa sangkatauhan. Loobin mo na lagi namin siyang maparangalan sa tuwing ginagawa namin siyang pinakamahalaga sa aming buhay. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.


 

Linggo ng Pentekostes
Pagmimisa sa Sabado ng Hapon

Genesis 11, 1-9
o kaya Exodo 19, 3-8a. 16-20b
o kaya Ezekiel 37, 1-14
o kaya Joel 3, 1-5
Salmo 103, 1-2a. 24 at 35k. 27-28. 29bk-30

Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Roma 8, 22-27
Juan 7, 37-39

Vigil of Pentecost (Red)

UNANG PAGBASA
Genesis 11, 1-9

Pagbasa mula sa aklat ng Genesis

Sa simula’y iisa ang wika ng lahat ng tao sa daigdig. Sa kanilang pagpapalipat-lipat, nagawi sila sa silangan, sa isang kapatagan sa Sinar. Dito sila huminto at namayan. Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuing mabuti para tumibay. Tisa ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. Ang sabi nila, “Ngayo’y magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng abot sa langit upang matanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak.”

Bumaba ang Panginoon upang tingnan ang lungsod at ang toreng itinatayo ng mga tao. Sinabi niya, “Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng kanilang mga binabalangkas; hindi magluluwat at gagawa sila ng anumang kanilang maibigan. Ang mabuti’y puntahan natin at guluhin ang kanilang wika upang huwag silang magkaunawaan.” At pinangalat ng Panginoon ang mga tao sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lungsod. Babel ang itinawag nila sa lungsod na iyon, sapagkat doo’y ginulo ng Panginoon ang wika ng mga tao. At mula roon, pinapangalat nga niya ang mga tao sa buong daigdig.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Exodo 19, 3-8a. 16-20b

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong mga araw na iyon, si Moises ay umakyat sa bundok upang makipag-usap sa Diyos. Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Ito ang sabihin mo sa buong angkan ni Jacob, sa buong Israel: ‘Nakita ninyo ang ginawa ko sa mga Egipcio. At tulad ng pangangalaga ng isang agila sa kanyang mga inakay, kayo’y aking kinupkop. Kung susundin ninyo ako at hindi kayo sisira sa pakikipagtipan ko sa inyo kayo ang magiging bayan kong hinirang. Ang buong daigdig ay akin ngunit kayo’y aking itatangi. Kayo’y gagawin kong bayan ng mga saserdote na maglilingkod sa akin, nakatalaga sa akin.’ Iyan ang sabihin mo sa mga Israelita.” Kaya tinipon ni Moises ang mga lider ng Israel at sinabi ang lahat ng iniutos sa kanya ng Panginoon. Sila nama’y parang iisang taong sumagot, “Susundin namin ang lahat ng iniutos ng Panginoon.”

Kinaumagahan ng ikatlong araw, nagkukulog sa bundok at sala-salabat ang kidlat. Ang bundok ay nabalot ng makapal na ulap at narinig ang isang malakas na tunog ng tambuli. Lahat ng tao sa buong kampamento ay nanginig sa takot. Pinangunahan ni Moises ang mga tao papunta sa paanan ng bundok upang humarap sa Diyos. Ang Bundok ng Sinai ay nababalot ng usok sapagkat bumaba ang Panginoon sa anyo ng apoy. Pumailanlang ang usak, tulad ng usok ng isang pugon, at ang mga tao’y pinagharian ng takot. Palakas nang palakas ang tunog ng tambuli. Nagsalita si Moises at sinagot siya ng Diyos sa pamamagitan ng kulog. Ang Panginoon ay bumaba sa tuktok ng Bundok ng Sinai at pinaakyat niya roon si Moises.

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Ezekiel 37, 1-14

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Ezekiel

Noong mga araw na iyon, nadama ko ang kapangyarihan ng Panginoon at sa pamamagitan ng kanyang Espiritu ay dinala niya ako sa isang lambak na puno ng kalansay. Inilibot niya ako sa lugar na yaong puno ng mga kalansay na tuyung-tuyo na. Tinanong niya ako, “Tao, palagay mo ba ay maaari pang mabuhay ang mga kalansay na ito?”

Sumagot ako, “Kayo po lamang ang nakaaalam, Panginoon?”

Sinabi niya sa akin, “Magpahayag ka sa mga kalansay na ito. Sabihin mo: Mga tuyong kalansay, dinggin ninyo ang Salita ng Panginoon. Ito ang ipinasasabi niya: Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo’y mabubuhay. Lalagyan ko kayo ng litid at laman, at babalutin ng balat. Bibigyan ko kayo ng hininga at kayo’y mabubuhay. Sa gayun, makikilala nilang ako ang Panginoon.”

Nagpahayag nga ako, tulad ng utos sa akin. Nang ako’y nagsasalita, nagkaroon ng malakas na ugong, at nabuo ang mga kalansay. Nakita kong sila’y nagkaroon ng litid at laman; nabalot sila ng balat ngunit hindi pa humihinga. Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, tawagan mo ang hangin sa lahat ng dako. Sabihin mong ipinasasabi ko: Hangin, hingahan mo ang mga patay na ito upang sila’y mabuhay.” Nagpahayag nga ako at pumasok sa kanila ang hininga. Nabuhay nga sila at nang magtayuan, sila’y ubod ng dami, parang isang malaking hukbo.

Sinabi sa akin ng Panginoon, “Tao, ang bansang Israel ay tulad ng mga kalansay na ito. Sinasabi nila, ‘Tuyo na ang aming mga buto, wala na kaming pag-asa. Lubusan na kaming pinabayaan.’ Kaya nga, magpahayag ka. Sabihin mong ipinasasabi ko: Bayan ko, ibubukas ko ang inyong libingan. Ibabangon ko kayo at iuuwi sa inyong bayan. Kung maibukas ko na ang inyong libingan at maibangon ko kayo, makikilala ninyong ako ang Panginoon. Hihingahan ko kayo upang kayo’y mabuhay, at ibabalik ko kayo sa inyong sariling bayan. Sa gayon, malalaman ninyo na akong Panginoon ang nagsabi nito at aking gagawin.”

Ang Salita ng Diyos.

o kaya:
Joel 3, 1-5

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Joel

Ito ang sinasabi ng Panginoon:
“Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao:
isasaysay ang inyong mga anak ang aking mga salita;
sari-sari ang mapapanaginip ng matatandang lalaki
at makakakita ng mga pangitain ang inyong mga kabataang lalaki.
Sa panahong iyan, ibubuhos ko ang aking Espiritu
pati sa mga alipin, lalaki’t babae.
Magbibigay ako ng mga babala sa araw na yaon
at ito’y makikita sa langit at sa lupa:
Dadanak ang dugo, magkakaroon ng apoy at makapal na usok.
Magdidilim ang araw at ang buwan ay pupulang animo’y dugo
bago dumating ang nakatatakot na Araw ng Panginoon.
Ngunit lahat ng hihingi ng tulong sa Panginoon ay maliligtas.
Gaya ng kanyang sinabi, may mga taong makapangungubli
sa Bundok ng Sion at sa Jerusalem.
Yaong mga pipiliin ng Panginoon ay makaliligtas.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103, 1-2a. 24 at 35k. 27-28. 29bk-30

Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Pinupuri ka Poong Diyos, nitong aking kaluluwa,
O Panginoong aking Diyos, kay dakila mong talaga,
ang taglay mong kasuuta’y dakila ri’t marangal pa.
Nababatbat ka, Poong Diyos, ng liwanag na maganda.

Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Sa daigdig, ikaw Poon, kay rami ng iyong likha.
Pagkat ikaw ay marunong kaya ito nagawa.
Sa dami ng nilikha mo’y nalaganapan ang lupa.
Purihin ang Panginoon. O purihin mo nga siya!

Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Lahat sila’y umaasa, sa iyo ay nag-aabang;
umaasa sa pagkain na kanilang kailangan.
Ang anumang kaloob mo ay kanilang tinatanggap,
mayro’n silang kasiyahan pagkat bukas ang ‘yong palad.

Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Natatakot mangamatay kung kitlin mo ang hininga;
mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik.
Bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

Espiritu mo’y suguin,
Poon, tana’y ‘yong baguhin.

IKALAWANG PAGBASA
Roma 8, 22-27

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma

Mga kapatid: Alam natin na hanggang ngayon ang sangnilikha ay dumaraing sa paghihirap. Hindi lamang sila! Tayo mang tumanggap ng Espiritu bilang unang kaloob ng Diyos ay napapahimutok samantalang hinihintay natin ang pag-aampon sa atin ng Diyos, ang pagpapalaya sa ating mga katawan. Ligtas na tayo at inaasahan natin ang kaganapan nito. Ngunit ang pag-asa ay hindi pag-asa kapag nakikita na ang inaasahan. Sapagkat sino ang aasa sa nakikita na? Ngunit kung umaasa tayo sa hindi natin nakikita, ito’y hinihintay natin nang buong tiyaga.

Gayun din naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang lumuluhog para sa atin, sa paraang di magagawa ng pananalita. At nauunawaan ng Diyos na nakasasaliksik sa puso ng tao, ang ibig sabihin ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu’y lumuluhog para sa mga banal, ayon sa kalooban ng Diyos.

Ang Salita ng Diyos.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Espiritung aming Tanglaw,
kami’y iyong liwanagan
sa ningas ng pagmamahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 7, 37-39

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Sa huli at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Hesus at malakas na sinabi: “Ang nauuhaw ay lumapit sa akin at uminom. Ayon sa sinasabi ng Kasulatan, ‘Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.’” Tinutukoy niya ang Espiritung tatanggapin ng mga nananalig sa kanya. Nang panahong iyon ay hindi pa naipagkakaloob ang Espiritu Santo, sapagkat hindi pa nagaganap ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

IT IS NEVER TOO LATE.

 4,402 total reads

Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9

IT IS NEVER TOO LATE.

Some people told Jesus about the Galileans whose blood Pilate had mingled with the blood of their sacrifices. He said to them in reply, “Do you think that because these Galileans suffered in this way they were greater sinners than all other Galileans? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did! Or those eighteen people who were killed when the tower at Siloam fell on them– do you think they were more guilty than everyone else who lived in Jerusalem? By no means! But I tell you, if you do not repent, you will all perish as they did!”

And he told them this parable: “There once was a person who had a fig tree planted in his orchard, and when he came in search of fruit on it but found none, he said to the gardener,‘For three years now I have come in search of fruit on this fig tree but have found none. So cut it down. Why should it exhaust the soil?’ He said to him in reply, ‘Sir, leave it for this year also, and I shall cultivate the ground around it and fertilize it; it may bear fruit in the future. If not you can cut it down.’”

————

As long as we live, no matter how old we have become, there is always hope. God always gives us chances and even the capability to change our ways according to how we are meant to be. Being made in his image and likeness, we are meant to project such image and likeness of being good, kind, compassionate, forgiving and everything that characterizes LOVE.

When we try to be what we are meant to be, some of us think we have to exert much effort, as if it is not worth the try. But it becomes this only when we got so used to being the opposite of who we are meant to be. Nevertheless, we need to cultivate and fertilize our lives through constant communication with God in prayer, the sacraments, and in doing charitable works.

The efforts, even if they be great, is worth more than our life on earth is, because it is what will bring us everlasting life with God.

IT IS NEVER TOO LATE.

Lord God, we thank you for always giving us the chance to attain eternal life with you. Amen.

MADALDAL KULANG SA GAWA

 36,958 total reads

Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling din ang kalihim sa pagbibigay ng tip sa mga VIP na nagtatago sa batas.

Dahil malimit magsalita sa media, iniisip ng maraming Pilipino na nagta-trabaho, masigasig., masipag sa trabaho si Remulla.

Di nga ba, ibinahagi nito sa media ang kanilang hakbang nahulihin ang nagtatagong wanted sa flood control projects scam na si Zaldy Co. Tuloy ni anino ng dating partylist representative hindi nakita ng tropa ni Remulla.

Hindi na nga mahagilap si Co sa abroad, kumana na naman si Remulla, alam daw niya ang kinaroroonan o lugar na pinagtataguan ng puganteng si Senador Ronald dela Rosa na wanted sa International Criminal Court at kapwa akusado ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa madugong pagpapatupad ng war on drugs.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Remulla na tumanggap siya ng impormasyon dalawang buwan na ang nakalipas sa kinaroroonan ng pugante sa Mindanao. Si dela Rosa daw ay pino-protektahan ng hindi pinangalanang armadong grupo.

Eh bakit hindi ipahuli ni Remulla sa Philippine National Police na nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan si Bato dela Rosa?

Palusot ng kalihim kaya hindi nila mahuhuli ang dating PNP Chief, dadanak daw ang dugo kapag pilit nilang dinakip ang pugante, maari ding mamatay sa sagupaan ang 10,000 mamamayan.

Malakas at napakarami pala ang armadong protektor ni dela Rosa.

Dahil sa pangambang ito, minabuti ng DILG at mga otoridad na i-negotiate ang pagsuko sa Senador.

Kapanalig, bakit kinukonsenti at pinababayaan ng gobyerno na kanlungin si dela rosa ng isang private army? Dapat binubuwag ng pamahalaan ang isang armadong grupo na nagkakanlong sa isang wanted na opisyal.

Minsan nang nalansi at natakasan ni dela Rosa si Remulla sa Senado, hindi pa rin natututo ang kalihim ng DILG.

May standing arrest order kay dela Rosa ang ICC kaugnay madugong war on drugs ng dating pangulong Rodrigo Duterte kung saan tinatayang 12 libo hanggang 30-libo ang namatay at ang Senador ang implementor.

Bakit natatakot ang gobyerno sa mga armadong nagkakanlong kay dela Rosa? Harboring a criminal is crime.

Kapanalig, umaasa tayo na manaig ang peace negotiation sa pagsuko ni dela Rosa upang maiwasan ang madugong komprontasyon.

Sa John 28:36, sinabi ni Hesus kay Pilato “My kingdom is no part of this world. If my kingdom were part of this world, my attendants would have fought that I should not be delivered up to the Jews. But, as it is, my kingdom is not from this source.”

Sumainyo ang Katotohanan.

RENDERED USELESS

 5,394 total reads

Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59

RENDERED USELESS

Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising in the west you say immediately that it is going to rain–and so it does; and when you notice that the wind is blowing from the south you say that it is going to be hot–and so it is. You hypocrites! You know how to interpret the appearance of the earth and the sky; why do you not know how to interpret the present time? “Why do you not judge for yourselves what is right? If you are to go with your opponent before a magistrate, make an effort to settle the matter on the way; otherwise your opponent will turn you over to the judge, and the judge hand you over to the constable, and the constable throw you into prison. I say to you, you will not be released until you have paid the last penny.”

————

The scribes and Pharisees interpreted the Laws of God as they saw fit. Jesus described their behavior very well:

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You give a tenth of your spices—mint, dill and cumin. But you have neglected the more important matters of the law—justice, mercy and faithfulness. You should have practiced the latter, without neglecting the former” (Matthew 23:23).

“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites! You shut the door of the kingdom of heaven in people’s faces. You yourselves do not enter, nor will you let those enter who are trying to” (Matthew 23:13).

“In the same way, on the outside you appear to people as righteous but on the inside you are full of hypocrisy and wickedness” (Matthew 23:28).

If all of us interpreted laws according to what we wanted or as we saw fit, there would surely be CHAOS, and the law would be RENDERED USELESS.

For Jesus, it is very important that the Law of God be interpreted according to the intent of the One who gave it. Otherwise, the Law of God would be RENDERED USELESS. Since the Law of God is meant to bring peace, order, and happiness into our lives by placing LOVE for God and neighbor above all else, it should not be interpreted otherwise.

Lord Jesus, teach us to love and follow your decrees, knowing that they are the guideposts that will lead us to eternal life. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 36,959 total reads

 36,959 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 122,730 total reads

 122,730 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 169,468 total reads

 169,468 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 217,340 total reads

 217,340 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 319,557 total reads

 319,557 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Oktubre 27, 2026

 326 total reads

 326 total reads Martes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 5, 21-33 Salmo 127, 1-2. 3, 4-5 Mapalad ang sumusunod na taong may takot

Read More »

Lunes, Oktubre 26, 2026

 2,225 total reads

 2,225 total reads Lunes ng Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Efeso 4, 32 – 5, 8 Salmo 1, 1-2. 3. 4 at 6 Lahat kayong

Read More »

Linggo, Oktubre 25, 2026

 4,789 total reads

 4,789 total reads Ika-30 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) Exodo 22, 20-26 Salmo 17, 2-3a 3bk-4. 47 at 51ab Poong aking kalakasan, iniibig kitang tunay. 1

Read More »

Sabado, Oktubre 24, 2026

 6,438 total reads

 6,438 total reads Sabado ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Antonio Maria Claret, obispo o kaya Paggunita sa Mahal

Read More »

Biyernes, Oktubre 23, 2026

 7,404 total reads

 7,404 total reads Biyernes ng Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Juan Capistrano, pari Efeso 4, 1-6 Salmo 23, 1-2.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top