Sabado, Mayo 30, 2026

SHARE THE TRUTH

 251 total views

Sabado ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado

Judas 17, 20b-25
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Marcos 11, 27-33

Saturday of the Eight Week in Ordinary Time (Green)

or Optional Memorial of the Blessed Virgin Mary on Saturday (White)

UNANG PAGBASA
Judas 17, 20b-25

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Judas

Mga pinakamamahal, lagi ninyong tandaan ang pangaral sa inyo ng mga apostol ng ating Panginoong Hesukristo. Manalangin kayo sa tulong ng Espiritu Santo. Manatili kayo sa pag-ibig ng Diyos habang naghihintay sa ating Panginoong Hesukristo, na magkakaloob sa inyo ng buhay na walang hanggan, dahil sa kanyang pagkahabag sa inyo.

Kahabagan ninyo’t tulungan ang mga nag-aalinlangan. Sagipin ninyo ang nasa apoy. Ang iba nama’y kahabagan ninyo. Ngunit mag-ingat kayo; kasuklaman ninyo pati ang mga damit nilang tigmak ng kahalayan.

Sa kanya na makapag-iingat sa inyo upang hindi kayo magkasala, at makapaghaharap sa inyo nang walang kapintasan at may malaking kagalakan sa kanyang kaluwalhatian – sa iisang Diyos na ating Tagapagligtas, sa pamamagitan ni Hesukristong Panginoon natin – sa kanya ang kapurihan, karangalan, kadakilaan at kapangyarihan, mula pa noong una, ngayon at magpakailan pa man! Amen.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 62, 2. 3-4. 5-6

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;
ang uhaw kong kaluluwa’y tanging ikaw yaong hangad;
Para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Bayaan mong sa santwaryo, sa lugar na dakong banal,
ikaw roo’y mamasdan ko, sa likas mong karangalan.
Ang wagas na pag-ibig mo’y mahigit pa kaysa buhay.
Kaya ako’y magpupuri’t ikaw ang pag-uukulan.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

Habang ako’y nabubuhay, ako’y magpapasalamat.
At ako ay dadalngin na kamay ko’y nakataas.
Itong aking kaluluwa’y kakaing may kasiyahan,
magagalak na umawit ng papuring iaalay.

Aking kinasasabikan,
Panginoon, ikaw lamang.

ALELUYA
Colosas 3, 16a. 17k

Aleluya! Aleluya!
Nawa sa inyo’y manahan
salita ni Kristong banal
upang s’ya’y pasalamatan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 11, 27-33

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, pumunta na naman si Hesus at ang mga alagad sa Jerusalem. Samantalang si Hesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng bayan. Tinanong siya, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?” Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Pag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa mga tao?” At sila’y nag-usap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, itatanong naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ Ngunit kung sabihin nating mula sa tao,” natatakot naman sila at baka kung ano ang gawin sa kanila ng mga tao, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta. Kaya’t sumagot sila kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginawa ko.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikawalong Linggo sa Karaniwang Panahon
Sabado

Sa pamamagitan ng Ebanghelyo, nangungusap si Kristo sa atin ng mga salitang may walang hanggang kapangyarihan at gawaing nakapagpapagaling. Sa pamamagitan niya, may pananalig tayong manalangin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, sumaamin nawa ang iyong kapangyarihan.

Ang Simbahan nawa’y makapangyarihang ituro ang walang hanggang katotohanan ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng daigdig nawa’y huwag maging matigas ang mga puso na parang bato sa kanilang pakikinig sa tinig ni Kristo sa mga pangyayari sa ngayon, manalangin tayo sa Panginoon.

Yaong mga nag-iisip na pumasok sa buhay relihiyoso at magtatalaga ng kanilang buhay sa Diyos nawa’y sundin ang kalooban ng Diyos na itinakda sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa pamamagitan ng ating malinis at banal na pamumuhay nawa’y mapawi ang mga impluwensya ng masasamang espiritu sa ating lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga tapat na yumao nawa’y makinabang sa sinag ng liwanag ng buhay na walang hanggan, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, ibinibigay namin sa iyo ang aming mga pangangailangan at nananalangin kami nang may pananalig sa iyong tulong at awa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BREAKDOWN OF MORALITY

 2,501 total views

 2,501 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 32,643 total views

 32,643 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 53,623 total views

 53,623 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 75,953 total views

 75,953 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 248,736 total views

 248,736 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Biyernes, Mayo 29, 2026

 1,902 total views

 1,902 total views Biyernes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Pablo VI, papa 1 Pedro 4, 7-13 Salmo 95, 10. 11-12.

Read More »

Huwebes, Mayo 28, 2026

 3,574 total views

 3,574 total views Kapistahan ng Panginoong Hesukristo, Walang Hanggang at Dakilang Pari (A) Genesis 22, 9-18 o kaya Hebreo 10, 4-10 Salmo 39, 7-8a. 10-11ab. 17 Handa

Read More »

Miyerkules, Mayo 27, 2026

 5,140 total views

 5,140 total views Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Agustin ng Kanterberi, obispo 1 Pedro 1, 18-25 Salmo 147, 12-13.

Read More »

Martes, Mayo 26, 2026

 5,854 total views

 5,854 total views Paggunita kay San Felipe Neri, pari 1 Pedro 1, 10-16 Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4 Ang D’yos na rin ang naghayag ng handog

Read More »

Lunes, Mayo 25, 2026

 4,803 total views

 4,803 total views Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14 Salmo 87, 1-2. 3. at

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top