Huwebes, Hunyo 4, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,164 total views

Huwebes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

2 Timoteo 2, 8-15
Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 at 14

Poon, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

Marcos 12, 28b-34

UNANG PAGBASA
2 Timoteo 2, 8-15

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, alalahanin mo si Hesukristo, ang nagmula sa angkan ni David at ang muling nabuhay. Ito ang Mabuting Balitang ipinangangaral ko, ang dahilan ng aking pagdurusa hanggang sa magapos na tulad ng isang salarin. Ngunit hindi maigagapos ang salita ng Diyos. Pinagtitiisan ko ang lahat ng bagay alang-alang sa mga hinirang ng Diyos upang magtamo rin sila ng kaligtasan mula kay Kristo Hesus, at ng walang hanggang kaluwalhatian. Narito ang kasabihang mapananaligan:

“Kapag tayo’y namatay na kalakip ni Hesukristo,
walang salang mabubuhay na kasama niya tayo;
kung tayo man ay magtiis ng hirap sa mundong ito,
maghahari naman tayong kapiling ng ating Kristo;
kapag siya’y itinakwil sa harapan ng mga tao
pagdating ng takdang araw, itatakwil niya tayo.
Kung tayo ma’y hindi tapat, si Kristo ay tapat pa rin
sapagkat ang sa kanya ay hindi niya itatakwil”

Ipaalaala mo sa kanila ang mga bagay na ito at pagbilinan mo sila, sa ngalan ng Diyos, na huwag magtalu-talo nang walang kabuluhan. Walang ibubungang mabuti ang ganitong pagtatalo, manapa’y kapahamakan ng nakikinig. Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, manggagawang walang dapat ikahiya at tapat na nagtuturo ng katotohanan.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 at 14

Poon, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

Ang kalooban mo’y ituro, O Diyos,
ituro mo sana sa aba mong lingkod;
ayon sa matuwid, ako ay turuan,
ituro mo, Poon, ang katotohanan;
tagapagligtas ko na inaasahan.

Poon, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

Mabuti ang Poon at makatarungan,
sa mga salari’y guro at patnubay;
sa mababang-loob siya yaong gabay,
at nagtuturo ng kanyang kalooban.

Poon, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

Tapat ang pag-ibig, siya’ng umaakay
sa tumatalima sa utos at tipan.
Sa tumatalima, siya’y kaibigan,
at tagapagturo ng banal na tipan n’yang banal.

Poon, ang iyong landasi’y
iyong ituro sa akin.

ALELUYA
2 Timoteo 1, 10

Aleluya! Aleluya!
Si Kristo ay nagtagumpay
nalupig ang kamatayan
nagningning ang pagkabuhay.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 28b-34

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, isa sa mga eskriba ay lumapit kay Hesus at nagtanong, “Alin pong utos ang pinakamahalaga?” Sumagot si Hesus, “Ito ang pinakamahalagang utos, ‘Pakinggan mo, Israel! Ang Panginoon na ating Diyos – siya lamang ang Panginoon. Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas,’ Ito naman ang pangalawa, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.” “Tama po, Guro!” wika ng eskriba. “Totoo ang sinabi ninyo. Iisa ang Diyos at wala nang iba liban sa kanya. At ang umibig sa kanya nang buong puso, buong pag-iisip, at buong lakas, at ang umibig sa kapwa gaya ng kanyang sarili ay higit na mahalaga kaysa magdala ng lahat ng handog na susunugin, at iba pang mga hain.” Nakita ni Hesus na matalino ang kanyang sagot, kaya’t sinabi niya, “Malapit ka nang mapabilang sa mga pinaghaharian ng Diyos.” At wala nang nangahas magtanong kay Hesus mula noon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Huwebes

Sa ating mga panalangin ngayon, maipakita nawa natin ang ating pag-ibig sa Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip, at lakas at ang ating pag-ibig sa kapwa tulad ng paggalang at pagpipitagan natin sa ating mga sarili.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Panginoon, punuin mo kami ng iyong pag-ibig.

Ang Simbahan nawa’y hindi tumigil sa pagpapahayag na nasa puso ng Ebanghelyo ang pag-ibig sa Diyos at ang pag-ibig sa kapwa, manalangin tayo sa Panginoon.

Sa mga tinanggalan ng karapatan, mga itinataboy, at mga walang nagmamahal nawa’y hindi natin makaligtaang ipadama ang ating habag sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y makitungo sa ating kapwa nang may kabutihang-loob at paggalang, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magkaroon ng higit na malalim na pagkalinga sa mga maysakit at mga matatanda sa pamamagitan ng banayad na paghaplos ng Espiritu Santo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y dalhin ni Kristo sa kanyang walang hanggang Kaharian, manalangin tayo sa Panginoon.

Makalangit na Ama, maging karapat-dapat nawa kami sa iyong pagtawag. Bigyan mo kami ng biyaya na maisabuhay ang iyong batas ng pag-ibig sa salita at gawa. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 83,404 total views

 83,404 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 111,695 total views

 111,695 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 157,627 total views

 157,627 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 190,709 total views

 190,709 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 213,775 total views

 213,775 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 28, 2026

 817 total views

 817 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 2,375 total views

 2,375 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 3,821 total views

 3,821 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 5,248 total views

 5,248 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 7,035 total views

 7,035 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top