Biyernes, Hunyo 5, 2026

SHARE THE TRUTH

 300 total views

Paggunita kay San Bonifacio, Obispo at Martir

2 Timoteo 3, 10-17
Salmo 118, 157. 160. 161. 165. 166. 168

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Marcos 12, 35-37

Memorial of St. Boniface, Bishop and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
2 Timoteo 3, 10-17

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, sinunod mo ang aking aral, ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig, at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig sa akin, gayun din ang aking pagtitiis sa Atioquia, Iconio at Listra. Ngunit sa lahat ng ito’y iniligtas ako ng Panginoon. At lahat ng may nais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Kristo ay daranas ng pag-uusig. Ang masasama’y lalong magpapakasama, ang mga manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila may ay malilinlang. Ngunit huwag mong tatalikdan ang mga aral na natutuhan mo at matibay na pinananaligan, yamang kilala mo ang nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Hesus. Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 157. 160. 161. 165. 166. 168

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Kay rami ng kaaway ko, at mga mapang-alipin,
ngunit ang ‘yong kautusan ay patuloy kong susundin.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Ang buod ng kautusa’y salig sa katotohanan,
ang lahat ng tuntunin mo’y pawang walang katapusan.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Mga taong namumuno na dahop sa katarungan,
usigin man nila ako, susundin ko’y iyong aral.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Ang magmahal sa utos mo’y mapayapa yaong buhay,
matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Hinihintay ko ikaw, O Diyos, upang ako ay iligtas,
ang anumang iutos mo ay siya kong tinutupad.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Sinusunod ko ang iyong kautusa’t mga aral,
ang anumang gawain ko ay kita mo’t namamasdan.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 35-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, samantalang nagtuturo si Hesus sa templo, sinabi niya, “Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Mesiyas ay anak ni David? Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito:

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’

Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano magiging anak ni David ang Mesiyas?” At nakinig na mabuti sa kanya ang maraming tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Ang ating pananampalataya kay Jesus bilang “Kristo ng Diyos” ang siyang nagtitipon sa atin bilang miyembro ng komunidad na ito. Sa kanyang pangalan dalhin natin sa Ama ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng aming Panginoong Jesus, pakinggan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging maalab sa pagpapahayag ng katotohanan at pagka-Diyos ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakasunduan nawa’y maging isang katotohanan lalo na sa mga bansang ang mga tao’y nagdurusa sa diskriminasyon dahil sa lahi, kasarian, uri, at relihiyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng kasiyahan at lakas mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y humimlay sa kapayapaan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ni Jesu-Kristo, kinikilala namin na ikaw lang ang aming Panginoon. Lagi mo kaming bantayan at ipagkaloob mo ang aming ipinapanalangin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 5,291 total views

 5,291 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 14,655 total views

 14,655 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 41,111 total views

 41,111 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 91,638 total views

 91,638 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 96,890 total views

 96,890 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Huwebes, Hunyo 4, 2026

 1,265 total views

 1,265 total views Huwebes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) 2 Timoteo 2, 8-15 Salmo 24, 4bk-5ab. 8-9. 10 at 14 Poon, ang iyong

Read More »

Miyerkules, Hunyo 3, 2026

 2,954 total views

 2,954 total views Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir 2 Timoteo 1, 1-3. 6-12 Salmo 122, 1-2a. 2bkd Ang mata ko’y nakatuon

Read More »

Martes, Hunyo 2, 2026

 2,799 total views

 2,799 total views Martes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir 2 Pedro 3, 12-15a.

Read More »

Lunes, Hunyo 1, 2026

 4,459 total views

 4,459 total views Paggunita kay San Justino, martir 2 Pedro 1, 2-7 Salmo 90, 1-2. 14-15ab. 15k-16 D’yos kong tapat at totoo, ikaw lang ang pag-asa

Read More »

Linggo, Mayo 31, 2026

 4,564 total views

 4,564 total views Dakilang Kapistahan ng Tatlong Persona sa Isang Diyos (A) Exodo 34, 4b-6. 8-9 Daniel 3, 52. 53. 54. 55. 56 Purihin at ipagdangal

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top