Biyernes, Hunyo 5, 2026

SHARE THE TRUTH

 6,760 total views

Paggunita kay San Bonifacio, Obispo at Martir

2 Timoteo 3, 10-17
Salmo 118, 157. 160. 161. 165. 166. 168

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Marcos 12, 35-37

Memorial of St. Boniface, Bishop and Martyr (Red)

Mga Pagbasa mula sa
Biyernes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II)

UNANG PAGBASA
2 Timoteo 3, 10-17

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo kay Timoteo

Pinakamamahal, sinunod mo ang aking aral, ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pananampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig, at katapatan. Nasaksihan mo ang mga pag-uusig sa akin, gayun din ang aking pagtitiis sa Atioquia, Iconio at Listra. Ngunit sa lahat ng ito’y iniligtas ako ng Panginoon. At lahat ng may nais mamuhay nang matuwid bilang tagasunod ni Kristo ay daranas ng pag-uusig. Ang masasama’y lalong magpapakasama, ang mga manlilinlang ay patuloy na manlilinlang at sila may ay malilinlang. Ngunit huwag mong tatalikdan ang mga aral na natutuhan mo at matibay na pinananaligan, yamang kilala mo ang nagturo nito sa iyo. Mula pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Kristo Hesus. Lahat ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay. Sa gayon, ang lingkod ng Diyos ay magiging handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 118, 157. 160. 161. 165. 166. 168

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Kay rami ng kaaway ko, at mga mapang-alipin,
ngunit ang ‘yong kautusan ay patuloy kong susundin.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Ang buod ng kautusa’y salig sa katotohanan,
ang lahat ng tuntunin mo’y pawang walang katapusan.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Mga taong namumuno na dahop sa katarungan,
usigin man nila ako, susundin ko’y iyong aral.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Ang magmahal sa utos mo’y mapayapa yaong buhay,
matatag ang taong ito at hindi na mabubuwal.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Hinihintay ko ikaw, O Diyos, upang ako ay iligtas,
ang anumang iutos mo ay siya kong tinutupad.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

Sinusunod ko ang iyong kautusa’t mga aral,
ang anumang gawain ko ay kita mo’t namamasdan.

Ang sa utos mo’y magmahal
papayapa yaong buhay.

ALELUYA
Juan 14, 23

Aleluya! Aleluya!
Ang sa aki’y nagmamahal
tutupad sa aking aral.
Ama’t ako’y mananahan.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Marcos 12, 35-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Noong panahong iyon, samantalang nagtuturo si Hesus sa templo, sinabi niya, “Paanong masasabi ng mga eskriba na ang Mesiyas ay anak ni David? Si David na rin, nang kasihan ng Espiritu Santo, ang nagpahayag ng ganito:

‘Sinabi ng Panginoon sa aking Panginoon,
Maupo ka sa aking kanan, hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo.’

Si David na rin ang tumawag sa kanya ng Panginoon; paano magiging anak ni David ang Mesiyas?” At nakinig na mabuti sa kanya ang maraming tao.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ikasiyam na Linggo sa Karaniwang Panahon
Biyernes

Ang ating pananampalataya kay Jesus bilang “Kristo ng Diyos” ang siyang nagtitipon sa atin bilang miyembro ng komunidad na ito. Sa kanyang pangalan dalhin natin sa Ama ang ating mga kahilingan.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama ng aming Panginoong Jesus, pakinggan mo kami.

Ang Simbahan nawa’y maging maalab sa pagpapahayag ng katotohanan at pagka-Diyos ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang pagkakaisa, kapayapaan, at pagkakasunduan nawa’y maging isang katotohanan lalo na sa mga bansang ang mga tao’y nagdurusa sa diskriminasyon dahil sa lahi, kasarian, uri, at relihiyon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga kabataan nawa’y marinig ang tinig Kristo na tumatawag sa kanila sa buhay paglilingkod, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y makatanggap ng kasiyahan at lakas mula sa mga nag-aaruga sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang ating mga mahal na yumao nawa’y humimlay sa kapayapaan ng Kaharian ni Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama ni Jesu-Kristo, kinikilala namin na ikaw lang ang aming Panginoon. Lagi mo kaming bantayan at ipagkaloob mo ang aming ipinapanalangin. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONVERSION OF RELATIONSHIP

 82,144 total views

 82,144 total views “A Filipino culture ruined by politics, of indifference, ideology, self-interest”. Kapanalig, likas sa ating mga Pilipino ang kultura ng pakikipagkapwa o pakikitungo sa

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 110,435 total views

 110,435 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

Upper-middle income na ang Pilipinas

 156,367 total views

 156,367 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 189,449 total views

 189,449 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 212,582 total views

 212,582 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Martes, Hulyo 28, 2026

 757 total views

 757 total views Martes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 14, 17-22 Salmo 78, 8. 9. 11 at 13 Dahil sa ngalan mo, Poon,

Read More »

Lunes, Hulyo 27, 2026

 2,315 total views

 2,315 total views Lunes ng Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Jeremias 13, 1-11 Deuteronomio 32, 18-19. 20. 21. Ang Diyos ay tinalikdan ng kanyang mga

Read More »

Linggo, Hulyo 26, 2026

 3,761 total views

 3,761 total views Ika-17 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) 1 Hari 3, 5. 7-12 Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130. Iniibig ko nang lubos

Read More »

Sabado, Hulyo 25, 2026

 5,211 total views

 5,211 total views Kapistahan ni Apostol Santiago 2 Corinto 4, 7-15 Salmo 125, 1-2ab, 2kd-3. 4-5. 6 Ang nagtanim na may luha ay aaning natutuwa. Mateo

Read More »

Biyernes, Hulyo 24, 2026

 6,998 total views

 6,998 total views Biyernes ng Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Sharbel Makhluf, Pari Jeremias 3, 14-17 Jeremias 31, 10. 11-12ab.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top