Patanggap kay Hesus, pagtanggap sa mga dukha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,052 total views

Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Palm Sunday mass sa Manila cathedral.

Ang linggo ng palaspas ay ikalimang linggo ng paghahanda ng Simbahan para sa pagdiriwang ng pasko ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoong Hesus.

Mensahe ni Cardinal Tagle, ang tunay na Hesus ay pagtanggap sa presensiya ng mga dukha, mga minamaliit sa lipunan dahil sila ay mayroong dangal na nagmumula sa isang tunay na Diyos.

mensahe ng Kardinal ang pagtanggap sa tunay na Hesus ay pagtanggap sa kaniyang presensiya sa mga dukha, sa mga dnuduraan ng lipunan, sa mga iniinsulto sa ating mundo, sa mga taong tahimik lamang kahit sila ay sinasampal, pero sila’y may dangal dahil Diyos ang may batid ng katotohanan.

Inihayag ng Kardinal na malaking hamon sa ating mga mananampalataya kung paano natin ba gustong tanggapin ang anak ng Diyos.

Inihalimbawa ni Cardinal Tagle ang panahon ni Hesus na hindi matanggap ng mga tao dahil ordinaryo at hindi mukhang makapangyarihan.

“Kaya ang tanong sa atin, talaga bang tinatanggap natin si Hesus? Anong Hesus ang ating tinatanggap?Kaya ba nating tanggapin ang sugo ng Diyos na hindi mukhang Diyos. Kaya ba nating tanggapin ang sugo ng Diyos na hindi nagniningning na hindi mukhang mayabang, hindi mukhang makapangyarihan kundi mukhang ordinaryo at mukhang puno ng dura .”mensahe ni Cardinal Tagle

Ipinaunawa ni Cardinal Tagle na ang hinahanap nating Diyos ay inaalis ang lahat ng problema, lahat dusa at kondisyon ng tao.

Kasabay nito, hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na palalimin ang pagkilala kay Hesus sa linggo ng palaspas.

“Tayo ay hinatid niya sa pagsimula ng semana santa, mga mahal na araw, ito ay isang paglalakbay para samahan si Hesus tungo sa bagong buhay, kaya napakahalaga na lumalim muli ang ating pagkilala kay Hesus . “paalala ni Cardinal Tagle

Ang linggo ng palaspas ang simula ng mahal na araw, ang pag-alala sa matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem, ilang araw bago siya ipako sa krus upang iligtas ang sanlibutan.

Ang linggo ng palaspas ay sumisimbolo sa kapayapaan at pagtatagumpay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 907 total views

 907 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 27,363 total views

 27,363 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 78,047 total views

 78,047 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 84,131 total views

 84,131 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 113,308 total views

 113,308 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DON’T LEAVE GOD WHEN YOU VOTE

 68,573 total views

 68,573 total views Pastoral Message in the Archdiocese of Lingayen Dagupan for the 2019 Mid Term Elections Brothers and sisters in Christ in Lingayen Dagupan: All

Read More »

IS DEATH A THREAT?

 46,146 total views

 46,146 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B. Villegas at the Mass of Holy Chrism on Holy Thursday, April 18, 2019 at Saint John the

Read More »

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 84,569 total views

 84,569 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Scroll to Top