Ang Ating mga Karagatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total reads

Kapanalig, ngayong tag-init, marami sa ating ang pupunta sa mga nagagandahang beaches at karagatan ng Pilipinas. Marami na namang hahahanga sa ganda ng ating kalikasan. Dadami din kaya ang mga mag-aalaga sa ating kalikasan?
Ang mga beaches natin ay tunay na kahanga-hanga. Marami ngang mga turista ang patuloy na nagbabakasyon sa ating bayan dahil sa ganda ng ating mga karagatan at baybayin. Kaya lamang, tunay ba nating na-a-appreciate ang ganda nito? Inalaagaan ba natin ang lahat ng ito?
Ayon sa report ng Ocean Conservatory, ang Pilipinas ay isa sa mga top polluters ng mga karagatan, kasama ang mga bansang China, Indonesia, Thailand at Vietnam. Malaking krisis, kapanalig, ang pagdami ng plastic at iba pang polusyon sa karagatan. Ayon sa Ocean Conservatory, pagdating ng 2025, magkakaron ng isang tonelada ng plastic kada tatlong tonelada ng isda.
Malaki ang implikasyon nito kapanalig sa ating ekonomiya at sa kabuhayan ng mga mangingisda. Lason sa mga halaman at isda ng karagatan ang plastic. Pakaisipin natin kapanalig na marami tayong mga kababayang mangingisda. Malaki rin ang kita ng ekonomiya mula sa fish exports. Mababawasan ito dahil sa plastic.
Ayon nga sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), noong 2014, pang walo ang ating bayan sa top fish producing countries sa buong mundo. May kabuuang produksyon tayo na umaabot sa 4.7 million metric tons ng isda, mga crustaceans, mollusks, pati mg seaweeds at iba pang halamang pandagat. 2.4% ng total world production ay mula sa ating bayan.
Kapanalig, kung ang ating mga karagatan ay mapupuno ng plastic, mababawasan ang huli ng ating mga mangingisda. Maraming kabuhayan ang maa-apektuhan. Ang fisheries sector ay may humigit kumulang na may 1,614,368 fishing operators sa buong bansa. Malaking bahagi nito ay binubuo ng mga municipal fisheries sector, kung saan umabot sa mahigit 1.3 million ang mga operators. Malaking dagok sa kabuhayan nila ang basura sa dagat.
Ang pagdami rin ng plastic sa karagatan ay may implikasyon sa food security ng bansa. Ang mga isda ay isa sa pangunahing source o pinanggagalingan ng protina sa diyeta ng mga Pilipino. Kung liliit ang ang dami ng mga isda at dadami ang ating populasyon, magkukulang ang supply.
Ang Economic Justice for All ay may mahalagang gabay sa atin ukol sa pangangalaga sa kalikasan: Meeting human needs today and in the future demands an increased sense of stewardship and conservation from owners, managers, and regulators of all resources, especially those required for the production of food. Ang Laudato Si naman ay may paalala rin sa atin, na sana ay gumising sa atin at mag-udyok ng positibong aksyon: tanungin natin ang ating mga sarili kung anong klaseng mundo ang iiwan natin sa ating mga kabataan. Kailangan natin makita na hindi lamang kalikasan ang nakataya dito, o ang ating buhay. Ang ating dignidad ang pangunahing nakataya sa nasisirang mundo… Ang isyu ng kalikasan ay isyu rin ng kahulugan ng ating buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,149 total reads

 9,149 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,187 total reads

 44,187 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,671 total reads

 80,671 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,882 total reads

 98,882 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 182,728 total reads

 182,728 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 9,150 total reads

 9,150 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 44,188 total reads

 44,188 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 80,672 total reads

 80,672 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 98,883 total reads

 98,883 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »
Scroll to Top