Obispo, hinimok ang mga bilanggo na tuluyang itakwil ang kasamaan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 349 total reads

Hinimok ni Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo ang mga bilanggo na gunitain ang panahon ng kuwaresma ng may pagsisisi sa mga nagawang kasalanan at tuluyang magbagong buhay.

Sa isinagawang misa sa Mandaluyong city jail, inihayag ni Bishop Pabillo na ang pagsasagawa ng misa kasabay ng mahal na araw sa mga bilangguan ay pagpapakita lamang ng pag-asa para sa mga bilanggo at kanilang maramdaman na ang Diyos ay palaging nagpapatawad.

Giit ng Obispo, hindi maaring alisin sa mga bilanggo ang kanilang karapatan sa pananampalataya lalo na kung pinagsisihan nito ang kanilang nagawang kasalanan at tinalikuran na ang paggawa ng hindi mabuti.

Sa homiliya ni Bishop Pabillo sinabi nito na ang labis na pagmamahal ng Diyos sa tao ang siyang dahilan kaya’t sinakrpisyo ni Hesus ang kanyang sarili at dapat itong pagnilayan ng mga nasa bilangguan at magsilbing aral para magbagong buhay.

“Malulungkot tayo hindi lang kay Hesus na nagdusa sa atin ngunit sana malungkot tayo sa ating kasalanan na naging dahilan ng kanyang pagdurusa at sa kabilang dako magsaya tayo maging mapagpasalamat tayo sapagkat siya’y ay namatay para sa atin alang-alang sa pagibig niya sa atin ganyan nya tayo kamahal. kaya habang pinagsisishan natin ang ating mga kasalanan nagpapasalamat tayo sa pagibig ng Diyos” bahagi ng homiliya ni Bishop Pabillo sa Mandaluyong City Jail.

Kaugnay nito muling hinimok ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na makibahagi sa gaganaping ‘Penitential Walk for Life’ sa madaling araw ng Biyernes Santo na isasagawa mula Rajah Solayman Park hanggang sa Manila Cathedral.

“habang tayo ay naglalakad tayo ay magninilay ng daan ng Krus ni Hesus sa daan ng buhay dahil maraming tayong pagkukulang sa buhay, pag-aabuso nito, maraming napapatay kaya inaanyayahan ko po kayo na sumali sa ating penitential walk for life sa Biyernes at ipakita natin na tayo ay naninidigan para sa buhay” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Mapapakinggan sa himpilan ng Radyo Veritas ang nasabing pagtitipon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 12,267 total reads

 12,267 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 47,112 total reads

 47,112 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 83,594 total reads

 83,594 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 101,806 total reads

 101,806 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 185,508 total reads

 185,508 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 101,115 total reads

 101,115 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top