Makilahok at makialam sa usaping panlipunan, sagradong tungkulin ng bawat Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,541 total reads

Iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, na may sagradong tungkulin ang bawat Pilipino na makilahok at makialam sa mga usaping panlipunan upang maisulong ang mabuting pamamahala at mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa bansa.

Sa panayam sa Radyo Veritas, sinabi ng Obispo na siya ring convenor ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation at White Ribbon Movement na hindi maaaring manahimik ang mamamayan, maging ang Simbahan sa harap ng mga suliraning kinakaharap ng lipunan, lalo na ang korapsyon sa pamahalaan.

“Unang-una kapag hindi tayo kikilos ay sino pa ang kikilos at kung hindi tayo makikialam, sino ang makikialam para magkaroon tayo ng good governance. Bawat Pilipino, bawat isa sa atin ay mayroong sacred duty na makialam, makibahagi, at makiisa para magkaroon tayo ng mahusay, makatarungan, at mabuting pamamalakad ng ating lipunan, ng ating gobyerno,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ayon sa Obispo, ang katiwalian ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang usaping moral sapagkat direktang naaapektuhan nito ang kapakanan at kinabukasan ng mamamayan.
“Ang issue ng korapsyon is not only a political issue, ang issue ng korapsyon ay moralidad… ang korapsyon ay pagnanakaw ng kinabukasan ng ating sambayanan,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Ipinaliwanag din ni Bishop Bagaforo na ang pondong dapat sana’y nakalaan para sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan ng mamamayan ay nawawala dahil sa pagnanakaw o katiwalian ng ilang makapangyarihan na may posisyon sa pamahalaan.

“Mayroon tayong Christian moral duty na mag-ingay at ipaalam at buksan ang mga konsensya ng ating mga namumuno sa atin,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Binigyang-diin din ng Obispo na ang korapsyon ay malinaw na paglabag sa mga utos ng Diyos na huwag magsinungaling at ‘huwag magnakaw’, kaya naman isang magandang paraan ang nakatakdang pagkilos upang gisingin ang kamalayan ng mga nasa katungkulan.

“Corruption is telling a lie, pagsisinungaling, you know, ‘Thou shall not steal,’ huwag kayong magnakaw. So yun ang mga importanteng dahilan kung bakit sa ating kilos protesta ay binibigyan natin ng importansya na gisingin ang mga nasa puwesto ng ating gobyerno,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo layunin din ng nakatakdang White Ribbon March sa Hunyo 28, 2026 na ipakita ang suporta sa mga hakbang ng pamahalaan at ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso at pagpapanagot sa mga pinaghihinalaang sangkot sa katiwalian.

“Sinusuportahan natin ang mga ginagawang prosecution ng ating Ombudsman at ng ating gobyerno sa paglilinis sa mga allegedly suspected na mga gumawa ng korapsyon, pero dapat ay bilisan pa, dapat ay marami pang mga dapat i-prosecute,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Iginiit din ng Obispo na walang dapat maging ‘exempted’ o VIP na nakahihigit sa batas sa usapin ng pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian.

“Walang mga sacred cows, walang mga VIP sa issue ng korapsyon mula itaas hanggang ibaba, dapat ipagpatuloy ng ating gobyerno at suportahan natin itong mga attempts to correct, to strengthen our democratic governance,” Giit ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng Obispo, hindi pa sapat ang kasalukuyang mga hakbang upang matugunan ang problema ng korapsyon sa bansa kaya nararapat lamang na makibahagi ang lahat sa patuloy na pananawagan ng pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa katiwalian sa kaban ng bayan.
“We are not satisfy yet, we are asking for more na i-prosecute at managot sa nangyaring korapsyon sa ating bansa,” pagtatapos ni Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 8,216 total reads

 8,216 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 45,790 total reads

 45,790 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 99,626 total reads

 99,626 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 162,902 total reads

 162,902 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 230,678 total reads

 230,678 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top