Mananampalataya, hinimok na makibahagi sa Frassati day 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,975 total reads

Hinimok ng Master of the Order of Preachers (Dominicans), Fr. Gerard Francisco Timoner III, OP, ang mga mananampalataya, lalo na ang mga kabataan, na makibahagi sa Frassati Day 2026 sa Manila Cathedral bilang paggunita sa unang kapistahan ni San Pier Giorgio Frassati bilang santo.

Sa liham na inilabas sa Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista, inilarawan ni Fr. Timoner si San Pier Giorgio bilang isang huwaran ng kabanalan at paglilingkod na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa mga kabataan sa buong mundo.

“St. Pier Giorgio was called a ‘man of the Eight Beatitudes’ by St. John Paul II. He has inspired countless people worldwide, especially the youth,” ayon kay Fr. Timoner.

Binigyang-diin ng pari ang malalim na pananampalataya ng santo na naging bukal ng kanyang paglilingkod sa mga dukha.

Ayon pa kay Fr. Timoner, nananatiling huwaran si San Pier Giorgio sa mga kabataang naghahangad na pagsamahin ang kabanalan at paglilingkod.

“Pier Giorgio is a reliable guide and companion in our aspirations to meet God… and to bring good news,” saad pa ng pinuno ng mga Dominican.

Suportado rin ng Archdiocese of Manila ang gaganaping “Pataas sa Diyos, Pababa sa Kapwa: Frassati Catholic Youth Social Action Festival” sa July 4 sa Manila Cathedral, sa pamamagitan ng paghihikayat sa lahat ng parokya, komunidad, at mga institusyon na ipalaganap ang paanyaya at hikayatin ang mga kabataang lumahok sa pagtitipon.
“We kindly request our parishes, communities, and institutions to disseminate this invitation to our young people and likewise encourage them to participate in this activity,” ayon kay Manila Chancellor Fr. Carmelo Arada, Jr.

Ayon pa sa arkidiyosesis, layunin ng gawain na tipunin ang mga kabataan sa halimbawa ni San Pier Giorgio Frassati bilang huwarang kabataan sa gitna ng mga hamong panlipunan at pampulitika sa kasalukuyan.

Pangungunahan ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario de la Universidad de Santo Tomas Young Thomasian Professionals–Lay Dominican Fraternity ang pagdiriwang.
Kabilang sa pagdiriwang ang exhibit tungkol sa buhay ni San Pier Giorgio Frassati mula June 27 hanggang July 5 sa St. Jude Chapel ng Manila Cathedral.
Tampok naman sa July 4 ang Eucharistic Adoration, Morning Prayer, Social Action Talk, pagdarasal ng Santo Rosaryo at pagdiriwang ng Banal na Misa sa alas 12 ng tanghali na pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 9,579 total reads

 9,579 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 47,002 total reads

 47,002 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 100,838 total reads

 100,838 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 164,059 total reads

 164,059 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 231,835 total reads

 231,835 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top