Makilahok at makialam sa usaping panlipunan, sagradong tungkulin ng bawat Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,254 total views

Iginiit ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, na may sagradong tungkulin ang bawat Pilipino na makilahok at makialam sa mga usaping panlipunan upang maisulong ang mabuting pamamahala at mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa bansa.

Sa panayam sa Radyo Veritas, sinabi ng Obispo na siya ring convenor ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation at White Ribbon Movement na hindi maaaring manahimik ang mamamayan, maging ang Simbahan sa harap ng mga suliraning kinakaharap ng lipunan, lalo na ang korapsyon sa pamahalaan.

“Unang-una kapag hindi tayo kikilos ay sino pa ang kikilos at kung hindi tayo makikialam, sino ang makikialam para magkaroon tayo ng good governance. Bawat Pilipino, bawat isa sa atin ay mayroong sacred duty na makialam, makibahagi, at makiisa para magkaroon tayo ng mahusay, makatarungan, at mabuting pamamalakad ng ating lipunan, ng ating gobyerno,” Bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radyo Veritas.

Ayon sa Obispo, ang katiwalian ay hindi lamang usaping pampulitika kundi isang usaping moral sapagkat direktang naaapektuhan nito ang kapakanan at kinabukasan ng mamamayan.
“Ang issue ng korapsyon is not only a political issue, ang issue ng korapsyon ay moralidad… ang korapsyon ay pagnanakaw ng kinabukasan ng ating sambayanan,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Ipinaliwanag din ni Bishop Bagaforo na ang pondong dapat sana’y nakalaan para sa edukasyon, kalusugan, at kabuhayan ng mamamayan ay nawawala dahil sa pagnanakaw o katiwalian ng ilang makapangyarihan na may posisyon sa pamahalaan.

“Mayroon tayong Christian moral duty na mag-ingay at ipaalam at buksan ang mga konsensya ng ating mga namumuno sa atin,” Dagdag pa ni Bishop Bagaforo.
Binigyang-diin din ng Obispo na ang korapsyon ay malinaw na paglabag sa mga utos ng Diyos na huwag magsinungaling at ‘huwag magnakaw’, kaya naman isang magandang paraan ang nakatakdang pagkilos upang gisingin ang kamalayan ng mga nasa katungkulan.

“Corruption is telling a lie, pagsisinungaling, you know, ‘Thou shall not steal,’ huwag kayong magnakaw. So yun ang mga importanteng dahilan kung bakit sa ating kilos protesta ay binibigyan natin ng importansya na gisingin ang mga nasa puwesto ng ating gobyerno,” Ayon pa kay Bishop Bagaforo.

Pagbabahagi pa ni Bishop Bagaforo layunin din ng nakatakdang White Ribbon March sa Hunyo 28, 2026 na ipakita ang suporta sa mga hakbang ng pamahalaan at ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso at pagpapanagot sa mga pinaghihinalaang sangkot sa katiwalian.

“Sinusuportahan natin ang mga ginagawang prosecution ng ating Ombudsman at ng ating gobyerno sa paglilinis sa mga allegedly suspected na mga gumawa ng korapsyon, pero dapat ay bilisan pa, dapat ay marami pang mga dapat i-prosecute,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Iginiit din ng Obispo na walang dapat maging ‘exempted’ o VIP na nakahihigit sa batas sa usapin ng pagpapanagot sa mga sangkot sa katiwalian.

“Walang mga sacred cows, walang mga VIP sa issue ng korapsyon mula itaas hanggang ibaba, dapat ipagpatuloy ng ating gobyerno at suportahan natin itong mga attempts to correct, to strengthen our democratic governance,” Giit ni Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng Obispo, hindi pa sapat ang kasalukuyang mga hakbang upang matugunan ang problema ng korapsyon sa bansa kaya nararapat lamang na makibahagi ang lahat sa patuloy na pananawagan ng pagpapanagot sa lahat ng sangkot sa katiwalian sa kaban ng bayan.
“We are not satisfy yet, we are asking for more na i-prosecute at managot sa nangyaring korapsyon sa ating bansa,” pagtatapos ni Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 15,930 total views

 15,930 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 49,012 total views

 49,012 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 77,363 total views

 77,363 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 145,093 total views

 145,093 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 166,988 total views

 166,988 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top