Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 199,194 total reads

Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty law. Nakasaad sa saligang batas (Article II, Section 26) “The State shall guarantee equal access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as may be defined by law.”

Sa napakahabang panahon, nabigo ang mga mambabatas na sundin ang ipinag-uutos ng 1987 constitution. Bakit hindi maipasa sa kongreso ang enabling law na nagbabawal o babasag sa pamamayagpag ng ‘mega-political dynasties sa bansa? Paano maisasabatas ang isang anti-political dynasties kung kontrolado ng political dynasties o political clan ang kongreso lalu na ang lokal na pamahalaan sa Pilipinas?

Ang katotohanan Kapanalig, sa pananaliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) sa nakalipas na 2025-midterm elections, 71 mula sa 82-provincial government sa buong bansa ay kontrolado ng political dynasties.

Hawak ng mga Marcos ang Ilocos Norte: Balwarte naman ng mga Singson ang Ilocos Sur; hindi rin mababasag ang pamilyang Ortega sa La Union; hindi rin masisingitan ang pamilyang Ynares sa Rizal; Tolentino naman sa Cavite; Umali sa Nueva Ecija; Pinedas sa Pampanga, Garcias sa Bataan, Dy’s ng Isabela; Kho sa Masbate; Dimaporos sa Lanao del Norte, Adiongs sa Lanao del Sur, Pacquiaos sa Sarangani, Mangudadatus sa Maguindanao, Mendozas at Taliños sa Cotabato, Jalosjose sa Zambaonga del Norte, Yu’ sa amboanga del Sur, Tans sa Sulu, Salimans at Hatamans sa Basilan at Duterte’s sa Davao. 67-percent ng nanalong congressmen at 53-percent ng nanalong mayor ay mula sa mga nabanggit na political clan.

Ang Senado, kontrolada pa rin ng mga political dynasties: magkapatid na Villar; Cayetano’s; Estrada’s; Tulfo’s.

Pero Kapanalig, sa kauna-unahang pagkakataon makalipas ang halos apat na dekada, naipasa sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang House Bill No. 8389, o Anti-Political Dynasty Bill kung saan ang author ay mula sa mega-political dynasties na si House Speaker Faustino Dy III at House majority leader Ferdinand Alexander “Sandro Marcos na umani ng 271-yes votes, 16 negative votes at 7-abstentions.

Ang nakakalungkot lamang, ipinagbabawal lang sa HB 8389 ang kamag-anak ng isang halal na opisyal na umupo sa isang elective position sa kaparehong lugar o hurisdiksyon. Kino-kober lang panukalang batas ang mga kamag-anak hanggang second degree of consanguinity na kinabibilangan ng asawa,anak, magulang at kapatid. Tinagurian ng mga taga-oposisyon ang panukalang batas na “pro-dynasty”, mahina at peke.

Bago ang 2014 national elections: kinundena ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang pamamayagpag ng political dynasties sa bansa na tinaguriang “spread of political dynasties was one of a “long litany of storms” facing the country amid violent natural disasters. Sa inilabas na pastoral statement, Proclaim the message, In season and out of seasons”; nanindigan ang CBCP na ang political dynasties ay nagdudulot ng corruption and ineptitude.”As monopolies in business, monopolies in politics limit the entry that can bring in new ideas and offer better services,”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 226,963 total reads

 226,963 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,694 total reads

 258,694 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,518 total reads

 360,518 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,081 total reads

 401,081 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 412,509 total reads

 412,509 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

DOUBLE CRISIS

 226,964 total reads

 226,964 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 258,695 total reads

 258,695 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 360,519 total reads

 360,519 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 401,082 total reads

 401,082 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »
Scroll to Top