Pangalagaan ang Negros watersheds, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,773 total reads

Nanawagan si Caritas Philippines President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa pamahalaan at mga kinauukulang ahensya na tiyaking mapangangalagaan ang mga watershed ng Negros bago aprubahan ang panukalang P1.2-bilyong Negros Occidental Bulk Water Supply Project.

Ayon kay Bishop Alminaza, ang tubig ay kaloob ng Diyos na nagbibigay-buhay sa tao, mga pamayanan at buong sangnilikha, kaya’t ang pangangalaga sa pinagmumulan nito ay hindi lamang usaping pangkapaligiran kundi isang moral na pananagutan para sa kasalukuyan at susunod na salinlahi.

“The ongoing discussion on the proposed Negros Occidental Bulk Water Supply Project presents us with a larger question: How do we safeguard the watersheds that sustain life across Negros Island while ensuring that development truly serves the common good?,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-pansin ng obispo ang position paper na inihain ng Green Alert Network Inc., St. Joseph the Worker Parish sa E.B. Magalona at mga kalahok sa Panuba-suba Educational Journey, na nananawagang ipagpaliban muna ang pag-apruba sa P1.2-bilyong proyekto hanggang matugunan ang mga usapin sa pangangalaga sa mga watershed, kalikasan at kapakanan ng mga pamayanan.

Nakasaad sa position paper ang panawagang magsagawa ng masusing pag-aaral sa kalagayan ng Northern Negros Natural Park at Mt. Kanlaon Natural Park, kabilang ang posibleng epekto ng proyekto sa mga underground aquifer at saltwater intrusion, gayundin ang pagpapalawak ng konsultasyon sa mga komunidad na maaapektuhan.

Iginiit ni Bishop Alminaza na sinusuportahan ng Simbahan ang kaunlarang tunay na nagsisilbi sa kabutihang panlahat, ngunit dapat itong igalang ang tao at ang sangnilikha.

“Water cannot be treated merely as a commodity to be extracted. It is a shared gift entrusted to us by God and must be managed responsibly, equitably, and sustainably,” ayon kay Bishop Alminaza.

Hinimok din ng pangulo ng Caritas Philippines ang mga ahensya ng pamahalaan, mga lokal na pamahalaan, eksperto at iba pang sektor na magsagawa ng isang bukas, tapat at makabuluhang diyalogo upang matiyak na ang anumang proyektong pangkaunlaran ay tunay na nagsusulong ng kabutihang panlahat nang hindi isinasakripisyo ang kalikasan at kapakanan ng mga komunidad.

“The future of Negros will not be secured by the volume of water we extract, but by how faithfully we protect the forests, rivers, and communities that make water possible. Caring for our watersheds is caring for our common home and for generations yet to come,” saad ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 110,711 total reads

 110,711 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 144,041 total reads

 144,041 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 176,185 total reads

 176,185 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 242,247 total reads

 242,247 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 254,405 total reads

 254,405 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,103 total reads

 122,103 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top