CSMP, nanawagan ng sama-samang pagkilos at pananalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,550 total reads

Nanawagan ng sama-samang panalangin at pakikiisa ang Conference of Major Superiors in the Philippines o CMSP para sa kaliwanagan, pagbabagong-loob, at pagpapanibago ng bansa.
Sa mensahe ng CMSP, hinimok ng institusyon ang mga mamamayan na magkaisa sa panalangin sa gitna ng iba’t ibang hamon at suliraning kinakaharap ng bansa.

Ayon sa samahan ng mga religious superiors sa Pilipinas, bilang mga taong may pananampalataya ay tinatawagan ang bawat isa na hanapin ang karunungan ng Diyos, yakapin ang tunay na pagbabagong-loob, at magsikap para sa ganap na pagbabago ng lipunan.

Bilang bahagi ng panawagang ito, inaanyayahan ng CMSP ang mga mananampalataya na makibahagi sa gaganaping Banal na Misa sa Hunyo 28, 2026, alas-dose ng tanghali sa National Shrine of Mary, Queen of Peace o mas kilala bilang EDSA Shrine, na susundan ng martsa patungo sa People Power Monument at isang prayer gathering at programa mula alas-dos hanggang alas-singko ng hapon.

Hinikayat din ng organisasyon ang mga dadalo na magsuot ng puting laso bilang tanda ng pagkakaisa, pag-asa, at pangako sa katotohanan at katarungan.
Ayon sa CMSP, “As people of faith, let us come together in prayer and solidarity for our nation. In this time of challenges and uncertainties, we are called to seek God’s wisdom, embrace conversion of heart, and work towards genuine renewal for our country.”

Binigyang-diin din ng samahan ang panawagang, sama-samang itaas sa Diyos ang puso at boses ng pagmamahal para sa bayan sa pamamagitan ng pananalangin, kasabay ng paalala sa ikapitong utos ng Diyos na, “Huwag kang magnakaw.”

Patuloy namang hinihikayat ng CMSP ang mamamayan na gampanan ang kanilang pananagutang sibil at makiisa sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, at mabuting pamamahala para sa ikabubuti ng sambayanan.
Nakatakdang pangunahan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Interreligious Dialogue at siya ring convenor ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation at White Ribbon Movement ang pagdiriwang ng banal na misa sa EDSA Shrine.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,703 total reads

 63,703 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,580 total reads

 142,580 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,025 total reads

 176,025 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,324 total reads

 211,324 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,264 total reads

 435,264 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top